Chapter 37 - Events (Part 1)

120K 3K 96
                                    

Chapter 37

(Day - When Angelie's group died.)

Alodia's POV

"Maam, ito po yung nakuha namin sa paanan ng mga bangkay. I-su-surrender po namin sa inyo." Tumango ako sa sinabi ng inspector at kinuha ang isang notebook na may bahid pa ng dugo.

Tiningnan ko ang harap nito. Naawa ako sa limang batang iyon, sayang at namatay sila ng maaga. 'I'm Sorry' yan ang naka lagay sa unang pahina ng notebook. I started scrolling the notebook, it turns put to be a diary.

Diary of Angelie.

August 3, 20xx

Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya mag sinungaling pa at mang loko pa. Takot na takot na ako.

Wala namang ginawang masama sa akin si Zay, noong una gusto lang namin siyang pag tripan. Pero dahil palaban siya, nasabi namin na hindi siya katulad ng iba na mag papa-api agad.

- Angelie

Nanlaki ang mata ko sa mga nababasa ko sa diary na to.

August 4, 20xx

Hindi ko na kaya, sobrang naawa na ko sa mga kaibigan ko.

- Angelie

July 8, 20xx

Noong unang araw na pinag tripan namin si Zay, unang tingin ko kasi sa kanya ay isang mahirap, lampa-lampa at ta-tanga tanga pero nag kamali pala ako. Isa siyang palaban na babae. Noong una ay tinakot namin siya na kami kuno ang mga legendary gangster. Alam ko namang walang maniniwala sa amin pero pinush parin naming mag kakaibigan kasi pawang katuwaan lang.

Una, wala akong gusto kay Xander. Dahil, matagal na akong tali at may anak ako. Oo, isa akong disgrasyadang babae pero alam ko na isang regalo sa akin ng panginoon ang anak ko. Hindi ako pinanagutan ng lalaki dahil isa daw akong malandi, ma sa katunayan at siya lang naman ang naka galaw sa akin at wala ng iba.

Pangalawa, hindi totoo ang pinapakita naming katapangan. Dahil sa likod ng bitchy type namin ay isang babaeng mahina.

Papauwi na kami ng mga kaibigan ko ng may humarang sa aming isang van, noong una baka nag stop lang kaya nag patuloy kami sa pag lalakad, hindi kasi ako nag pasundo sa driver ko kasi nag papasama ako sa kanila para bumili ng regalo sa mag da-dalawang taon na ang anak ko sa makalawa. Oo, alam nilang may anak ako at hindi nila ako hinusgahan.

"Ano ba yan, ang cheap naman nila hindi maka hanap ng parking space?" Rinig kong bulong ni Sandra.

Pero nan laki ang mga mata ko ng may lumabas ng kimang armadong lalaki at hinila si Sandra papasok ng van. Nag tulungan kami nila Sab na bawiin si Sandra pero nasama rin kami.

Nag pumilit parin ako sa panlalaban pero sinuntok ako nung isang lakaki sa tiyan at nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa lamig na bumalot sa aking katawan, only to find out na may nag buhos pala sa akin ng tubig.

"Buti naman at nagising kana," yan ang narinig ko na sabi ng tao na nasa harapan ko. Hindi ko siya makita dahil masyadong madilim. "I saw your skills. Pasado kayo sa kin." Anas niya.

"Ano ba ang kelangan mo?" Wika ko.

Tumawa yung tao. "Simple, pahirapan niya si Sofia. At lahat kayo ay makakalaya.

Ginawa namin ang utos niya, lagi namong binu-bully si Sofia. Pero parang yung bully na pang high school lang, kasi kilala rin kami sa university na mahilig mam-bully.

The Famous Legendary Gangster is a NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon