Chapter 87

2K 122 36
                                    

"M-ms." Sabay sabay naming usal na apat

"Just call me tita or Ms. Athena" nakangiting usal ng mommy ni Akhira at Ethan

"Bakit ka andito?" Tanong ni Akhira "at kasama mo pa ang asawa mo" dagdag pa nito ng pumasok ang asawa ni Ms. Athena

"I'm here to visit you, anak. Kumaing kana ba? I cooked dinner for all of you" nakangiting sabi nito kay Akhira

"Dun nlng po muna ako sa sofa, upo po muna kayo tita" sabi ko at inoffer ang upuan ko kanina

"Stay beside me" sabi ni Akhira at hinawakan ang manggas ng damit ko

"Uupo lng ako don" sabi ko pa

"Sabi ko dito ka lng sa tabi ko, subukan mong umalis. Tatanggalin ko yang paa mo para hindi kana makalakad" seryoso nyang usal "and I don't joke" dagdag pa nito

"Hindi ba't masyado mo ng sinasakal ang boyfriend mo?" Sarcastic na usal ng asawa ni tita Athena

"Hindi ba't masyado ka ng nangengealam sa buhay ko?" sarastic din na tugon ni Venice

"Babe..." Pag sasaway ko sakanya

"Upo, dito ka sa kama ko" usal nya sakin at tinap pa kung san ako uupo

Napabuntong hininga nlng ako at umupo sa may tabi nya. Natahimik kaming lahat ng basagin rin yun ni tita Athena.

"I'm sorry ngayon lng kita nadalaw" usal nito

"Kahit hindi ka dumalaw ok lng din" malamig na sagot ni Venice habang nilalaro ang daliri ko

Natahimik kaming lahat dahil don sa sinabi ni Venice. Halata din ang pagkapahiya sa mukha ng kanyang ina. Nagpilit ito ng ngiti at hinawakan ang isang kamay ni Venice.

"Nak, patawarin mo si mommy. Sana pagdating ng araw mapatawad mo na ako. I'm really really sorry for leaving you and your brother. I fell out of love towards your dad, anak" naiiyak na usal ni tita Athena

"Lalabas po muna kami" usal ni Jiro

Tumayo din ako at lumabas kasama nila Jiro at umupo sa may bench sa labas. Nagkatinginan kaming tatlo ng marinig namin ang sagot ni Venice.

"Hindi ko alam" Venice voice cracked after she said that "I really don't know if I can forgive you. You leave me when I was 2 years old. Ni hindi ko naramdaman yung pagmamahal mo na kailangan ko non. Yung mga panahong may sakit ako na ikaw ang hinahanap ko, wala ka. Sobrang daming nangyari sa buhay ko ng wala ka. Naiinggit ako kay Angelo kaya ako nagalit sakanya non. Imagine, seeing your mother from a distance with a child and looking at him sweetly na hindi ko manlang naranasan? I'm so hurt. Sobrang sakit, tapos yang asawa mo. Hindi nga kami tanggap nyan eh, pero kung makipagusap akala mo close kami. Leave, plss leave my room. I cant forgive you" umiiyak nang tinig ni Venice

"I'm sorry, I'm sorry if I make your life miserable--" she got cut off by Venice

"My life is wonderful without you, I don't need you. Wla kang alam sa mga naranasan ko. I don't need you here so plss leave" matigas na usal ni Akhira

"But---" usal pa ni Tita

"LEAVE NOW!" sigaw na ni Akhira

Napatayo kaming tatlo at agad na pumasok sa loob ng hospital room ni Akhira. Nakatalikod na ito kila tita Athena at halatang umiiyak ito dahil sa pagtaas at baba ng balikat nya. Umiiyak din si tita Athena na pinapatahan nmn ng asawa nya.

The Nerd Is A Gangster Queen S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon