Chapter 17

5.9K 80 3
                                    


"Naiinis ako, ayaw ko silang makita!" Naiirita kong kwento kay Sunshine.



"Hayaan mo nalang yung mga yon, wala ka namang mapapala kung papansinin mopa sila!" Sabi sa akin ni sunshine 


"Naiinis kasi ako, bakit kailangan pa nilang mag pa kita sa akin!? Wow ah saakin pa sila mag pa cater ng pagkain sa kasal nila! eh kung lasunin ko nalang sila!" Galit kong sabi.


"Akala ko ba naka move on ka na? Eh bakit parang affected ka pa?" Tanong sa akin ni Sunshine at tinignan ko lang siya ng masama.



"Hindi porket nasasaktan pa ako ay mahal ko pa okay! Hindi ko na siya mahal pero yung sakit na binigay nila sa akin andito pa rin! ilang taon ko siyang mahal at pinangarap kaya awang awa ako sa sarili ko na dahil sakaniya nakalimutan ko ang worth ko!" Sabi ko at tumango tango siya.



"Sabagay may point ka naman talaga sa sinasabi mo pero girl according sa kwento mo naisip mo talaga na buang na si Kendra?" Tanong niya pa at tumango ako.


Hindi ko alam kung judgemental akong tao pero base sa nakita ko kanina parang obsess na siya kay Reigner, naging inlove na inlove din naman ako pero hindi naman ako naging ganon.  Siguro nga mahal lang talaga nila ang isa't isa kaya sila ganon.



"Wag mo na pala isipin, baka mahal lang nila ang isa't isa." Sabi ko pa at lumapit siya sa akin na ikinagulat ko.



"Alam kong mahal mo parin siya, alam kong masakit parin kaya hayaan mong yakapin kita." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.



"Noong mga unang araw na hindi ka kumikibo dahil sa trauma mo, palagi kong iniisip kung ano kaya ang nangyare sayo? Bakit kinailangan umabot sa ganon ang mga nangyare sa buhay mo? hindi kita makitaan ng mali kasi sa nakikita ko , napaka buti mong tao. Naisip ko na napaka sama pala talaga ng tadhana sa mga tao lalo na kung puno ito ng pag mamahal, nakita ko sa mga mata mo noon na punong puno ka ng pagmamahal at sakit kaya kahit gusto kong ilagay ka sa mas malakeng ospital, minabuti kong i keep ka nalang saakin kasi mas maaalagaan kita dahil parang kailangan na kailangan mo ng alaga non." Sabi niya at nag simula na ako ulit manginig at maluha dahil sa sakit.


"Masakit pa rin talaga Sunshine, akala ko kaya kona siyang makita uli. Akala ko ready na akong harapin siya kung sakaling mag kita kami pero mali ako eh, sobrang sakit parin pala talaga. Sana madali nalang ma unlove ang isang tao, sana kaya konalang burahin lahat ng masasaya naming alaala at pagmamahal pero hindi ko kaya eh. Kahit pilitin kong isipin na sinaktan niya ako, mahal ko parin siya. bakit ang tanga ko? Tangina hindi na ba talaga ako matututo?" Sabi ko sakaniya at tinapik tapik niya ang aking balikat.


"Alam kong kakayanin mo, alam kong malakas ka at alam kong lahat ng ito ay magbibigay aral sayo kaya wag mong biglain. Wag kang mag madali kasi mas pinapahirapan mo lang sarili mo sa ginagawa mo. Hayaan mong sarili mong mag heal, sabi nga slow progress is still a progress diba!" Sabi niya at tumango ako.

Gone with the Wind (Diary Series 8)Where stories live. Discover now