Chapter Thirty Two

738 19 0
                                    

1 MONTH LATER...

 

Ganun parin sila. Wala paring pansinan.

Namimiss ko na 'yong dating kami. 'Yong magdodota, mag-mo-mall, mag-iinuman o kaya maglalakwacha. Ngayon, kailangan mong hindi makasama 'yong isa para lang makasama 'yong isa.

Si Eyel, madalas niyang kasama si Natalia maliban kay Harley. Si Kieffer minsan kami nila Billy at Karlo kasama niya, pero nakakasama lang namin siya pagnilulubayan siya ni Erica. Mas lumala siya. Naging nagger, possesive at sobrang clingy niya. Ang laki ng pinagbago niya ewan kung nagbago ba o 'yon talaga ugali niya.

Dahil nga sa sinabi niya noon kay Kieffer hindi tuloy siya magawang iwan nito. May time pa no'n na aalis na sana si Kieffer para sa States na tumira, sa magulang niya, pero hindi pumayag si Erica. 'Yong night na bago umalis si Kieffer naglaslas siya kasi buo na talaga desisyon niya na umalis, eh hindi mapilit ni Erica na mag-stay siya kaya ayon naglaslas siya sa harap ni Kieffer noong nagpaalam ito sa kanya, kaya imbes na umalis siya, napilitan siyang mag-stay. Ang galing 'no? Lahat gagawin. Sakal na sakal na si Kieffer sa kanya, kahit na minsan hindi niya sinasabi sa amin alam naming nahihirapan na siya ng sobra. Naawa na nga kami sa kanya kasi limitado na 'yong mga nagagawa niya at galaw niya.

Nagbago na din ng pananamit si Erica, kung dati may pagkaconservative siya, ngayon daring na siya manamit. At, nagme-make-up na din siya. Honestly, lumabas talaga 'yong ganda niya. Ang sexy niya pala at dumami nanliligaw sa kanya pero hindi niya pinapansin kasi patay na patay parin siya kay Kieffer na halos sipain siya palayo sa kanya. Lol! I mean, ayaw parin sa kanya ni Kieffer kahit ganun na siya kaganda..

After class..

Pumunta ako ng mall para i-meet 'yong blind date ko daw. HAHAHAHA! Pinatulan ko 'yong trip ni Karlo. Para naman may magawa ako, nakaka-stress kasi eh tsaka chicks naman daw kaya hindi na ako lugi. And, date lang naman para kahit papano talaga malibang ako.

Nasa restaurant na ako, sa meeting place. Ihahatid daw ni karlo 'yong ka-blind date ko. Ayaw ibigay 'yong number eh para ako na lang magtetext, sabi niya siya na lang daw i-text ko kasi ihahatid niya daw. Tsk! Daming alam e.

Habang hinihintay ko 'yong ka-"blind date" ko, nakita ko si Nichola at Erica na dumaan sa harap ng restaurant na kinauupuan ko na magkasama at nagtatawanan pa. Kilala ko si Nichola kasi tinuro siya dati ni Eyel. Pagkakasabi pa nga nia "ayon 'yong bruha na naka-away namin ni Ekang sa mall oh!"

Kaya ba siya lumala? Kaya ba siya nagbago? Naimpluwensyahan siya ng Nichola na 'yon?

Pagkadaan nila sa harap ng resto na pinaghihintayan ko, nakita ko naman si Natalia na pumasok sa restaurant na mukhang may hinahanap.

Noong makita ko suot niya naalala ko 'yong sinabi ni Karlo sakin na magteterno daw kami ng kulay ng damit dapat daw pink, so nagpink na t-shirt ako buti na nga lang ang gwapo ko sa pink na t-shirt. HAHAHAHA! Palag? Siya nakapink na dress. Wew! Don't tell me siya 'yong ka-blind date ko?! Eh mas malala pa 'to kay Eyel eh. Hardcore 'to. And top of all, hindi ko akalaing mahilig siya sa blind dates! HAHAHAHAHA!

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon