CHAPTER ONE

1 0 0
                                    

SERAPHINA's POV

Nakatindig ako ng tuwid mula sa balkonahe ng aking silid habang pinagmamasdan ang galaw ng mga mamamayang sinasakopan ng aking ama. Ako'y nasa ika-anim na palapag ng palasyo at tanaw na tanaw mula rito ang iba't iba pang kahiraan ng MOVADA.

Ang Movada ay binubuo ng limang kahariaan, Una ay ang RAVATON sila ang nangangasiwa at namamahala sa mga lason, Pangalawa ang NOHAM sila naman ang nangangasiwa sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao, tulad ng mga damit, pagkain at iba pa. Pangatlo ang VORAN sila ang nangangasiwa sa mga gamot, Pang apat ang SHAKHAM sila ang nangangasiwa sa mga kagamitang pandigma, at ang huli ay ang FUEGO, ang siyang namamahala sa lahat ng kahiraan at tagapangulo sa lahat, at ito'y pinamumunuan ng aking ama.

Ako'y napabuntong-hininga ng naisip kong maaaring ikapahamak ng aking ama at mamamayan ng Fuego ang kapangyarihan na mayroon sa amin sapagkat alam ko'ng maraming naghahangad na makuha ang pwesto'ng mayroon ang naking ama.

Patuloy rin ang agam-agam sa aking kaisipan sapagkat alam ko'ng ako ang susunod na mamamahala sa kahariang ito, ako ang tagapagmana. Ngunit batid ko'ng masyado akong mahina para protektahan ang aming mamamayan at ang iba pa'y nagdadalawang isip na sila'y aking pamunoan dahil sa angking itsurang mayroon ako...ang aking pulang mata.

Natigil ako sa aking pag-iisip ng may kumatok mula sa aking pinto. Sandali muna akong tumingin sa ibaba bago ako tumalikod at binuksan ang pinto.

"Agapití prinkípissa, o patéras sou se kaleí." (Mahal na prinsesa, kayo po'y pinapatawag ng inyong ama.) Ngumiti ako sa katiwala at sumenyas na maaari na siya'ng umalis. Yumuko naman ito at naglakad na paalis.

Naglakad ako sa pagkahaba-habang pasilyo bago makarating na sa silid ng aking ama.

"Kaliméra patéra." (Magandang umaga ama.) Pagbati ko rito at yumuko bilang pagbibigay galang. Humarap siya sakin gamit ang napaka seryoso niyang mukha.

Kailanman ay hindi ko naranasang ngitian at kamustahin niya...

"Se tilefónisa giatí thélo na káneis káti." (Pinatawag kita dahil may nais akong ipagawa saiyo.) Ito ang palage ko'ng naririnig mula sakaniya. Pinapatawag niya lamang ako dahil may utos siya at hindi para makita at kamustahin ako.

Pakiramdam ko'y nabibilang ako sa kaniyang tagapag silbi at kaniyang mga kawal, hindi bilang isang anak niya.

"Siz. Ti tha parangeílete ... agapité vasiliá?" (Sige po. Ano po bang ipag uutos niyo...mahal na hari?) Mabigat sa loob ko'ng tanong sakaniya. Agad siyang tumalikod na palage niyang ginagawa sa tuwing nakikitang hindi maganda ang reaksyon ko.

Pakiramdam ko'y iniiwasan niya ang kaniyang responsibilidad bilang ama kung paano niya kakailanganing pagaanin ang loob ng kaniyang anak.

Naglakad siya patungo sa kaniyang magarang mesa at kinuha ang kupa saka ito muling humarap sa akin.

"Nais kong mag tungo ka sa Noham, Ipagbili mo ang iyong tiya ng kaniyang kasuotan." Napakunot ang aking noo ng marinig ang kaniyang sinabi.

"Hindi ba't nakapag usap na tayo patungkol sa bagay na iyan ama? Hahayaan ko kayong maging masaya ni Felopa ngunit huwag niyo akong idamay sa mga gustohin niya." May bahid na inis na saad ko. Tumilim ang tingin sakin ng aking ama at agresibong lumapit sa akin.

"Skáse Seraphina!" (Manahimik ka!) Madiin na saad nito at nagpalinga-linga sa paligid na animo'y tinitingnan kung may nakarinig ba sa aking sinabi.

SERAPHINAWhere stories live. Discover now