Chapter 7

6 0 0
                                    


Chapter 7


Mabilis dumaan ang oras at malapit na nga ang exam namin. Dapat pagkatapos pa ng foundation day ang exam pero napagdesiyunan ng school na unahin na lang muna ang exam para dire-diretso na ang kasiyahan ng mga estudyante, para na rin daw wala ng iisipin na exam habang nagsasaya.



Okay na din 'yun at pabor din sakin kasi kapag uunahin ang foundation mas magiging busy at baka makalimutan ko na ang mga pinag-aralan namin pagkatapos ng foundation.



Busy ang lahat ng tao sa classroom namin dahil sa pagno-notes, paghahabol ng deadline at pagpra-practice para sa mga report at presentation na gagawin. Habang ako nag-iisip ng isusulat para sa school paper, after foundation pa naman ang deadline pero gusto ko lang gawin ng maaga.



Hinahanap ko si Ciarra pero hindi ko alam kung nasaan nagsu-suot ang babaeng yun. Magpapatulong sana ako sa kanya. Akala ko magkasama sila ni Luke pero nasa tabi ko naman si Luke at tinanong ko siya kanina hindi niya naman daw nakita si Ciarra.



Malapit na magsimula ang klase namin ng pumasok si Ciarra. Galing daw siya sa clinic at nagpahinga kasi may dalaw siya at sobrang sakit ng puson niya. Tinanguan ko nalang siya at sinabing mag sabi siya kung sumakit ulit para ma excuse ko siya.



Lunch na nung napag desisyunan kong pagkatapos na lang ng foundation ako magsusulat para sa school paper. Si Ciarra naman ay bumalik ulit sa clinic kasi masakit na naman daw puson niya.



Mag-isa akong kumakain ng mag announce na may meeting kami student council. Sana wala na kaming meeting mamayang hapon. Gusto ko umuwi ng maaga.



Para namang dininig ang hiling ko dahil wala na nga kaming meeting mamayang hapon at sa susunod na mga araw para makapag focus kami sa nararating na exam. Binilin lang ng president na wag kalimutan ang naka assign na assignment namin sa foundation. Umuwi na pala noong lunch si Ciarra sinundo siya ng ate niya kasi pagkabalik ko sa classroom wala na ang bag niya at inuwi na daw siya.



Tinapos ko na muna ang essay ko bago umuwi dahil ngayon pala ang deadline nun. Meron pa naman akong mga kasama sa classroom at maaga pa naman din. Mga lima siguro kaming natitira dito. Habang seryosong nagsuslat ng essay, bigla nalang umingay ang nasa paligid ko. Pumasok si Chayce sa classroom at umupo malapit sakin. Ano ba ang araw ngayon para naman akong sinuswerte. Ah, Ano ka ba Aster, bawal tumabi?



Tumingin ako sa kanya ng nakaupo na siya. Grabe ang gwapo niya talaga lalo na sa malapitan. Nabigla naman ako nang tumingin siya banda sa direksiyon ko. Pero imbes na mag patay malisya ay sinuklian ko ang kanyang pagtitig. Para ka kasing na hi-hypnotize kapag nakakatitig sa kanya.



Doon lang ako bumalik sa wisyo ng umawang ang kanyang labi na parang may sasabihin. Agad kong itinuon ang mukha ko sa papel na sinusulatan ko. Ang tapang mo Aster! Pagkatapos nun ay hinayaan ko nalang siya doon, hindi rin naman siya nagsalita kaya nag patay-malisya nalang ako.

I'm not Herحيث تعيش القصص. اكتشف الآن