Kabanata 5

29 2 3
                                    

"Lester, kumusta na ang iyong pakiramdam? Mayroon bang masakit saiyo?"

Inilibot ni Lester ang paningin sa paligid at napuno siya ng pagtataka. Hindi niya makilala ang mga tao sa kanyang harapan.

"Sino ho kayo? Nasaan ako? Bakit ako naririto? Nasaan si ina?!" naghihisterya niyang sigaw.

Napatingin siya sa nagulat na matandang lalake at magandang dilag sa kanyang harapan. Nakita niya rin ang pagkalito sa mukha ng mga ito.

"Sino kayo? Magsalita kayo!"

"I will call the doctor!" Nagpapanic na tumakbo palabas ang dalagang nasa harapan niya.

Kumirot ang ulo ni Lester at napahiyaw siya sa tindi ng sakit. Halos iuntog niya ang ulo sa pader. Narinig niya ang kumosyon matapos pumasok ang ilang tao sa silid at hinawakan siya ng mga ito upang makontrol sa paggalaw. Maya maya pa'y naramdaman niya ang turok sa kanyang bisig na nagpawala sa kanyang kamalayan.

Nagising si Lester makalipas ang tatlong araw. Ayon sa doctor ay nagkaroon siya ng selective amnesia. Napag-alaman niyang nahagip siya ng humahagibis na motorsiklo kumakailan at bumagok ang ulo niya sa sementadong kalsada. Ang masaklap ay hindi niya natatandaan ang mga naganap sa nakalipas na anim na taon. At wala siya ngayong ideya na nasa America siya. Sinabi rin ng doctor na maaaring hindi naman iyon magtatagal at huwag niyang puwersahing alalahanin ang mga nawala. Kusa iyung lilitaw sa kanyang isipan.

Matiyagang pinaliwanagan siya ng nagpakilalang tiyuhin ng maraming detalye sa kaganapan ng kanyang buhay sa kasalukuyan. Ang kanyang ina ay nananatili sa malayong probinsiya sa Pilipinas habang siya ay kasalukuyang nasa America bilang manager sa kompanya ng kanyang tiyuhin.

Matapos ang tatlong linggo at natiyak ang kaayusan ng kalusugan ni Lester ay bumalik siya sa opisina.

Subalit...

Tila mayroong mali.

"Babe, it's weekend already. Let's have a date this weekend. What do you think?" nakangiting wika ni Aubrey. "Let's go to the nearest beach resort, it's good for your health, it can help you strengthen your body."

Ayon kay Miss Aubrey ay girlfriend niya ito at sekretarya. Hindi niya matandaan subalit ramdan niyang may hindi tama.
At halos panindigan siya ng balahibo sa batok at katawan sa tuwing nagdadantay ang kanilang balat.

Nang oras na iyon ay hinaplos ni Aubrey ang kanyang pisngi at tila gusto niyang lumayo dito. Kundi nga lamang ay alam niyang kawalang-asal iyon.

"You're so gorgeous, Babe. I like you so much!"

Halos mabilaukan si Lester ng sariling laway ng idampi nito ang labi sa kanyang nanlalamig na labi.

'Bakit... bakit pakiramdam ko ay hindi sanay ang labi ko sa kanyang halik??' nauutal maging ang kanyang isipan.

Nang bigla na lamang napatid si Aubrey at napaupo ito sa sahig. Akmang lalayuan niya sana ang mga labi nito subalit nagulat siya sa bigla nitong pagtumba sa sahig. Mabilis niya itong inalalayan upang itayo.

"Anong nangyari?! Bakit napaupo ka sa sahig?"

Takang-taka si Lester.

Kunot-noong nakasimangot si Aubrey ng tumugon, "Hindi ko alam, it's weird though. I felt someone kicked my feet."

Maging siya ay nalito subalit isinantabi niya ang isiping iyon at nakonsensiyang tumugon kay Aubrey, "Ok babe. Let's have a date and go to the beach tomorrow. I'll pick you up around seven am?"

"Ohhh ohhh! No need to pick me up, Babe. Let me do the driving. I don't want you to feel dizzy. Gusto kong alagaan ka. Ok?"

"Ahm alright. It's settled then."

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon