Chapter 17: Chase

73.2K 2.5K 262
                                    

AUTHOR's NOTE:

May bago tayong cover photo! Ayiiee. Thanks to Usaamikii for the wonderful cover. Galing! ^_^ 

Kamusta naman kayo? Thanks pala sa nakakatuwang comments. Sorry, hindi ako nakakareply. I hope I can pero kawawa ang news feed niyo haha. Madaldal pa naman ako minsan :3 I really appreciate your comments. So, here's a treat for all of you ^_^ If you have questions, just privately message me or post on my message board.

I love you all. Enjoy your day! Happy Halloween! Awooooh! haha! <3

~missmaple

~~~

XYRA's POV

Gusto kong mapag-isa! I can't stay like this. Masyado lang akong masasaktan at mai-stress! Bahala si Clauss kung ano ang gusto niyang gawin sa buhay niya! Paano kung niloloko lang pala siya ni Elysha? Mapapahamak siya sa kalandian niya! Nakakainis! Bahala siya!

I don't care about him at all! Napakagat-labi ako. Alam kong kabaliktaran nang naiisip ko ang sinasabi ng puso ko! Nakakainis dahil ayaw makisama ng pasaway na puso ko! Pinipilit kong hindi masaktan pero hindi ito nakikinig! Pwede bang magpa-heart transplant? Baka sakaling mawala ang sakit!

Mabibilis ang hakbang na naglakad ako sa corridor. Balak kong puntahan sina Baby Xyra para maging maayos ang pakiramdam ko. Para kahit papaano mabawasan ang bigat nang nararamdaman ko. Ayaw ko ng magmukmok sa kwarto. Ako lang ang magmumukhang kawawa!

"Xyra!" narinig kong sigaw ni Clauss mula sa likod ko. Humabol pala siya sa 'kin. Hindi ako lumingon. I ran as fast as I could. Ayaw kong makipag-usap sa kanya! Lumingon ako at nakitang humahabol siya. Nakalabas na ako sa academy pero malapit na niya akong maabutan. 

Nagpa-panic na ako kaya ginamit ko ang kapangyarihan ko para lumipad. Narinig ko na napamura si Clauss.

"Xyra! Pwede bang pakinggan mo muna ako? Mag-usap muna tayo!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa kagubatan. Natitiyak kong wala nang makakakita sa 'kin habang lumilipad dahil sa invisible barrier na nakapalibot sa buong academy.

Nagulat ako nang mapansin ko na nasa likod ko na si Clauss sakay sa fire phoenix niya. Naningkit ang mga mata ko sa inis. I removed the oxygen on Clauss' fire. Naglaho ang fire phoenix niya at nahulog sa ere si Clauss. Nag-alala ako nang konti dahil mataas ang babagsakan niya.

Nagtalo pa ang isip ko kung tutulungan ko siya o hindi. Nakahinga ako nang maluwag nang saluhin siya ni Baby Clauss. I think he doesn't need my help, anyway. Mas binilisan ko pa ang paglipad para makalayo sa kanya pero hindi ako nagtagumpay dahil nasabayan na ako ni Baby Clauss.

"Will you stop running away?" sigaw ni Clauss na halatang naiinis na. Bigla akong tumigil sa paglipad. Inuubos niya ang pasensiya ko.

"Then, will you stop hurting me? Kung sasaktan mo lang ako, tapusin na natin 'to!" pabalik na sigaw ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sumabog na ako sa sobrang inis at sakit. Gusto ko na ring maiyak kaya napakagat ako sa labi ko para pigilan ang sarili.

Natigilan si Clauss sa pagsigaw ko. Napahilamos siya sa mukha na tila nahihirapan. Tila hindi niya alam ang sasabihin.

"I'm sorry," mahinang sabi niya. He seems like he can't find the right words to say.

"Sorry-hin mo 'yang mukha mo!" inis na sabi ko sa kanya. 'Yon lang 'yon? Sorry lang? Nakakainis talaga! "Umalis ka na nga! Baka hinahanap ka na ng babae mo!" dagdag ko pa.

"Babae? Wala kaming relasyon! But I have to keep her company. I don't have any idea of her true ability. Mukhang wala rin siyang balak layuan ako. Alam kong may binabalak siya at kailangan kong matuklasan 'yon! It's for all of us," sabi ni Clauss. Nakatayo na siya sa likod ni Baby Clauss.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessWhere stories live. Discover now