Chapter 34: Fifty Percent

67.6K 2.8K 630
                                    

XYRA

Napansin ko ang nalilitong tingin sa 'kin ng lalaking may kapangyarihan ng apoy. He seems like he wants to tell me something.

"Come here." My king told me. Nang akmang maglalakad na ako papalapit sa kanya, sumigaw naman ang lalaki 'yon upang pigilan ako.

"Xyra! Stop! What are you doing?" nalilitong tanong niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko. Ako ba ang tinatawag niyang Xyra? 

"Who are you?" I asked sharply. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. He doesn't have the right to stop me. Nagulat siya sa tanong ko. Hurt was visible in his eyes. Mariin niyang itinikom ang bibig. Akala ko hindi na siya magsasalita pero sumagot siya.

"Hindi mo ba ako naaalala? I'm Clauss! I'm your boyfriend! Damn! Hindi ko alam kung bakit nakalimutan mo ako. But please! Huwag kang lumapit sa kanya," he said pleading. Tila hindi niya maintindihan kung paano niya ako pipigilan. Sinubukan niyang lumapit pero humarang ang mga paniki sa daan niya. It's funny that I could not feel anything special about him. I couldn't remember him as my boyfriend. Did I cheat from my king? I couldn't remember. Siguro gumagawa lang siya ng kwento. In the first place, I don't know why they were fighting either.

Ngumisi ako nang nakakaloko. "Enough for your lies," I said. "Wala ka sa lugar upang utusan ako. Gagawin ko kung ano ang gusto ko. I'll go to where he is because he's my king," I answered. Naglakad ako patungo sa dark king. Pero bago ako makalapit sa dark king may lumipad na fire ball sa pagitan namin. Tumama ang fireball sa pader at sumabog ang nagkabitak-bitak na semento. Natigilan ako sa paglalakad. I glared at Clauss.

"Please don't," nagmamakaawang sabi niya. I can see through his eyes that he was badly hurt. He was gritting his teeth and I'm sure he was about to cry. Pero hindi ko makita ang hinanap kong emosyon mula sa kanya. Alam kong hindi siya galit sa 'kin. Alam kong gusto lang niyang makinig ako sa kanya. But why would I do that? Sino ba siya?

"Queen," mapang-akit na tawag sa 'kin ng dark king. Agad akong lumingon sa kanya. Hindi ko na pinansin si Clauss. Ipinagpatuloy ko ang paglapit sa dark king. Agad akong yumakap sa kanya habang hinapit naman niya ako sa baywang.

"I'm glad you're already here," he whispered. I smiled. "We're done here," he added. Tumingala ako sa kanya. Wala akong ideya sa mga sinasabi at tinutukoy niya.

"He said he was my boyfriend," naalala kong sabihin sa kanya. The dark king frowned and was displeased. His gestures was actually cute. I smiled on his reaction.

"You're really a cheater. You must be punished," he seriously said. He grinned when he held my chin up. I knew what he wanted to do. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya. I willingly accepted his aggressive kiss.

Then I sensed a tremendous power coming from Clauss. He threw something on our direction. I'm sure it was a very powerful one. Ititigil ko sana ang pagtugon sa halik ng dark king pero pinigilan niya ako. He pushed me towards him and kissed me more deeply. Hindi niya pinansin ang pag-atake ni Clauss. He's not afraid at all. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtugon sa halik niya. I kissed him and allowed his tongue slid inside my mouth. Pakiramdam ko mas lumalakas ang taglay kong kapangyarihan dahil sa halik niya.

While kissing me, I know the dark king did something. He deflected Clauss' power before it hits us. He released a large amount of dark energy that served as our shield. Hinihingal na naghiwalay ang mga labi namin. Nawala na rin ang dark energy na pinakawalan niya at maging ang apoy ni Clauss. Niyakap ko nang mahigpit ang dark king. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Clauss. He was looking at me with teary eyes. Halatang nasasaktan siya. I grinned wickedly at him. Pero naiinis ako kung bakit wala akong maramdamang kahit anong galit na nagmumula sa kanya para sa 'kin. All I can sense were regrets and sorrow. Kung galit man siya, para sa ibang tao ang nararamdaman niya. Para sa dark king. Para kay Jeanne. Para sa sarili niya.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessWhere stories live. Discover now