Chapter 2

14 0 0
                                    

Chapter 2

Natahimik ang lahat nang biglang gumalaw si Chayce hindi alam ang gagawin. Mas dumami ang ang mga taong nakapalibot at nakikichismis. Lumapit kami kaunti para na rin maki chismis.

First day na first day eksena kaagad.

Nakita naming aabutan sana nila ng tissue ang uniform ni Chayce para punasan hanggang sa dumating si Aspen at siya na ang kumuha sa tissue. Siya ang nagpunas sa nakalat na icing sa uniform ni Chayce habang nakatingin ang lahat.

Meron pang mga nagsasabing ang sweet nila mas matamis pa daw sa icing. Tsk. Habang inaalis pa rin ang icing ay biglang nagsalita si Aspen "It's all good guys," at nakangiting tumingin sa mga tao lalo na sa mga babaeng nakabangga "Let's just be careful next time. Okay?" Umalis na silang dalawa pagkatapos.

Umalis na din kami ni Ciarra kasi gutom na rin kami. Nagpasundo nalang kami sa driver nila para hindi na kami mas matagalan pa. "Grabe iyong nangyari kanina," Biglang salita ni Ciarra pagkasakay namin. " Alam mo ba Aster, napag alaman ko na mag co-confess sana iyong babae talaga pero unfortunately nabangga niya si Chayce. First day na first day love confession agad inaatupag." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Totoo naman talaga sino naman kasi ang gagawa ng ganoon lalo na sa first day. Ano 'yon pampa swerte? "Nagiging matapang na sila ah," Parang kailan lang takot na takot sila lumapit kay Chayce kaya nga mostly sa kanila ay patago lang nagbibigay ng kung ano-ano. "This school year will be interesting."

Agad na kaming kumain dahil hindi na talaga namin kaya ang gutom. Sa Shakey's kami kumain kasi konti lang ang mga tao kahit lunch time na naman. Mas marami naman kasi ang nasa mga fast food chains, punuan pa nga. Halos lahat ng school na malapit sa amin ay half day rin kaya given na talaga na marami ang mga tao especially mga students.

Pagkatapos naming kumain ay nagikot-ikot muna kami sa mall at dumaan na rin sa NBS para mamili ng mga gamit. Habang naghahanap ng mga highlighter ay may nabunggo ako, nahulog lahat ang mga dala ko buti nalang hindi pa 'ko kumuha ng mga ballpen.

Tinulungan kaagad ako ng nakabunggo sa akin. "Heto miss, sorry nga pala." sabay bigay sa mga construction paper.

Pagkatingin ko sa kanya ay nagulat ako kasi si Luke pala. Ano ba ang nasa kanya kung hindi mabubunggo ay siya ang nangbubunggo. "Okay lang. Quits na tayo" I wink at him and left.

Nagpaalam na kami sa isa't- isa ni Ciarra kasi may family dinner pa daw sila. Nagpasundo na lang rin ako kasi marami akong dala, hassle kapag mag co-commute ako.

Mga bandang 4 PM na rin ako nakarating sa bahay namin at himala dahil naka park ang sasakyan ng mga magulang ko which means umuwi sila ng maaga. Pagkapasok ko ay natawa ako saglit sa nakita ko, my parents being sweet and lovey dovey in the kitchen.

Maya-maya ay napansin na nila ako. "Our unica hija is finally home. Come here sweety." Mommy being exaggerated. Ako nga dapat magsabi sa kanila ng ganyan kasi umuwi sila ng maaga.

This is one of those days na maaga silang umuuwi, ewan...para makabawi I think? Hindi naman din kasi sila nagkukulang, nandyan sila pag kailangan ko sila. Busy lang talaga sila.

My parents are both lawyers but in different fields. Napapatanong nga ang iba bakit daw wala akong mga bodyguards lalo na mga lawyers both parents. Some would ask why I dont have bodyguards around me, e mas kapansin-pansin kung merong umaaligid-aligid sa'kin and kahit na wala akong nakikita na mga tao nila papa, I know meron paring nagbabantay sa akin sa malayo.

The next day, half day pa rin kami. Dinala ko na mga books ko at ilang mga requirements para ilagay sa locker. Hindi na sumabay sa 'kin si Ciarra kasi nauna na siya baka daw matagal na naman ako, maghihintay na lang daw siya sa gate ng school.

True to her words, she waited at nakakunot ang noo. "Magdadala na ba ngayon ng mga gamit? Half day pa rin naman tayo ah." Bungad niya sa 'kin pagkababa. "Dinala ko nalang para ilagay sa locker. Trip ko lang magdala." sabi ko sa kanya at sinabihan akong 'pabida'.

Binalewala ko nalang siya at pumunta na kami sa mga lockers. Magkatabi kami ng locker ni Chayce since seventh grade but this school year hindi na. Pagkatapos namin doon ay pumasok na agad kami sa classroom.

Akala ko makaka-uwi ako ng maaga pero hindi din pala kasi may meeting sa student council. I'm part of the student council and in the school paper of the school. Hindi ako maalam sa mga sports kaya sa pagsusulat na lang ako umaasa.

Pareho kaming parte ni Chayce sa student council. My main reason back then was really because of him, umaasang ito na ang susi para magkalapit kami pero hindi rin. Nakakausap ko naman siya pero kapag related lang sa student council activities.

At hindi na siguro talaga ako makakalapit sa kanya kasi pumasok na rin sa student council si Aspen. Isa iyon sa mga agenda ng meeting at nagplano na rin para sa mga gagawin this school year.

Nagligpit na ako ng gamit nang may kumalabit sa akin, si Aspen. "Hi Aster! Finally we will be working together. Sana maging close tayo through this." sabay yakap sa akin. Nginitian ko nalang siya dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

Kilala niya pala ako? Hindi naman din kasi siya madaldal at ang makikitang mong kausap niya lang ay ang mga kaibigan niya o kaya si Chayce. Kaya nagtaka akong kilala niya pala ako.

Umuwi na ako ng bahay at busy ang mga tao pagkapasok ko sa loob. Nagtanong ako sa isang maid namin na napadaan sa harap ko, wala naman kasing sinabi sila mommy. "May mga bisita daw kayo mamaya ma'am." Tumango na lang ako at umakyat na sa kwarto para makaligo at makabihis na rin.

Sino kaya ang mga bisita namin? 

I'm not HerWhere stories live. Discover now