Chapter 4 - First Day

325K 7.5K 837
                                    

Chapter 4 - First Day of School as a Nerd (edited)

Sofia's POV

Kriiiiiiiinnng!!

Minulat ko ang aking mga mata at agad binato ang alarm clock. Wag ka ng magtaka, habit ko na ang pagbato ng alarm clock lalo na kapag malapit sakin. Kinapa ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras. It's already 5:00 in the morning, pumunta na ako sa banyo and do my morning rituals.

Well, since mag di-disguise ako eh nag bihis na ako ng damit na pang nerd. A wig, and huge glasses. First day of classes ngayon kaya its okay kung civilian muna. Pagbaba ko ay laking gulat ng mga kasambahay namin nang makita ang itsura ko. I just stared at them blankly.

"Good morning young lady." maids/butlers/nanny.

"Bakit po ganyan ang inyong kasuotan young lady?" Yan ang bungad sakin ni George nang makaupo ako sa mesa.

"Disguise," maikli kong sagot.

"GOOD MORNING INSAN!!" bigla akong napatingin sa babaeng sumisigaw habang patakbong bumababa ng hagdan.

"Don't shout." saway ko sa kanya gamit ang aking malamig na boses. Agad naman siyang sumimangot.

"Don't use that tone to me Insan." Reklamo niya.

"Then don't shout," wika ko at pinagpatuloy ang pagkain. Sumunod din naman si Tiffany. Gaya ko, naka-disguise din siya.

"Butler George ihatid mo kami sa school pero hanggang kanto lang. I know, you know what I mean." malamig kong sabi at uminon ng tubig. "Yes young lady."

"Okay let's go," Sumakay na kami sa limo. Medyo malapit lang naman ang LPI sa bahay. Pumarada kami sa isang kanto malapit sa school at bumaba na kami ni T.

Alam kong sa pagtungtong pa lang namin sa gate ng University na 'to, simula na nang pag-arte ko.

"Yuck! Nerds. 'Di sila bagay dito!"

"IKR! Sila siguro ang first na ma bu-bully ngayon. HAHAHA!"

"What the! Ugly creatures!"

"What the hell! Ang low class nila!"

"May bago na naman tayong toys! This is going to be exciting. HAHAHA!"

Yan ang mga naririnig ko. Mahirap talaga pag ganitong mga tao ang mga nakakasalamuha mo.

Tsss. Brats and Jerks.

Dumiretso kami sa Principal's Office, ang principal dito ay ang auntie lang naman namin. Her name is Alodia. Matandang dalaga yan kahit marami naman syang nabihag, eh ayaw daw niya mag asawa. Bahala siya. Walang katok-katok ay pumasok ako.

"Kyaaaaaaaahhh! Oh my! My two beautiful pamangkins!" sigaw ni Auntie Alodia sabay halik sa pisngi namin.

"Don't shout Auntie!" wika ni T. Aba? Ginagaya ba ako ng babaeng 'to? Tumingin lang sa akin si Tiffany at ngumiti. Inirapan ko nga.

Tumikhim naman si auntie at biglang sumeryoso ang mukha. "Yeah, here are your schedules and by the way, what's with the outfit and look?" tanong niya.

"None of your business Auntie. We gotta' go baka ma-late pa kami." Ang galang ko 'no?

"Ang haba ng sinabi mo. Naiyak ako huh." Rinig kong bulong ni T kaya napalingon ako sa kanya at tinaasan ng kilay. Ngumiti naman siya sakin. Kanina pa yan ngiti ng ngiti. Hindi ba nangangawit panga 'neto?

"Okay.. Be careful maraming bully sa labas." paalala samin ni Auntie.

"I was born ready." nginitian ko lang siya at alam kong alam niyang may kakaiba sa mga ngiti ko. Lumabas na kami sa Principal's Office at pumunta sa garden. Babasahin muna namin ang folder na binigay ni Auntie.

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon