CHAPTER TWO

1 0 0
                                    

SERAPHINA's POV

Agad ko'g sinundan ang lipad ni Persha. Napakaganda niyang pagmasdan mula sa itaas, batid ko'ng labis rin ang kaniyang kagalakan.

"Mahal na prinsesa hintay!" Rinig ko'ng sigaw ni Lincoln at nagmadaling lumapit sa akin. Sabay na kami ngayon na hinahabol si Persha.

Maya-maya pa'y bumaba ang kaniyang lipad at lumapag mula sa damuhan, ramdam mula rito ang yanig ng kaniyang pagbaba. Patawa-tawa akong lumapit sa napakagandang dragon at agad na sumakay rito.

"Magandang umaga Persha." Bati ko sakanya at natawa ako ng bahagya siyang umatungal, ibig sabihin na natutuwa siyang makita ako.

"Lincoln ano pang hinihintay mo diyan? Halika na't sumampa ka na." Sabi ko rito ng makita'ng naroroon pa rin siya sa baba habang nakatingala lamang sa amin.
Paulit-ulit siya umiling at akma ng tatakbo ng dinagit siya ni Persha at ibinato pataas. Rinig na rinig mula rito ang sigaw ni Lincoln na kunti na lamang ay mapunit ang kaniyang lalamonan sa sobrang lakas. Tumawa ako ng napakalakas dahil roon.

Nang pababa na si Lincoln ay agad na lumipad si Persha at sinalo ang kaawa-awang bata na ngayon ay tila nawala sa katinuan. Lalo pang tumaas ang lipad ng dragon at tanaw na tanaw na rito ang kabuuan ng lugar.

"Ayaw ko pa'ng mamatay." Sigaw ni Lincoln na ngayon ay nakayakap at nakakapit ng mahigpit sa dragon at madiin na nakapikit.

"Tss." Napailing na lang ako at hinayaan ko siya sa sitwasyong iyon. Manghang-mangha pa rin talaga ako sa lugar na ito kahit ilang beses ko na itong nakita. Napakalawak ng lugar na animo'y nasa ibang mundo ka.

Pumikit ako hindi dahil sa nakakaramdam ako ng takot kundi dahil gusto ko'ng namnamin ang malamig na hangin. Sobrang napaka payapa ng aking puso kapag ako'y nariririto. Nais ko'ng dito manirahan ngunit iniisip ko ang kapakanan ng Movada.

Hindi ko nanaising iwan ang lugar na aking pinagmulan para lamang sa pansirili ko'ng kagustohan.

Maya-maya pa'y bumabagal na ang paglipad ni Persha na ang ibig sabihin ay malapit na kami sa distinasyon na aming pupuntahan. At naririto na nga, mula sa ikalimang kabundokan ay tanaw na mula rito ang pugad na pinamumugaran ni Persha. Labis akong natuwa ng matanaw ko mula rito sa taas ang dalawang napakalaking itlog mula sa pugad.

Dahan-dahang bumababa ang lipad ni Persha at maya-maya pa'y lumapag na siya mula sa tabi ng kaniyang mga anak. Bumama ako mula sa likoran at di na hinintay pa si Lincoln na nananatili pa ring naka lingkis sa dragon. Dali-dali akong lumapit sa mga itlog at hinimas-himas ito. Sobrang laki ng mga itlog, mas malalaki itong dalawang beses kung ikukumpara sa akin.

"Lunos." Pangalan ko sa unang itlog saka ko ito hinimas.

"Pylex." Tawag ko naman sa pangalawa saka ko rin ito hinimas.

"Gusto mo ba ang mga pangalang iyon para sakanila Persha?" Nakangiting tanong ko sa dragon at napatawa ako ng ikiskis niya ang kaniyang ulo sa akin.

Pano ko nga ba napaamo ang isang dragon? Hindi ko rin malaman ang kadahilan sapagkat alam nating lahat na ang dragon ay isang mabangis at mailap na nilalang ngunit simula nung ako'y mapunta sa lugar na ito ay tila isang pusa lamang si Persha na ganoon kabilis na umamo at lumapit sa akin, katuna'y iniligtas niya ang aking buhay.



PAGBABALIK-TANAW...




Isang napakagandang paraiso ang nakikita ko ngayon ngunit batid ko'ng isa lamang itong panaginip ngunit sa hindi ko mawaring kadahilanan ay may tila nag-uudyok sa akin na hanapin ang lugar na iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SERAPHINAWhere stories live. Discover now