Chapter 97

1.6K 100 12
                                    

Hanggang dito nlng ba ako?

•end of pov•

•Josh pov•

Mabilis ang takbo ng sasakyan namin papuntang Ospital. Tinignan ko si Keifer na may luha sa mga mata at hawak hawak ang kamay ni Akhira na medyo namumula na. Ngayon ko lng sya nakitang umiyak sa babaeng mahal nya.

"Wala na bang ibibilis 'to?!" inis na tanong ni Keif

"Malapit na tayo, Keif. Kumalma ka lng nmn." sabi ni Fairen

Lahat kami ay nagpapanic dahil nga medyo namumula na si Akhira. Marami din kasi ang dugong naubos sakanya. Si Angelo ay lumuluha din habang hinahaplos ang buhok ng ate nya. Dalawang minuto ang nakalipas at nakarating narin kami sa Ospital. Ibinaba sya agad ni Keifer at agad din kami tumawag ng doctor.

"Doc!! may pasyente kami!! Meron syang tama ng baril!!" sabi ni Fairen

"Putangina!!! Asan yung doctor?!!!!" sigaw ni Keifer

Lumapit ang limang nurse at dalawang doctor. Agad syang pinasok sa E.R. kaya nmn sumunod kami papunta don. Susunod sana si Keifer sa loob ng harangin sya ng mga nurse at sinabing hindi sya pwede sa loob.

"Tawagan mo sina Rhaine" utos ni Keif sakin

"A-ako na magsasabi kay kuya Ethan tungkol dito. Kailangan malaman ni Kuya Ethan ang nangyari kay Queen. Kailangan nyang masalinan ng dugo." sabi ni Jiro

"Sasabihan ko din si Tito Jake baka sakaling umuwi ay masalinan din nya si Queen ng dugo." sabi naman ni Fairen

"P-pwede nyo rin po bang i-update si mommy? Baka po salinan din nya si Ate" sabi nmn ni Angelo

Napatingin kaming lahat at napatahimik. Mukhang walang may balak ipaalam sa mommy nila Angelo ang sinapit ni Akhira. Lumuhod si Fairen at nginitian ng pilit si Angelo.

"Ihahatid ka nlng muna ni Kuya Yuri at Kuya Josh sainyo tapos sasabihin nlng sa mommy mo ang nangyari. Pwede bang...huwag ka nlng mag kwento sakanila sa mga nangyari? Ayaw din kasi ng ate mo na nag aalala ang mommy mo eh" nagsinungaling ito

"Bakit po? Para po magising na agad si Ate pag nagsalin ng dugo." sabi ni Angelo

"Just promise Ate Fairen na wala kang sasabihin na kahit ano sakanila." Pinakita ni Fairen ang pinky finger nya

"Ok po" napipilitang usal nito at nakipag pinky promise

"Halika na" aya ko sakanya

"M-mauuna na kami" paalam ni Yuri "Babe, take care" paalam din nito sa gf at humalik sa nuo

"Ang lantod" kumento ni Keifer at Jiro

"Inanyo" sagot lng ni Yuri

Medyo natawa nmn ang tatlo kahit na medyo kinakabahan sila sa nangyari kay Akhira. Nagpaalam narin ako at hinawakan sa balikat si Angelo. We nod again at each other as a. good bye then walk off.

"Sakay kana Angelo" sabi ko pag dating sa Parking Lot

"Hindi po ba pwede na dito nlng muna ako hanggang gumising si Ate?" I look at him and smile

"Sabi ni Ate Fairen, ihahatid ka namin sa mommy mo. Pwede ka naman dumalaw bukas eh. Don't worry too much Angelo, your ate is strong. Magigising din sya agad." sagot ko at pinat ang ulo nya

Hindi na sya sumagot at tuluyan ng pumasok sa kotse. Nagkatinginan kami ni Yuri at parehas na bumuntong hininga. Halos sabay din kaming pumasok sa loob ng kotse para maihatid na si Angelo. Naiintindihan namin kung bakit ayaw sabihin nina Jiro at Fairen kay tita Athena. Hindi pa nagkakaayos sina Akhira, Ethan at Tita Athena.

The Nerd Is A Gangster Queen S1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon