Kabanata 8

44 2 7
                                    

Matagal na tumapat si Lester sa dutsa upang mapawi ang nararamdamang panibugho at upang mahulasan na rin sa kalasingan. Hindi na kailangang sumagot pa ni Zeke sa kanyang katanungan, kita namang gusto ng lalake ang kasintahan niya.

Nang mahimasmasan, saka lamang siya lumabas ng banyo. Naroroon na si Zeke sa loob ng silid at nakatayo lamang sa gilid habang nakasandal sa dingding at nakaharap sa banyo.

"Akala ko'y wala ka ng balak lumabas diyan."

"Wala kang pakialam," malamig niyang pakli.

Narinig ni Lester ang mahinang tawa ng tampalasang kasama sa silid na lalong nagpainit sa kanyang ulo. "Masaya ka ba na gusto ka rin niya? Kaya ba ayaw mong doon ako matulog sa kanyang tabi?"

"Galit ka ba dahil maaaring gusto niya ako o dahil maaaring gusto ko siya?" malamig din ang tinig ni Zeke. Sumuray itong lumapit sa kanya, "Tell me Lester! Are you jealous that I like her..."

Pabulong lamang ang tinig na iyon ni Zeke.

Hinila ni Lester ang damit ni Zeke upang mapalapit sa kanya. Nangangamoy ang alak mula sa bibig ng lalake habang nakatitig sa kanya ng walang emosyon.

"I'm jealous!" mabigat ang bawat bagsak ng mga katagang iyon. "I'm f*cking jealous that you like her!"

Lasing lamang siya kaya niya nagawang umamin. Sigurado si Lester doon.

Ilang minutong magkahinang ang kanilang mga titig...

Nang biglang mamatay ang ilaw sa silid...

Naramdaman na lamang ni Lester ang paglapat ng kanilang mga labi. Mainit ang bawat halik ni Zeke at halos manlambot ang mga tuhod niya. Napakapit siya ng husto sa damit nito.

"What the f*ck are you doing Zeke?!" hininaan niya ang kanyang tinig upang masigurong hindi iyon makakarating sa pandinig ni Aubrey na nasa kabilang silid lamang.

"Shut up and kiss me back..." maawtoridad ang tinig ni Zeke na kay hirap suwayin.

Tila may sariling isip ang mga labi ni Lester ng tugunin nito ang halik ng lalake. Nakadagdag din sa nakababaliw na sensasyon ang alak na nalalasahan niya sa bibig ng binata.

Bigla na lamang lumutang si Lester ng kargahin siya ni Zeke at ibagsak sa kama.

"Anong binabalak mong gawin Zeke?!" Sa kabila ng kalituhan ay nagawa pa ding magtanong ni Lester.

Lalo siyang nalalasing sa ginagawa ng lalake. Paatras siyang gumapang sa kama habang nakatihaya, palayo kay Zeke.

Sa tulong ng mumunting liwanag mula sa labas ng bahay na pumapasok sa salaming bintana ng silid, nakita ni Lester ng hubarin ni Zeke ang suot na puting kamiseta bago mabilis na gumapang patungo sa kanyang mismong harapan. Lumuhod ang binata sa magkabilaan niyang mga hita. Nasa pagitan na siya ngayon ng mga hita ni Zeke. Wala na rin siyang maaatrasan, nasukol siya sa ulunan ng kama.

Hinila ni Zeke ang isa niyang kamay at dinala ito sa sariling labi.

Napalunok si Lester. Hindi niya magawang hilahin muli ang kanyang kamay.

"Damn Zeke..!" protesta ang balak ni Lester na gawin subalit kataka-takang daing ang lumabas sa kanyang labi.

Ipinasok ni Zeke sa sarili niyang bibig ang dalawang daliri ni Lester at salitan itong nilaro ng dila at sinipsip.

Rumagasa ang sari-saring sensasyon mula sa mga daliri ni Lester at sumabog sa buo niyang pagkatao. Mas tumindi ang panginginig ng kanyang mga kalamnan ng dalhin ni Zeke ang kanyang kamay sa dibdib nito at inihaplos sa matikas niyang katawan.

"Touch me Lester. Ayaw mo bang damhin ang aking katawan...? Hmmm?" paungol ang bawat salita ni Zeke.

Puno ng panunudyo at paglalambing ang mga titig ni Zeke kay Lester.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Where stories live. Discover now