Chapter 1

22 0 0
                                    


Chapter 1

"Bilisan mo na kase, bagal neto " rinig kong sigaw ng kaibigan ko galing sa baba. Pagka aga-aga grabe maka sigaw daig pa sina mommy at daddy.

Today is our first day as senior high students under the Humanities and Social Sciences strand. Maaga naman talaga ako nagising medyo paranoid lang itong besfriend ko, actually sobrang layo pa ng oras bago magsimula ang assembly.

Finishing my final touches tapos ay tumayo muna ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto at bumaba na habang naghihintay ang bestfriend kong si Ciarra.

"Binuhos mo ba lahat ng powder diyan sa pagmumukha mo ha. Imagine, I've been here since 6:00 am tapos bumaba ka ngayon almost 7 am na. Almost one hour ka din sis." tinawanan ko nalang si Ciarra at sinabihang OA at paranoid.

Totoo naman kasi, sobrang layo pa ng assembly time at malapit naman kasi yung school namin. Feel ko nga hindi ito nakatulog kaya napaaga ng dating sa bahay namin.

We've been friends with Ciarra since elementary days. Bagong lipat kasi kami sa neighborhood noon at ang pamilya nila ang una naming nakilala at naging close kumbaga nag click ba kaagad.

Palagi akong na sa kanila noon habang nag tatrabaho ang mga magulang ko. Bunso si Ciarra sa kanilang magkakapatid may dalawang kuya at isang ate habang ako naman ay only child kaya imbes ma bored sa bahay sa kanila ako tumatambay.

Simula noon kasa-kasama na namin ang isa't isa. May mga ibang friends naman ako pero siya talaga yung one call away friend ko. Halos lahat ng secrets alam namin sa isa't isa.

"Sa tingin mo ba sa school pa rin natin siya mag e-enroll this school year? May mga balita kasi na mag-iiba na siya ng school." Biglaang tanong ko habang stop sign pa."Aster, mga balita mo palaging fake news, kaya malamang sa malamang fake news na naman 'yan." sagot niya naman. I mean some of our batchmates transfer to other schools for senior high, baka ganoon rin siya.

I have a crush on someone. Wow, life-changing but kidding aside, matagal ko na rin 'tong naging crush. I think it started when I was in 6th grade and he's the only crush I got na hindi fictional. May similarities naman ang crush ko sa mga fictional characters na asawa ko at iyon ay pareho silang 'di mapapa-saakin.

Nakarating na rin kami sa school at as espected marami na ang nga estudyante na nagsidatingan. This was our school since elementary, junior high and up until now that we're already senior high. Siguro kung may college din itong school namin baka dito rin ako mag college. Joke. Kapagod maghanap ng bagong school and besides senior high pa naman ito 'di pa college.

We immediately foud our room and saw some familliar faces pero nangibabaw pa rin ang mga bagong mukha. And wala pa ako sa energy makipag halo-bilo kaya iniwan ko na muna si Cia sa loob at lumabas na muna sa may corridor para magpahangin. Nasa third floor ang classroom namin.

I am peacefully minding my own business nang biglang may tumili sa baba at nagsunuran na ang mga tili ng iba especially mga babae at parang nagkakagulo pa sila.

Isa lang ang ibig sabihin kapag nagkakagulo lalong lalo na kapag mga babae ang pasimuno. Dumating na siguro siya, hindi naman sa siya lang ang gwapo dito para pagkaguluhan talag pero iba talaga siya e. Gwapo, iba yung ka gwapohan niya parang imported ganoon, yung appeal niya na kahit wala siyang ginagawa grabe pa rin yung dating niya. sobrang talino pa at may kaya din ang pamilya kaya hindi ko rin masisi ang mga babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Bigla naman din humina ang mga sigawan dahil sa isang babaeng nakasunod sa kanya. The only girl he allowed to be with him, ngumiti ito sa mga estudyante at sinabayan na sa paglalakad si Chayce.

"Hindi talaga sila mapaghihiwalay, no? They are inseparable ever since we were elementary." Biglang sulpot ni Ciarra sa gild ko at inaya ng pumunta sa field para sa assembly. Totoo 'yon kahit noong elementary pa kami magkasama na silang dalawa pero noong high school pumunta ng ibang bansa ang pamilya nila Aspen. Dapat din daw pupunta ng ibang bansa si Chayce but that didnt happen. I dont know why.

Mailap si Chayce sa ibang mga babae lalo na noong high school na wala sa Aspen sa tabi niya pero kapag si Aspen na ang kasama at kaharap niya nag-iiba siya para bang isang aso na napa amo ng kanyang amo. Mabait naman si Aspen, friendly din ito sa iba pero mo talaga maiipagkaila na halos lahat ng oras ay magkasama sila.

Habang hatak-hatak ako ni Ciarra ay bigla kaming nahinto at napa aray pa nga ang bruha, pagkatingin ko sa harap namin ay may nabangga pala siya. "Sorry po! Hindi po sinasadya ng kaibigan ko." Ako nalang ang humingi ng tawad at mabuti nalang mabait 'yong nabunggo namin at sinabing okay lang.

Panay talak naman ang isa e kesyo yung lalaki naman talaga yung naka bangga, bakit daw kami ang humingi ng pasensya. "Hayaan mo na kasi 'yon nabangga ka lang naman malayo sa bituka" inismiran niya lang ako at humarap na sa stage magsisimula na ang assembly.

Wala namang bago sa speech ng head, ganoon pa rin naman at ni welcome lang niya ang mga freshmen at transferees. Pagkatapos ng assembly ay bumalik na kami sa kanya kanyang classroom, classmate nga pala namin sina Chayce at Aspen.

"Good morning class! Welcome to another chapter of your life being a student. Konting push nalang at magiging college na rin kayo but before that senior high na muna tayo hahaha" Pagkatapos magsalita ni Sir Gomez ay may pumasok na lalaki, 'yong nabunggo namin.

"Good day everyone! I am Luke Bryan. You can just call me Luke. Hope to get along with everyone." After ng pagpakilala niya ay nagbubulungan kaagad ang mga classmate kong babae. And after that, nagpakilala na rin ang lahat dahil mas marami ang new students.

Maingay na ang lahat-lahat pero may dalawang tao sa harapan na may sariling mundo, nag uusap silang dalawa at tumatawa pa. Nabalik lang ako sa diwa ko ng may tumapik sa balikat ko, si Luke. Magkatabi pala kami napapagitnaan ako, sa gilid ko si Ciarra tapos sa isang gilid ko naman ay si Luke.

Half-day lang kami ngayon kasi first day. Nag plano kaming dalawa ni Ciarra na sa mall nalang kumain at maglibot-libot bago umuwi. Pagkalabas namin sa classrom ay parang may commotion pa na nagaganap, napapalibutan sina Aspen at Chayce ng maraming tao.

Medyo hindi pa namin alam ang nangyayri nang sa nagtanong-tanong si Ciarra at unti-unting naaninag na namin kung anong nangyayri, doon ko lang napagtanto na natapunan pala ng cake ang uniform ni Chayce.

Oops...

I'm not HerWhere stories live. Discover now