Chapter 31

33 3 0
                                    

Chapter 30
Field Trip[Part 2]
TRAP(2)

AIDEN POV

Second day na ng field trip namin. Nandito kami ngayon sa isang isla sa boracay dahil dito namin gagawin yung activities namin, actually second activity na namin ito dahil yung una ay tapos. Kasalukuyan kami ngayong nakikinig kay proff Ruiz habang pinapaliwanag nya ang activity namin.

"May mga bandera kaming inilagay dito sa isla. Ang kulay pula ay 1 point, yellow ay 3 points, blue ay 5 points at ang black ay 10 points. Bawat isang group ay five members, at kung sinong group ang may makakuha ng pinakamaraming points ay syang mananalo!"dahil sa sinabi ni proff ay napatingin ako agad kay Bella, napangiti naman ako ng makitang nakatingin rin sya sakin.

"Now make your own group"pagkasabi ni proff nun ay agad ko ng kinalabit si Christopher saka tinuro sina Bella,sumang-ayon naman sya saka kami pumunta sa pwesto nila.

"Buti ka pa Bella kasama mo ang boyfriend mo, eh ako?yung future-boyfriend-to-be ko ay wala!bakit ba kasi Building 2_Section B yun?ang galing kaya nya bakit di sya napunta sa section A?!why?!why?!why?!"

Nagkatinginan nalang kami nila Bella at napangiwi. Napadako ang tingin ko kay Rihanna, napakunot-noo ako at sinundan yung tinitignan nya.

Si Mike at Rose?

Kaya ba para syang nasasaktan dahil nagkabalikan na si Mike at Rose?nagkabalikan kasi mukhang ang sweet-sweet nila, nakaakbay pa si Mike kay Rose, tapos si Rose naman nakayakap sa bewang nya.

"Nakabuo na ba kayo ng grupo nyo?"napalingon kami kay proff ng magtanong sya

"Yes proff!"sagot namin

"Okay, now..... go!"pagkasaad ni proff ay agad na kaming naghanap ng mga bandila.

"Ayun!"napatingin kami kay Christopher ng sumigaw sya, agad nyang kinuha yung blue kaya naman siguradong may five points na kami.

Kalahating oras na ang lumipas at anim na kulay pula, tatlong kulay blue, at apat na kulay yellow palang ang nakuha namin. Hindi pa namin nahahanap ang kulay black at satingin ko pati narin ang iba.

"Maghiwa-hiwalay kaya tayo?"biglang tanong ni Carmel

"Sige para mas marami tayong makitang flag"pagsang-ayon ni Rihanna kaya sumang-ayon narin kami.

"Bella and Aiden kayo ang magkasama para naman may quality time kayong dalawa"ramdam ko kung pano uminit ang pisnge ko dahil sa sinabi ni Carmel, napalingon ako kay Bella at hindi maiwasang mapangiti ng makita kong nagbu-blush sya, ang cute lang kasi ng itsura nya.

"Tapos kaming tatlo naman ang magkakasama"

Pagkatapos naming magusap-usap ay naghiwa-hiwalay na kami. Habang naglalakad kami ni Bella ay may nakita kaming isang blue na flag kaya kinuha namin yun.

"Pano kaya natin mahahanap yung black na flag?"tanong ni Bella

"Hindi ko alam, wala namang clue na binihay si Proff eh"sagot ko kasi yung naman talaga ang totoo.

"Aiden"ani ni Bella at tumingin sakin

"Bakit?"

"Mahal mo ba ako?"

"Syempre naman, bakit mo natanong yun?"

"Wala lang, pakiramdam ko kasi parang may masamang mangyayari at may sisira sa relasyon natin"nagulat ako sa sinabi nya, posible kayang trine-threaten sya nila?

I hope not, ayaw ko syang mapahamak lalo na at hindi ko kakayaning mawala sya sakin.

BELLA POV

Stalking Mr.Nerd[Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon