Chapter Fourty Eight

592 17 5
                                    

Eyel's POV

My first week here was so hard. Na-ho-homesick ako, ganito pala talaga pakiramdam. Super nosebleed pa. bagong panganak lang si tita, a week before ako dumating, si baby Dominique-- Nikoy na nga tawag ko sa super cute na anak ni tita e.

Apat lang kaming nandito; ako, si tita Venice, tito Angelo tsaka si baby Nikoy then may 5 silang kasama sa bahay. Buti na lang puro pinay mga maids nila.

Tita owns a prestige school here at doon niya ako ipinasok. As I promise, photography nga ang kinuha ko. Mag 2 weeks na akong pumapasok so almost a month na akong nandito.

Ang hirap mag-adjust dito sa school na ito. Iba ugali nila may mga pinoy din pero iba sa kanila nahawaan ng ugali ng mga kano. Liberated, magulo, pasaway at super bully 'yong iba. Akala ko nga sa T.V ko lang makikita 'yong "mean girls/badass" pero they do really exist in this school. Madami din namang mababait na kano.

Buti walang naglalakas loob na pagtripan at ibully ako dahil din siguro pamangkin ako ng may-ari at sa tingin niyo? Magpapabully ba ako? May mga naging friends din ako agad dito pero namimis ko parin mga kaibigan ko sa Pinas. Kamusta na kaya sila?

After 1 year...

Taon ang lumipas bago ako nagparamdam sa kanila. Grabe inabot kong pang-aaway. Tadtad ng messages 'yong facebook, twitter, ym.. etc Inaaway nila ako, bakit ko daw sila iniwan, bakit daw hindi ako nagpapaalam, bakit ngayon lang daw ako nagparamdam at kung anu-ano pa pero pag tapos nun puro "I miss you", "Umuwi ka na" ... na 'yong sinabi nila sa akin..

So, ayon nga. 'Yong mga kumag kung kaibigan iisang course lang ang kinuha nila kaya magkaka-klase sila sabi din nila after nung course na nilang 'yon kukuha ulit sila ng ibang course. May binabalak din silang ipatayong bar yata.. Umuutang daw sila sa mga magulang nila ng pera pero pinag-iisipan pa daw ng mga magulang nila kasi masyado pa daw silang bata at malaking halaga ang hinihiningi nila. Masyadong ambisyoso kasi 'yong gusto nilang ipatayo. Bar daw ng mga high society, sikat at mga powerful na mga tao..

Sobrang namiss ko sila. Milyon thousand kadami. Haaaayy.. Kung pwede lang umuwi na ng Pinas ginawa ko na pero hindi pa ako handa.

One day, pumunta kami ni tita sa park para ipasyal si baby Nikoy. Habang nakaupo si tita sa may bench at pinapanood kami ni Nikoy maglaro sa park may napansin akong lalake na nasa kabilang bench na kanina pa nakatingin sa amin ni Nikoy. Hindi ko pinansin 'yon.

Noong pagod na kaming maglaro, nagpunta naman kami sa mall para mag-ice cream at mag-shopping.

Nasa icecream house kami at kumakain.

Hindi pa ako nakakasubo ng matapunan ako ni Nikoy ng chocolate mousse sa t-shirt ko.

 Eyel: Tita, restroom po muna ako.

Venice: Sure iha, pasensya ka na sa pinsan mo ang kalat kumain. (habang pinupunasan niya si Nikoy dahil sa icecream sa katawan)

Pumunta na ako ng restroom at pagtapos ko maghugas, pagbalik ko.. Nandun 'yong lalakeng tingin ng tingin sa park.

Eyel: Tita...?

'yong tipong nagtatanong kung sino 'yong lalake at para ramdam nila presence ko.

Napatingin siya sa akin pati 'yong guy.

 Venice: Oh, here she is.. She's my niece, Akiko.

Umupo ako at tinitignan ng nagtataka 'yong lalake na nagtanggal ng shades at ang seryoso niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.

Eyel: Uhm.. Who is he, tita?

Endlessly.. (Extraordinary love) [COMPLETED ♥]Where stories live. Discover now