Chapter 6:

271 9 0
                                        

"Eya!" sigaw sa akin ni Lory.

'Oo, yan na. Atat na atat, eh.'

"Orange juice," maarte niyang usal.

Sumunod na lang ako agad sa gusto niya bago pa niya ako pag-initan. Mahirap na. Binili ko agad ang gusto niya.

Yumuko ako sa harap niya para iabot ang inumin.

"WOHH!" narinig kong reaksyon ng iba, halatang nagulat.

Seriously? Kakapasok ko pa lang!

"Bagay sa’yo, ampanget mo. Go, alis na!" sabi ni Lory. Nagtawanan pa ang mga alipores niya.

"May extra ka bang damit, Eya? Basa na ‘yang suot mo," tanong ni Lian sa akin.

"Meron pa naman," sagot ko. Sumama siya sa akin papunta sa locker room.

Napansin ko si Liam. Nakatitig siya sa akin.

Liam’s POV:
Ilang oras na ang nakalipas mula sa nangyari kina Lory at Eya. Uwian na.

"Sige, pre, mauna na ako," paalam ko sa mga kaibigan ko.

Naabutan kong nasa locker pa si Eya. Nakababa ang hood niya. Ewan ko ba kung bakit hindi siya pinapagalitan ng mga teacher kahit laging nakahood. Siguro nasanay na rin sila?

"Anong ginagawa mo pa dito? Uwian na."

Nagmadali siyang isuot ang hood niya, halatang natataranta, parang may ginawang kasalanan. Agad siyang naglakad palayo.

'Cute...'

Ohh hell no!

Pumunta na rin ako sa locker ko. Inayos ko mga gamit ko at kumuha ng panibagong damit, pawis na ako.

"Woshh, woshhh," pasipol-sipol akong naglalakad. Medyo malayo kasi ang parking lot.

"Hayy, sa wakas, dumating ka na rin, Liam," sabi ng isang lalaki na may bitbit na dos por dos. Ang laki.

"Hindi ba halata?" sagot kong may pilosopo. Wrong move.

Ang dami pala nila! Nagsilabasan silang lahat.

"Anong sabi mo?" tanong ng isa.

Sila Babby. Mainit ang dugo ng grupong ‘to sa amin.

"Pre, baka puwedeng pag-usapan muna natin ‘to, hehe?" pilit kong inaayos ang mood.

"Aba, hindi, Liam. Namumuro ka na sa amin. Masyado kang bida." sagot ng isa pa.

"Kahit mayaman ka, wala kaming pakialam. Malaki ang kasalanan mo sa amin." sabi naman ng pinakamalaki sa kanila.

"Huh? Paano?" naguguluhan kong tanong.

"Masyado kang mapang-asar. Mali ang kinakalaban mo."

Totoo naman, naaasar ko sila dati. Pero asar lang ‘yon—at totoo naman kasi ‘yung sinasabi ko!

"Sinasabi ko lang naman ang totoo. Humarang-harang siya noon, eh alam naman niyang malaki siya!"

"Aba, mayabang ka pa!" babanatan na sana ako.

Yumuko ako. Inaasahan ko nang masasaktan ako.

Pero wala akong naramdaman.

Inangat ko ang ulo ko.

.
.
.

Isang babae ang nakikipaglaban sa kanila—sampu sila!

Suntok.
Tadyak.
Tumblings.
Plus upper kick.

Hindi ko makita ang mukha niya. Medyo madilim kasi.

Lahat sila—bagsak. ಠಿ_ಠಿ

Woah. Babae ‘yon. Sigurado ako. Pero hindi siya lumingon sa akin. Basta lang siyang naglakad palayo. Nakalayo na siya bago pa dumating ang mga guard.

Seriously? Ngayon lang sila dumating?

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ko.

"Sorry po, Sir. Tinawag ko pa po kasi ‘yung ibang guard, pati pulis. Hindi rin po namin agad napansin, madilim po. May nagsabi lang po sa amin. Pasensya na po, Sir," paliwanag ng isa.

Tumango ako. Kinuha nila si Babby at ang mga kasama nitong nakahilata sa sahig.

"Wow! Grabe bro, ang galing! Sino kaya ‘yon?" tanong sa akin ni Zandro.

"Hindi ko siya nakita nang maayos, pero sigurado akong suot niya ‘yung school t-shirt natin."

"Pasensya na, pare. Wala kami ro’n," sabi ni Lucas.

"Mabuti na rin ‘yon. Kesa madamay pa kayo," sagot ko.

Sino kaya siya? Gusto ko siyang makita. Gusto ko lang magpasalamat... sobra akong humanga sa kanya.
(。♥‿♥。)

_____

♡⁠

That Nerd is a Secret Agent???(COMPLETED)Where stories live. Discover now