140

86 4 0
                                    

"Serene, are you there?"

Kinakabahang kumatok si Chastity sa kwarto ni Serenity. Tomorrow is their birthday and she wants to make it up to her. Nang wala siyang narinig, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. May dala siyang gatas at chocolates, peace offering para sa kapatid.

Nakita niya ang sandamakmak na papel na nakalatag sa table nito. Sa ilalim doon ay may dalawang miniature building.

She sighed, somehow relieved that she didn't see Serenity.

Lumapit siya sa table at ibinaba ang dalang mga pagkain, di kalayuan sa mga gawa ni Serenity. It was the only free space. Tiningnan niya ang mga ito at namangha. Chastity never saw Serenity's work up close. All her life, she was blinded by jealousy, so she never took time to appreciate her sister's doing.

Umupo siya sa upuan ngunit tumayo rin nang maisip na hindi magugustuhan ni Serenity pag nakita siya nitong ganoon ang ayos.

In the end, nag-practice na lang siya kung ano ang sasabihin pag nakita ang kapatid.

"Serene..." she whispered. She felt nervous and scared, tila hindi alam kung saan magsisimula.

She started pacing back and forth. "Calm down, Chaste. You can do it," pagpapagaan niya sa sarili niya. She was about to start her speech nang marinig niya ang pag-flush ng toilet. Her eyes widened.

'Shit. She's been here all this time?' She thought. She felt nervous even more and decided to chicken out. Paalis na sana siya nang muntik na niyang maapakan ang miniature building. Napakapit siya sa table para suportahan ang sarili ngunit aksidente rin niyang natabig ang glass ng gatas.

It was far but the milk still reached Serenity's works. Dali-dali niyang inayos ang baso and tried to look for a tissue. Nang walang makita, she decided to wipe the table using her hand but napamura na lang siya nang tumulo ito at nabasa naman ngayon ang miniature building sa ilalim.

"What are you doing?" Tanong ko. Nakita kong natigilan si Chastity. She slowly turned to face me. Guilt was written all over her face kaya napataas ang kilay ko. Ano na naman kaya ang ginawa ng babaeng 'to?

"S-serene, I'm sorry. Hindi k-ko sinasadya,"

Napakunot ang noo ko. Tumingin ako sa gilid niya at nakita ang plates kong parang basa. Lumapit kaagad ako roon.

"Fuck. No." Shit. I tried to save it. Kumuha kaagad ako ng tissue sa CR but it was no use. Nagkalat na ang ink dahil sa pagkabasa. What's worse is that pinatong-patong ko pa ang plates ko. I was almost done. Finishing touches na lang. Fuck. Now, I don't even know kung ilan ang nasira. Tumingin ako sa ilalim para i-check ang mga gawa kong building. Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang nakitang basa rin ito. Fuck it.

"Ano bang kasalanan ko sayo, ha?!"

"S-sorry-"

"Walang magagawa 'yang sorry mo putangina umalis ka! Sumasakit ulo ko sayo!"

Napapikit ako sa inis nang hindi pa rin siya gumagalaw. "Hindi ka ba nakakaintindi, ha? Umalis ka! Alis!"

She remained standing, paiyak na. Tangina. Mas sumasakit talaga ulo ko sa babaeng 'to. May gana pa siyang umiyak? Sana ginamit niya ang utak niya bago niya sirain ang plates ko. Pagod na pagod na nga ako, dumagdag pa siya.

"What's happening here?" Napatingin ako sa pintuan. Pumasok si Papa kasunod si Mama. I rolled my eyes. Timing nga naman, ngayon pa talaga sila nagpakita. Kasunod niyan? Ako na naman ang sisisihin.

"'Yang magaling niyo kasing anak, sinira ang plates ko!" Nagulat sila sa pagsigaw ko. Huh. What? Akala ba nila hindi ako nagagalit? Sanay na sanay sila eh. Sanay na sanay silang nakikita ang mga pagkakamali ko at pinapagalitan pero pag si Chastity? Dedma na.

I'm too tired. Napupuno rin ako. Kung may galit si Chastity sa akin, ako na lang sana. 'Wag niyang idamay ang mga plates ko. Putek ilang araw rin akong walang tulog dahil sa kagagawa nun. Tiniis ko kahit ang sakit ng katawan ko. Hindi niya alam. Wala silang alam.

"H-hindi ko sinasady-"

"At talagang maniniwala pa ako sayo ah! Tanginang di ko sinasadya! Pagod na pagod na nga ako, dumagdag ka pa! Tanginang buhay naman oh!" Sa sobrang inis ko, pinunit ko ang mga drawings ko. Sira na eh, edi mas lalong sirain!

"Serene!"

"Serene ano ba? Kagagaling lang nitong kapatid mo!"

I scoffed. Edi okay. Ako na naman. Diyan naman sila magaling eh.

"Serene, anak, huminahon ka muna. Lalabas lang kami." Sabi ni Mama at hinila sila palabas.

Mabilis kong ni-lock ang pinto at napaupo na lamang. Napatingin ako sa sahig at nakita ang mga punit na papel. Napaiyak na lang ako nang maalala ang nangyari.

Ayaw ko na. Fuck this.

I'm too tired for this shit. Gusto ko na lang mawala.

"Totoo ba?" Tanong ng papa ni Chastity. Nakatayo ito habang tinitingnan si Chastity na nakaupo katabi ang ina.

"Dad, I-i didn't mean it. Hindi ko talaga sinasadya. Believe me please," pagmamakaawa ni Chastity.

"What were you doing in Serenity's room, then?"

It was their first time witnessing Serenity being angry. Sanay silang tahimik lang ito, kaya nagulat sila nang marinig ang mga salitang galing sa bibig ng anak.

"I w-went there para magbati, to say sorry. I was there waiting for her, I almost stepped on her miniature building so I held the table for support but aksidente ko ring natabig yung gatas na dapat para sa kaniya kaya nabasa po yung mga gawa niya." Chastity explained. She saw Serenity's expression at that time and she felt afraid.

Parehong bumuntong hininga ang mga magulang sa narinig.

"Mag-sorry ka na lang ulit bukas, anak." Sabi ng mama ni Chastity at ngumiti para gumaan ang loob ng dalaga.

0317: SerenityWhere stories live. Discover now