Kabanata 12

542 32 2
                                    

Kabanata 12

Sabihin mo na

Pag pasok ko pa lang sa site ramdam kong may nag bago. Sinilip ko ang naalikabok na itim na rubber shoes. Simula pa nung first year college ako ay sapatos ko na ito. Matibay pa naman ngunit may gasgas na.

"Athena Mendez." tawag saakin ng isang babaeng nasa mid thirties ang edad.

Nandito ako ngayon sa waiting area, nakaupo. Pagkatapos ko sa coffee cake ay dumiretso na ako rito sa site. Medyo nag aalangan pa nga ako dahil sa nangyari sa last na punta ko rito.

Wala si Engr. Sanchez. Wala ring nag babalak na lumapit saakin. Lahat sila ay iwas ang tingin saakin. Naisip ko nga na baka ito sa nangyaring kahihiyan saakin tho limot ko na agad 'yon.

May hawak na clipboard at suot na hardhat ang babae.

She extended her hands "I'm Engr. Sajul. I'm your new advisor."

New? How about Engr. Sanchez?

Mukhang halata ang tanong sa mukha ko kaya nag salita pa sya.

"Nalipat si Engr. Sanchez sa ibang site." sagot nya sa tanong ko "So let's start?"

Tumango ako atsaka nilingon ang mga nag ta-trabaho. Wala ni isang lumilingon saakin. Hindi naman sa gusto ko na nililingon ako ngunit nakakanibago at parang may...mali.

Nag lakad na si Engr. Sajul palayo sa site. Sumunod ako sakanyang tahimik.

Something's strange.

Pumasok kami sa building. Lamig agad ng loob ang sumalubong saamin, malayong malayo sa init sa labas.

Lahat ng tao ay busy sakanilang ginagawa ngunit kakaunti lamang sila, hindi katulad ng mga nasa site. Nakita ko pa si Henrietta Monterial na may mga kausap na sa tingin ko ay matataas na tao.

"Uh..Engr. Sajul, saan po tayo pupunta? Akala ko pa mag sisimula na ako? Diba dapat nasa site ako?" hindi ko na pigilan pa na mag tanong.

Huminto ang Engineer at nilingon ako "Nilipat ka na sa office, Athena."

"Huh? Bakit? I'm fine on site."

"Well simula ngayon, hindi ka na sa site mag ta-trabaho. Sa office ka na—"

Wala ng hiya ko ito pinutol "Pero pinili ko po ay site. Labas. Sa gitna ng initan. Hindi sa malamig na office."

Sa tingin ko kasi mas matututo ako kapag actual ko ginagawa at nakikita. Unlike sa loob ng office puro gawa ng plano.

Akala ko ay pag tatarayan ako o pagagalitan sa pag rereklamo ko. Lumikot ang mata nya at nag aalangan mag salita.

"Uh..mas mabuting sumunod ka na lang, Athena."

Naiinis na ako. Pero ayoko naman na mainis sa bagong advisor ko. Hindi man nya sabihin ay kilalang kilala ko kung sino ang may gawa nito.

"Nasa office na po ba si Wayne?" yes I called by his name. Cut the formalities.

Nanlaki ang mata ng engineer at parang nataranta.

"A-ano?"

"Kakausapin ko lang sya, Engr. Sajul."

"P-pero—" nilapitan nya ako para pigilan.

Lumayo ako atsaka nilampasan ang natatarantang engineer. I need to talk with that man! Hindi naman pwedeng bigla bigla na lang akona-assign sa office without my consent.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Where stories live. Discover now