PROLOGUE

2 0 0
                                    

Hindi madaling humanap ng mga taong hindi ka ipagkakanulo sa huli.
Hindi madaling humanap ng mga taong pipiliing maging tapat at piliin ka kaysa sa kapangyarihan.

Mula sa hindi makatotohanang lugar, paano ko ipapaliwanag ang isang pawang imahinasyon na ganap sa realidad na mundo'ng aking kinahaharap.

Isa ako sa mga biktima ng mga taong ang kagustohan ay kapangyarihan.

Biniyayaan ako ng hindi malamang kakayahan sa pamamagitan ng Araw.
Mula sa aking pagkasilang hanggang sa ako'y lumaki't nagka diwa't nagkaalam.
Hindi ko pa rin labis maunawaan kung ano ang silbi ng aking kakayahan.

Paano ko magagamit ang bagay na ito kung ako mismo'y natatakot sa sarili ko'ng kapalaran.

Paano na ang aking nasasakopan?
Paano na ang mahal kong bayan?
Paano na ang aking mamamayan?
At paano ko mapo protektahan ang taong tumanggap sa mundo ko'ng imposible't hindi makatotohanan.

Mula sa matalim na espada ko't sandata'y gagamitin ang talim ng aking mata't kaisipan para pigilan ang nagbabadyang kapamahakan para sa mga tao't bagay na nasa aking pangangalaga't responsibilidad.

Mula rito sa aking pulang mata'y masisilayan ang pagmamahal ng isang prisesang pinili ng Araw ngunit mananatili ang galit at liyab nito kung nanaisin mo ko'ng makalaban.

SERAPHINA

SERAPHINAWhere stories live. Discover now