Chapter 16: Worse Situation

68.9K 2.6K 377
                                    

Clauss' POV

Class is going to start within a few minutes. Tapos na ang lunch break. Sana nasa room na si Xyra. Nasa canteen pa rin kami at tapos nang kumain si Elysha.

"Hindi ka pa ba babalik sa room mo?" kunot-noong tanong ko kay Elysha. Although, I don't want to let her go. Baka maunahan pa kami ni Jeanne. It will be bad for us. Hindi ko pa siya magawang tanungin tungkol sa mga bagay na gusto kong malaman ngayon. It was too fast. I just met her. 

Hindi ko rin alam kung sasagutin niya ang mga tanong ko. Hindi pa rin ako sigurado kung kakampi siya. Maaaring may masama siyang binabalak kaya siya nakikipaglapit sa'kin. Kailangan ko munang makumpirma kung ano ang motibo niya.

"Room? What are you talking about?" inosenteng tanong niya sa'kin. Napakunot-noo ako.

"I mean, wala ka bang klase?" takang tanong ko sa kanya. Mukhang wala siyang ideya sa mga sinasabi ko sa kanya. Umiling siya.

"I just came here looking for someone important. I'm not a student in this academy," nakangiting sabi niya sa'kin. Ngayon ko lang napansin na hindi pala siya nakauniform. She's wearing a white dress. Nagtataka ako kung paano siya pinapasok ng guard. Maybe she used her power?

"Someone important?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Sino naman ang pakay niya dito?

"Yes and it's you," she smiled.

"Me?" Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Ano ang kailangan niya sa'kin? "What do you want from me?" tanong ko sa kanya.

"Later. May klase ka pa, 'di ba? I'll tag along with you," excited na sabi niya sa'kin. Tumayo siya at lumapit sa'kin. Hinila pa niya ang braso ko kaya napilitan akong tumayo. Again, she clings into my arms. I didn't want this. I tried to remove her hands, in a gentle way. Kinikilabutan ako sa kanya. There's something in her that made me feel uncomfortable.

Takang tumingin siya sa'kin pero lalong humigpit ang paghawak niya sa braso ko. Napansin ko na napasimangot siya at halatang walang balak na bitawan ako. I'm starting to get annoyed. What's the problem of this girl? I sighed. Wala na akong magagawa dahil napapansin ko na unti-unti na ring nawawala ang kontrol niya sa kapangyarihan niya. I can see the dark energies coming from her and it is bad. Nasa loob kami ng canteen.

I gently tapped her head. "Calm down," I whispered. Natigilan siya at tila natauhan. Napigilan niya agad ang kapangyarihan niya na pilit kumakawala sa kanya. She looked at me and I hate to see that lonely expression in her eyes. I noticed that she was about to cry.

"There's short time left. I'm running out of time," she said. Pinilit pa niyang ngumiti. Ano'ng ibig niyang sabihin? Maybe, I can talk to her after class. Kailangan ko munang makita si Xyra. I don't want Xyra to get the wrong impression.

"Pumunta na tayo sa klase ko. But don't sit next to me, okay? Sa likod ka," sabi ko habang naglalakad na kami.

"No," matigas na sagot niya. Halatang wala siyang balak na sundin ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kanya. Kung ayaw niya akong layuan, paano ko makakausap nang maayos si Xyra?

Pagpasok namin sa room, wala pa rin si Xyra. Pinagtitinginan kami ng mga kaklase ko. Mukhang alam ko na ang iniisip nila. Lalong sumasakit ang ulo ko.

Umupo ako sa silya ko. Umupo naman si Elysha sa tabi ko. She took Xyra's place. Lalong magagalit sa'kin si Xyra. If only I can talk to her. Humalumbaba ako sa armchair ko. Papasok kaya si Xyra?

Napaangat ang tingin ko nang pumasok sa room si Selene. Napatingin din siya sa'kin. Nagtaka pa siya nang mapansin ang babaeng katabi ko. May alam kaya siya sa identity ni Elysha? Pinag-aralan ko ang kilos at ekspresiyon ng mukha niya.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessWhere stories live. Discover now