PROLOGUE

8 2 0
                                    

PROLOGUE

I NEVER THOUGHT that I could lie to my parents just to be with my 'secret boyfriend'.

Yes, secret. Dahil kakalbuhin ako ng Papa ko kapag nalaman n'on na pinasok ko na ang ganitong bagay na siyang pinakapinagbabawal niya, lalo na sa akin na panganay niya. Sorry naman daw! Hindi ko na napigilan ang pagkakataon, eh. Pero hindi naman ibig sabihin ay napakagaan sa feeling nito, ah. Honestly, lagi akong bothered.

"Saan tayo pupunta?" all smiles kong tanong sa lalaking kasama ko ngayon na siyang dahilan ng pag-a-alibi ko kina Papa at Mama para lang makalabas ng bahay. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi para magpigil ng kilig. Magka-holding hands pa kasi kami, ano ba!

"You'll know later," nakangiti niya ring sagot. "Pupunta tayo sa lugar na pareho tayong sasaya. 'Yong wala nang secret sa ating dalawa," aniya pa sabay kindat. Napaiwas naman ako ng tingin nang di ko na naman mapigilan ang kilig.

Paano ba naman kasi? Dinaan na naman niya 'ko sa napakaguwapo niyang ngiti na bumihag sa 'kin para sagutin ko siya sa loob lang ng tatlong araw na panliligaw niya!

Teka, nanligaw nga ba siya?

Ewan ko, 'di ko na maalala. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas, eh.

Narito kami ngayon at ine-enjoy ang paglalakad sa gilid ng kalsada. It's our first date together pagkatapos ng graduation namin last week. Patuloy lang kami sa paglalakad kahit wala akong ideya kung saan ba talaga kami pupunta.

Sa sobrang kilig ko, inihilig ko pa ang ulo ko sa braso niya para mas lalo kaming sweet tingnan. Napapatingin na nga sa amin 'yong mga nakakasalubong namin, eh. Sana lang talaga ay wala kaming makasalubong na kakilala dahil kapag nagkataon – naku! Patay ako panigurado pag-uwi!

Lumipas ang ilang minuto nang maisipan ko ulit magtanong.

"Babyloves..." nagpapacute kong tawag sa kaniya. Ang cute ng endearment namin, 'di ba? Baby na, loves pa.

"Hmm?"

"Saan ba kasi tayo pupunta?" napanguso ako.

"Here, nandito na tayo," aniya sabay hinto na nga sa paglalakad, Kaya nadamay na rin ako.

Napaayos ako ng tayo at napakurap-kurap ng ilang beses bago ko ibinaling ang paningin ko sa mataas na building na ngayon ay nasa harapan namin. Napatingala ako sa pangalan nito na naroon.

Sweet Leisure Hotel

"Do everything you want sweetly"

Natigilan ako bigla at natameme habang nakatingala pa rin sa pangalan ng building.

"A-Ano 'to?" naguguluhang tanong ko bago ko siya binalingan ulit. Hotel?

"It's a hotel, babyloves," mabilis niyang tugon na kuntodo ngiti pa.

"Oo, alam ko," kunot-noo kong tugon. Obvious naman na hotel, eh. "Pero... ano 'to? Bakit tayo nandito?"

He smiled even more. "I already told you, para mas maging masaya tayo and to have no more secrets between us,"

Biglang nawala ang kilig na nararamdaman ko. Napalitan ito bigla ng iritasyon at inis.

Paanong 'mas sasaya kami' at 'no more secrets' dahil lang nandito kami sa lugar na 'to?

Wait lang, ha? Tama ba 'tong naiisip ko na gusto niyang mangyari?

Napabitaw ako sa kaniya para harapin siya ng maayos, hindi na 'ko makangiti ngayon. "Dinala mo 'ko sa hotel na 'to para mas sumaya tayo and to have no more secrets between us?" paglilinaw ko sa sinabi niya.

Extensyon (EX SERIES 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora