Chapter 17

38 3 0
                                    

Chapter 17
BASKETBALL[Part 1]
Friendly Match

AIDEN POV

"Team, sa susunod na araw na ang friendly match nyo kaya naman mag-practice kayong mabuti, kayo Carlos"saad ni coach bago tumingin kay Carlos

"Wag kayong gumawa ng gulo, kundi malilintikan kayo sakin.Kung sino man sainyo ang gagawa ng gulo o kaya di seseryosohin itong practice natin ay tatakbo ng 100 laps, wala akong pake-alam kahit mahimatay kayo dyan"saad ni coach habang nakatingin parin kina Carlos.

Mukhang nabalitaan din nya na nambugbog na naman sina Carlos, sa totoo lang ay ngayon palang natapos yung punishment nina Carlos kaya ngayon lang sila pwedeng mag-practice.

Isa rin yan sa dahilan kaya medyo pressure kami kasi next week na ang friendly match and we can't lose, we need to win to bring honor to our school lalo na at sa school namin mangyayari ang friendly match.

"Understand?!"coach

"Yes coach"sagot naming lahat

Medyo nakakatakot din si coach kasi sobrang seryoso nung mukha nya

"Good, now give me 10 laps, Carlos maglead ka"coach

"One two!one two!"saad ni Carlos at nagsimula na kaming tumakbo, pagkaraan ng ilang minuto ay natapos din kami.

Nag-10 minutes break lang kami bago nagsimulang mag-drills

11:00 am

Nasa cafeteria kami ngayon at nagla-lunch, 11:30 am dapat yung mga scholars katulad ko kaso sabi ni coach na sabay-sabay daw kami lahat, 12:45 pm kasi simula ng afternoon class namin kaya okay lang kahit 11:30 kami kumakain.

"Aiden malapit na din yung exam natin"biglang saad sakin ni Christopher

Exam...

Oo malapit narin pala ang exam namin, siguro next month na yun for this third semester(or grading)

Usually kung ganito ay nagre-review na ako dati kaso ngalang kasali na ako sa basketball pero kahit ganun may benifits naman akong makukuha dito kaya okay lang kahit gabi nalang akong magre-review, basta ma-maintain ko lang ang grades ko di ako matatagal bilang scholar.

"Oo nga malapit na, ano?nagre-review ka na ba?"tanong ko kay Christopher

"Oo, alam mo naman kailangan nating i-maintain yung grades natin kundi matatanggal ang scholar natin"saad nya

"Kaya mo namang i-maintain yung grades mo eh, ilang years ka naring kasali sa varsity habang ako kakasali palang"

"Pero kahit ganun.... mas magaling kapa sakin mag-three points"biro nya saka natawa

Wala namang nakakatawa dun

"Pero serious talk, kilala mo ba si Zeannah?palagi ko kasi syang nakikitang tumitingin-tingin sayo tuwing nagla-lunch tayo tapos minsan napansin kong parang sinusundan ka nya"

Zeannah..... tsk

"Diko sya kilala, baka nagkataon lang"

"Nagkataon lang?sinong niloko mo?"di makapaniwalang saad nya bago tumingin ng mataimtim sakin

"Alam mo Aiden, may masama akong pakiramdam sa babaeng yan.... kaya mag-ingat ka mukhang target ka nya"banta nya

Ako?target nya?tsk

"Okay"saad ko nalang

Nagpatuloy na kami sa pagkain at ilang sandali pa ay natapos nadin kami.Bumalik ulit kami sa court at nagpatuloy sa pagpractice hanggang sa maghapon na.

Stalking Mr.Nerd[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon