MFBF: Eighty-seven

159 12 0
                                    


Lezili's POV

Naging sunod sunod ang paglunok ko at pag iling nang makita kung paanong ikasa ni Louie ang baril nya habang unti unting naglalakad papunta sa harap ni Xynon

"I-ikaw??" Gulat kong tanong sa kanya nang mapagtantong isa rin sya sa mga nagtraydor samin

Sa kaunting oras na nagkasama kami kahit kailan hindi ko inisip na magagawang nya to samin...sakin...at lalo na kay Xynon

Hindi sya makatingin nang diretso sakin dahilan para mabuhayan ako nang pag asa. Kaya ko syang patawarin sa gagawin nyang to kung titigil sya at tutulungan kaming makatakas

"Sorry Lez..."pikit matang patawad nya saka unti unting inangat ang baril,pinilit kong kumawala pero masyado akong nanghihina...masyado akong mahina

"Please please wag mo gawin to please!"pakiusap ko habang patuloy ang pag agos nang luha sa mata ko

Halos ikamatay ko sa sakit at kaba ang bawat pagmamakaawang sinisigaw ko sa kanya pero hindi nya ko pinapakinggan,tinutok nya ang baril sa hinang hina at bugbog saradong katawan ni Xynon pero kahit sa huling pagkakataon,kahit na namamaos na ko hindi ako kailan man tumigil sa pagsusumao na kahit ako na Lang,wag na sya...ako na Lang!

"Boss nakahanda na ang lahat" dinig kong saad nang isang armadong lalaking nakamaskara kay Hilberyo,pero hindi ko sya pinakinggan at patuloy lang sa pagiyak

"Sige kalagan nyo na sya" dinig ko pang utos nya, agad namang lumapit sakin ang isa sa pinakamalaki nyang tauhan saka ako kinalagan, hindi naman ako nagsayang nang oras at agad na tumakbo para sana makalapit kay Xynon, pero hindi pa ko nakakalayo sa kinatatayuan ko ay nahablot na agad ako nung lalaki at pilit na kinakaladkad paalis

"Ano ba bitawan mo ko! Xynon!" Namamaos kong sigaw habang pilit na kumawala sa pagkakahawak sakin nung lalaki nang bigla nya akong sampalin, dahilan para mapaupo ako sa sahig. Pero imbis na indahin ang namamanhid kong pisngi ay napatingin lang ako kay Xynon na hirap na hirap at sinusubukang gumalaw sa kabila nang mga pasa at sugat na tinamo nya

Para namang hinahaplos ang puso ko nang magtagpo ang mga paningin namin

"X-xynon" gumagaralgal ang boses ko habang hinang hinang sinusubukang abutin sya. At kahit puno na nang dugo at mga pasa ang mukha nyang nakadikit sa malamig na sahig ay pinilit nyang ngumiti,yung mga ngiting nangsasabing magiging okay din ang lahat

"Shhh...d-don't..cry..."halos pabulong nyang comfort sakin pero napailing lang ako

Muli ko namang naramdaman ang paghatak sakin nang lalaking yun dahilan para pumalag nanaman uli ako

"Hindi hinde! Please tama na! Ako na lang please pakawalan nyo na sya! Please!"pagmamakaawa ko pa

"Shh...t-that's e-nough..."saad nya pa pero umiling lang uli ako

"Oh come on! Matagal pa ba yan??barilin mo na!"sigaw nung ni Hilberyo

Agad namang nabaling ang paningin ko kay Louie, at nakita kong nanginginig ang kamay nyang tinutok uli ang baril kay Xynon

"Please please maawa ka wag please!"napapikit na ko sa kakasigaw,pero sa isang iglap...






Tatlong Bala... tatlong bala ang tumama sa likod nya na mas nagpanginig nang kalamnan ko. Napahinto ako sa pagpalag at napaluhod...

Hindi....hindi totoo to... please sabihin nyo hindi totoo to...

"X-xynon..."bangit ko uli sa pangalan nya..


My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now