4

787 24 0
                                    

Chapter 4

Wala paring tigil sa pagkukulitan ang dalawa kahit lasing  na lasing na, si zennon naman ay kanina ko pa napapansin ang pagsulyap-sulyap nya sa aking pwesto kaya naman sa kina-usap ko na.

“bakit?” tanong ko .

Gulat naman itong napatingin sa akin. ”nothing!” saad nya.

Nothing daw pero kanina pa tumitingin dito.

“ano nga?!” pangungulit ko dito.

Nagkamot muna sya ng kanyang  batok. “wala namiss lang talaga kita.” Diko alam kung kikiligin na ba ako dahil doon kasi naman nna miss ko rin sya.

Sa ilang taon kasi ay ngayon lang kami nagkita at nagkausap uli, kaya naman di mawawala ang hiyang nararamdaman naming. Umusog ako ng kunti sa kanyang tabi para naman di na sya mahiyang maki-pagusap sakin diba duh!.

"Psst, ano nga yun?." Pangungulit ko sa kanya.

Ang kanyang kanang kamay ay nasa aking likuran na para bang mahuhulog naman ako. "I miss you." Yan ang kanyang sinabi at nag I was ng tingin sa Akin.

Asus. Hehe

Miss daw ako, baket ako di Ba sya miss? Miss na miss kanya.

"I miss you too." Naka-ngiting sambit ko.

Nakita ko nalang namula ang kanyang pisngi diko alam kung epekto lang ng alak o ano. Inilapit nya ang kanyang mikha sa Akin at may kung anong inalis sa aking mukha. Pinag masdan nya pa ako ng isang sandali bago lumayo.

"San na kayo nakatira ngayon?." Tanong nya at tumonga uli.

"Dyan sa ilocos norte." Saad ko.

"Hmm. Daming lugar sa ilocos, tell me the exact place." Aniya.

"Sa pasaquin ilocos norte.." Wika ko. Baka gusto nya ring malaman kung saan nakatayo ang aming bahay. "Malapit kami sa may bayan, mag tanong kanalang don, sabihin mo ymana kilala na nila yan." Oo di naman sa pag mamayabang kilala ata kami sa buong barangay dahil sa aming apelyido.

Nakita Kong tumango lang ito at tila ba may iniisip na kung ano. "Musta naman sila ma'am ynna?."

"My mom is good same my dad and my siblings. At tsaka miss kana rin nila,  I told them pag nagkita tayo ulit eh dadalhin kita sa bahay." Wika nya na nakatingin sakin.

Eh, kung ngayon palang iuwi mo na ako.! Charot lang oy.

"Ay gusto ko yan, para naman makita ko ulit sila." Saad ko.

Muntik na akong masubsub sa may apoy ng tumayo ako dahil aksedenting natulak ni sean si luiwe at na damay ako. Buti nalang ay nahapit ni zennon ang aking bewang, ganon nalang ang paglaki ng aking mata dahil sa sumunod na nangyari. Ramdam ko ang lambot ng kanyang labi at di lang iyon nasa ibabaw Pa nya ako. Di ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon pagdiin ng kanyang labi sa Akin.

"OMG,, PORN.."

"TAENA DUDE, ANO TO BOLD."

"HOY SHAWN PASAMPAL NGA."

"IM SO PROUD OF YOU ZIE ZIE."

Natauhan kaming dalawa dahil sa mga narinig namin. Ang aming mga kaibigan ay naka-ngising naka tingin samin at ang iba naman ay may hawak na cellphone na para bang kinuhanan kami ng litrato. Mga hinayupak .

Parang tanga namang nagpupunas ng luha kuno si luiwe at pumalakpak Pa ang loka. Proud ka teh? Taena di na vigin ung lips ko huhuhu.. Di Bale na punta naman ung first kiss ko kayo zennon ayos na yon.

"Mare saya ko for you, sa wakas may pers kiss kana." Tinapik tapik Pa ni winter ang aking balikat.

Yawa..

Si jia naman ay nagtatalon sa saya dahil sa nakita.

"Yehey, may pers kiss kana HAHAHA." di naman halatang lasing tong mga to no?!.

Nag silapitan naman ung mga kaibigan ni zennon sa kanya at nag kakamayan. Ano ba trip ng mga to? Big deal ba iyong kiss namin? Baka ingit sila mga teh.

Kahit na nag karoon ako ng ex, ngayon lang talaga ako nagkaroon ng first kiss. At kayo zennon Pa, swerte ko naman ehe, tagal Kong pinangarap to no?!.

Landi mo zien,.

"Dude ano masarap?." Rinig Kong tanong ni uno kayo zennon.

Nakita ko namang tumango si zennon at lihim na napa-ngiti. Tae gustong-gusto naman Lord kahit ngayon sana si zennon nalang ang para sakin. Labi palang nya sapat na. Nagyon lang naman po ako magiging madamot sakin nalang sya, dapat aking ung labi nya kasi ako unang nakatikim.

MASAKIT ang katawan ni zien na nagising dahil sa ingay na kanyang naririnig. At may kung anong mabigat na bagay ang nakadantay sa kanyang bewang at mainit na hangin ang tumatama sa kanyang batok. Nilingon nya iyon at nagulat sya dahil si zennon ang taong iyon. Pano dito to natulog eh may sarili namang tent ang mga ito. Tatangalin nya dapat ang braso nitong nakayakap sa kanya ng mas lalo Pa itong humigpit, tulog naman ang binaya pero parang ayaw syang pakawalan nito.

Napahawak sya dibdib nito ng hapitan Pa sya lalo palapit dito. At mas nakakagulat Pa don ng lumapat sng malambot nitong labi sa kanyang labi, walang pang toothbrush iyon, bat ba nanghahalik ang isang ito. Na nanaginip ba ang hinayupak na to?.

Tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi para magising na. "Woyyy, gising na..!" Pilit Kong inaalis ang kanyang braso sa aking bewang ngunit mas lalo lang iyong humihigpit.,

Jusko ano ba.!

Tinignan ko ang kanyang mukha na sakto namang nagmulat sya ng mata. Sumilay doon ang isang napakagandang ngiti.

"Morning." Bati na sakin gamit ang nakakaakit na boses.

Nagdadalawang isip Pa ako kung babatiin din siya pabalik or hindi na.

"Morning din. Pede mo na alisin ung braso mo? Bangon na tayo." Awkward na sabi ko. Agad naman nyang sinunod ang aking sinabi kanya mas naka-hinga ako ng maluwag dahil don.

Pagkalabas ko tent ay doon ko lang napagtanto na Hindi ako sa tent namin natulog kundi sa kanila. Pano nangyari yun?! Ang mga kaibigan ko naman ay naka simangot dahil sa parehong dahilan. Parang tanga naman si luiwe na nakatulala sa isang tabi at hawak ang cellphone ni jia.

Ngayon nya lang ata na- realize ang mga kabulastugang ginawa nya kagabi.

Napahawak ako sa making tyan dahil gutom na. Buti nalang ay may pagkain ng naka handa sa mesa, kaya naman makapal na ang aking mukha na makikain don. Duhh dahil nandon ung mga kaibigan Kong patay gutom.
















Sorry po sa late update.
Medyo busy lang po :)

Enjoy reading mga marekeyks😘

Summer Day [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon