Chapter Twenty Three

716 17 2
                                    

Monday morning...

Pagkalabas ko ng bahay expected na nasa labas si Harley at hinihintay ako.. Syempre tama ako. Pagkalabas ko andun nga siya. 

Pumasok na kami sa school at nag-aral.

Pasok -> Aral -> Tambay/Pasyal (minsan) -> uwi.

Yan lagi naming daily routine.

Nag-eenjoy naman akong kasama siya pero nakakamiss kasama 'yong mga kaibigan ko. Namimiss ko gumala at mag overnight sa pagdodota kasama mga abnormal kong kaibigan. 

Kaya after class niyaya ko si Harley na maglaro kaso hindi siya pumayag, may pupuntahan daw kami..

Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o kung ano.. =.=

Pagkalabas namin, niyaya niya agad ako at umalis na kami. Hindi ko siya kinakausap kasi badtrip ako.. Gusto ko maglaro eh.

Mga ilang oras na biyahe sa tingin ko tapos na ito ng pumasok kami sa isang exclusive na subdivision.. Kaya 'yong pagkainis ko napalitan ng kaba at pagtataka. 

Ano gagawin namin dito? Taga dito ba siya? Hala?! Hindi kaya ano.. OMG! Kinakabahan ako. @_@

Tinignan ko siya, sakto tinignan niya din ako tapos nginitian. Err! Ayoko nginingitian ako pagkinakabahan. :|

Nag-slow down na 'yong kotse sa harap ng malaking gate. Bumusina siya tapos bumukas 'yong gate. Yong guard na nakatayo nag-bow at nag-smile siya kay Harley nung binaba ni Harley 'yong salamin ng kotse niya.

Pagpasok namin, mag da-drive pa siya ng konti medyo malayo 'yong bahay sa gate pero tanaw na tanaw mo na 'to sa sobrang laki. Yong path na dinadaanan namin left and right nun malawak na garden naka-open pa 'yong sprinklers nila kaya ang cute tignan.

Huminto yong kotse sa harap ng hagdan. May malawak muna kasing hagdan sa harap ng bahay nila tapos veranda kung saan matatanaw yong buong garden.

Pagbaba namin ng kotse may lumabas na katulong at kinuha 'yong gamit namin tsaka kami binati.

Labas palang ang ganda na, kaya na-excite akong makita 'yong loob.

Pagpasok namin ng loob..

GRABE! Mansyon kung mansyon eh! Ang laki na ang ganda! ganito siya kayaman? Alam ko mayaman siya pero hindi ko alam na ganito ang simple niya lang kasi eh.

Harley: si mommy? Nandiyan na ba? (tanong niya sa nakasalubong naming katulong nila)

Katulong: Opo sir, kanina pa kayo hinihintay.

Hinihintay kami?  O_O

Pinaupo muna ako ni Harley sa sofa nila.

Harley: Babe, puntahan ko lang si mommy sa room niya ha?

Tumango lang ako. Sa sobrang pagka-amaze ko para na akong pinutulan ng dila.

Hinalikan niya ako sa noo.

Harley: Pag nayamot ka pwede ka maglaro doon oh. (sabay turo sa computer na katabi ng malaking aparador na may malaking flat screen na Tv at kung ano-ano pang appliances) 

Grabe? May isa pang salas doon? medyo mas dim 'yong lights sa part na 'yon.

Umiling lang ako at ngumiti.

Harley: Ano nangyari sayo?

Nakatawa niyang tanong.

Harley: Relax. (tsaka siya ngumiti at hinawakan kamay ko)

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon