Pakkk!
Dinuro ako ng tatlong alipores niya — tapos binadfinger pa ako.
Ang lalakas ng amats ng mga ‘to.
“’Wag mong sagot-sagutin si Lory. Hindi mo siya kilala. Baka pag nalaman mo, hindi ka na makapagsalita,” banta ng isa, sabay buhos ng tubig sa katawan ko.
Sheyst.
Masakit na nga, binasa pa ako. Hindi ako pumapatol sa babae. Chill ka lang, kahit anong mangyari, balance the books. Mapaparusahan ako — ayoko na madagdagan pa.
Sa gilid ng mata ko, napansin kong nagulat si Liam sa ginawa nila. Pero napalitan ‘yon ng ngisi. Si Zandro, walang reaksyon. Si Lucas, halatang nagulat.
“Ano, sasagot ka pa?” galit na tanong ni Lory.
Umiling na lang ako, kahit gustung-gusto ko na siyang sagutin. Iwas gulo muna — kaka-isang linggo ko pa lang dito.
Mabuti nalang at may pumasok n si Ma’am.
“You may leave. Wala kayong klase sa susunod na period, may meeting ang mga teachers.”
Tumingin siya sa akin, para bang naiiling. Parang alam na niya kung sino ang may kagagawan.
“YES!” tuwang-tuwa ang mga bully.
“But Ms. Cruz, maiwan ka rito. Maglilinis kayo ng CR — ikaw at yung tatlo.” Sabay turo ni Ma’am.
Umalis na kami. Galit na galit na naman sa akin yung apat. Yung tatlo naman si Liam, Zandro, at Lucas napatingin sa akin. Umiling-iling si Liam bago lumabas.
Magpapalit muna ako, tapos diretso na sa library.
---
LIAN’S POV
Hi guys! I'm Lian Lee kapatid ako ni Liam Lee. I'm 19 years old.
Papunta ako sa library nang makita ko ang isang babae na mukhang nagsusulat. She’s cute, kaya agad akong lumapit.
“Hi?” bati ko sa kanya, may ngiti.
Napatitig muna siya sa akin.
“May dumi ba ako sa mukha? Haha?” biro ko.
“Ah… hi rin,” malumanay niyang sagot.
“I’m Lian, hehe. Ikaw?”
“I’m Eya,” ngumiti siya saglit, tapos balik-sulat.
“Ano yung sinusulat mo?” tanong ko, nakatitig pa rin sa kanya. Mukhang masarap siyang maging kaibigan. Pero ayokong gamitin lang ako dahil kuya ko si Liam at close ako sa tropa nila. Yung apat na bubuyog — sina Lory — panay dikit sa akin.
“Wala,” sagot niya, walang emosyon.
“Sungit naman nito. Nagtatanong lang eh,” sabi ko, sabay tawa.
Ang sungit niya pero cute. Haha.
“Lyrics,” simple niyang sagot.
“Pwedeng makita?”
Binigay naman niya — tapos na pala. Maganda ‘to, ah.
“Pwede kong marinig?”
“Hindi pwede, nasa library tayo,” sagot niya, sabay yuko ulit.
Kaya hinatak ko siya papuntang music room.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong niya, halatang nagtataka.
“Malamang… kakanta ka! Gusto kong marinig eh,” sabay puppy eyes ako para pumayag.
“Aysst, sige na nga…”
[Plays IU’s unreleased song]
Ang ganda, Sheys! Napakaganda ng boses niya. Ang ganda rin ng rhythm ng gitara sa boses niya. Ang angas!
---
Liam's POV:
“Pare, tulala ka na naman d'yan?” Tanong ni Zandro habang naglalakad kami sa basketball court, tinawag kami ng coach namin.
“Iniisip na naman niya yung narinig niyang boses sa music room. Hahaha!” asar ni Zandro sa akin.
“Maganda kasi yung boses. Mukhang maganda rin yung may-ari kaya siguro nagkaganyan ‘yan. Hahaha!” asar naman ni Lucas.
“Ngayon lang ako narinig yung tugtog na ‘yun tapos ang ganda pakinggan,” paliwanag ko sa kanila.
Maganda talaga yung boses. Gusto ko sanang makita kung sino yung kumakanta. Pero tinawag na kami. Siguro isa siya sa mga choir members tuwing may mga event sa school.
“Maririnig ko ulit ‘yon.”
“In love ka na naman!” asar ni Zandro.
“Tsk! In love agad?” sabi ni Lucas.
Sasagot pa sana ako, pero dumating na ang coach namin at may sinabi lang siya tungkol sa gaganaping laban namin next week o next month. Babalitaan na lang daw kami.
---
Nasa cafeteria kami ngayon. Nakita ko ang grupo nila Lory na halatang kakabihis pa lang at iritado pa.
“Eya! Come here!” sigaw ng isa mula sa likod namin.
Pag lingon ko, kailan pa sila nagkakilala? Ehhh, ayaw naman ni Lian ng kaibigan. Anong ginawa nito?Bakit naging magkaibigan sila?
Madadaanan na ni Eya yung grupo nila Lory, tapos—
Blagggg!
“HAHAHAHAHAHA!”
---
♡
ESTÁS LEYENDO
That Nerd is a Secret Agent???(COMPLETED)
Novela JuvenilWhat if, sa school na pinapasukan mo, ikaw ang kilala bilang loser, mahina, at hindi kagandahan? Would you choose to stay hidden behind a disguise, or reveal your true identity? Imagine the shock if they found out I'm actually a secret agent. They'd...
