9

766 24 5
                                    

Chapter 9

"So talaga bang ayos kana sa anak ko?" Tanong ni tito argel sa Akin habang nasa hapag kami. Yun kasi ang gusto nilang itawag ko sa kanila. At wag daw ma'am at sir dahil wala naman nagtatawag ng ganon sa mga in-laws wika nila.

"Dad!" Ani zennon na ikinatawa ng mag-asawa ganon din sila mama. "Mom bat nga uli kayo naging mag-asawa ni dad?" Usal ni zennon.

Tinignan naman sya ng masama ni tito argel dahil don. Mahilig kasing mag-asarahan ang mag-ama about sa mga past nila. Inaasar ni zennon ang daddy nya dahil sa kwenento ng mommy nya nong pinagbubuntis palang sya nito. Aminadong naging masamang kasintahan si tito argel non kaya tita pero, may twist ang kwento nalang dalawa. Sa tuwing nagkwekwento si tita ynna about ay namumula sa tito. Nahihiya atang marinig ang mga ginawa nya dati.

Si mama naman ay di mawala-wala ang ngiti sa labi nito pati si daddy. Ay wow parang boto na agad kaya zennon ah. Hanep din talaga ang karisma nitong lalaking to.

Wala naman kaming ibang ginawa dito sa Palawan kundi ang mag-enjoy dahil andaming activities na pwedeng gawin. Ang mga magulang namin ay nag-iihaw ng barbecue. Ang mga kapatid ni zennon ay nagpapagwapo sa mga turistang babae. Panay rin naman harutan ang ginagawa ng kaibigan namin. Mga malalandi talaga ang mga ito. Kasi naman kahit saang pares ata ako tumingin ay naghahalikan ang mga bonak.. Naka-busangot akong pinapanood ang mga naglalaro sa dagat ng may mga brasong pumalupot sa bewang ko, kahit di ko lingunin ay kabisado ko na kung sino iyon.

Amoy palang nya kilala ko na. Walang iba kundi si zennon. Sumandal ako sa kanyang dibdib at inayos ang pagkaka-upo sa upuan. Napa-pikit ako ng patakan nya ng mababaw na halik ang aking ulo. Kinuha ko ang palad nya at pinag-salikop ang aming daliri.

"Inaantok ka?" Anang nito.

Umiling naman ako bilang sagot. Tiningala ko ito, at sakto namang nagbaba sya ng tingin sa Akin. "Gutom na ako." Sambit ko na syang nag-pahalakhak dito. Ngumuso ako dahil gutom na talaga ako kanina Pa.

"Okay, my baby is hungry." Anang nya.

Pinatakan nya muna ako ng halik sa labi bago ito tumayo para kumuha ng pagkain. Ilang saglit lang ay bumalik syang may dala ng pagkain. Agad naman na kuminang ang aking mata dahil sa sobrang dami ng pagkain na kinuha nya. Daming hipon, agad ko syang pinaupo sa aking tabi para makain ko na lahat ng dala nya. Natatakam na talaga ako.

"Dahan-dahan baka mabilaukan ka." Saad nya saakin.

Sinubuan ko rin sya para naman hindi lang ako ang mabusog dito. Habang kumakain ay biglang lumapit sa amin ang anim at nagtatanong ng kung ano ano.

"Oyy, ano kilan kasal?" Usal agad ni luiwe na kakalapit lang.

"Oo nga. Abay ako ah." Gatong naman ni sean.

Bagay nga ang dalawang ito.

"Malayo pa ang kasal., at pwede ba lumayo nga muna kayo kasi kumakain si zien." Ani zennon.

Pupulot sana si shawn sa aking pagkain ng pinalo ni zennon ang kamay nito. Sinamaan ko rin ito ng tingin. Umawang ang bibig nya at di makapaniwalang tumingin sa amin.

"Pahingi lang eh." At sumubok na naman ulit na kumuha. Tinignan ko si jia at sininyas si shawn sa kanya. Agad naman itong nakuha ni jia kaya piningot nya ang tenga ni shawn at inilayo sa akin.

"Awww.. Masakit." Inirapan lang ito ni jia. "Naku, sungit-sungit ni baby ko." Yawang Shawn to Kilan Pa naging clingy ang isang ito?!

Ngumiwi naman si jia dahil sa narinig. "Magtigil ka nga!." Tinulak papalayo ang mukha ni Shawn.

"Oyy, wag mong bwesetin yan. May dalaw yan ngayon." Ani winter kay Shawn.

Red flag naman pala..

Nang maubos ko lahat ng pagkain na ibinigay ni zennon sakin ay tumayo na ako para ibalik ung Plato sa cottage.. Nakita ko si tita ynna na naghahanda ng dessert kasama si mama. Nice Graham balls. Palubog na ang araw pero masaya paring naglalaro ang iba maliban kay Shawn na nakabusangot sa tabi ni jia. Sila zennon naman ay nag-aayos ng upuan para sa pagkakainan. Lumapit ako Kay yvane na gumagawa ng bracelet.

Namiss ko ang pakiki-pagkulitan dito. "Galing naman." Pumulot ako at gumawa rin.

Busy kami at nakaka-dami na rin sa pag-gawa. May balak atang mag benta ang batang ito..




-
Short update mga marekeyks..

Summer Day [Completed]Where stories live. Discover now