Chapter 30

32 2 0
                                    

Chapter 30
Field Trip[Part 2]
TRAP(1)—

BELLA POV

The Next Day

"Maggie gumising ka na!"

Nakakainis naman... kanina ko pa ginigising itong si Maggie pero ayaw magising!

Ang sabi ni proff dapat 6:30 ay nakaayos na kami kaso hindi ko magising-gising si Maggie. Thirty minutes nalang at dapat makapag-ayos na kami.

Kakain muna kami tapos magsisimula na yung mga activities. Kada araw merong dalawang activities tutal one week naman kami dito.

"M-mmm... five minutes more"ungol nya

Ano kaya ang magadang gawin para magising toh?

Aha!!

Agad akong kumuha ng isang basong tubig. Hehehe

SPLASH!

"Oh my god!"nagpipigil ako ng tawa ng bigla nalang syang tumayo ng gulat na gulat

"Sorry"naka-peace sign na saad ko saka pilit na ngumiti

"BELLA!"Agad akong tumakbo papasok sa banyo at agad din itong nilock ng galit nya akong tawagin.

Hu!

Buti at dati ko ng inihanda ang mga damit na gagamitin ko dito sa banyo kundi siguradong lagot ako kapag lumabas ulit ako. Agad na akong naligo saka nagpalit, blinower ko yung buhok ko at lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko ay naabutan ko dun si Maggie na masama ang tingin sakin kaya pilit nalang akong ngumiti.

"Hmp"malding saad nya at inikutan pa ako ng mata bago pumasok sa banyo.

Hindi na ako nagmake-up para natural beauty, nagliptint nalang ako at nagsunblock para di ako umitim kahit hindi naman talaga ako umiitim, nagre-red lang yung balat ko kapag naiinitan ng matagal.

By the way ang suot ko ay black denim short and white fitted croptop.

Habang naglalagay ako ng sunblock ay biglang lumabas si Maggie galing sa banyo.

Witwew

Ang sexy nya!

"What are you lookin' at?"taas kilay na tanong nya

"Wala"saad ko saka tumalikod, pano ba naman kasi naka-two piece sya ng lumbas tapos kung maglakad parang model pa. Akala mo may inaakit eh wala namang lalaki dito.

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na kami at pumunta sa lobby. Sa isang restaurant daw kasi na malamit dito kami kakain at sa lobby kami magkikita. Actually were 10 minutes late dahil sa kaartehan ni Maggie pumili ng susuutin.

"Buti at meron na kayo"saad ni proff Ruiz kaya ngumiti nalang kami.

"Lets go"

***

After eating we went to the beach. Ang sabi nila proff ay gagawa daw kami ng sand castle, yung pagandahan daw, tsk ginawa naman nila kaming bata. Anim bawat team at ang team na mananalo ay pupukpukin nila ng itlog yung mga natalo.

"Okay students.... Begin !"

Sinimulan na naming gumawa ng sand castle. May mga gamit naman kami sa paggawa. Ang mga ka-team ko ay sina Carmel, Rihanna, Chloe, Alice, and Guia. Sina Alice at Guia ay sa Building_2 section A, kaya dika magkakaklase pero kahit ganon napunta sila sa team namin dahil sila yung nabunot. Magkakahalo kasi lahat yung mga pangalan namin sa isang bowl tapos kung ano yung number na mabubunot nila, sila yung magkakasama.

Stalking Mr.Nerd[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon