8

720 25 2
                                    

Chapter 8

Masaya naman kaming nagsalo-salo syempre di mawawala ang pagbabangayan ng mga kasama namin dito. Ewan ko ba kung may na Hindi kami alam ni zennon dahil sobrang sweet na ng mga ito. Wala na iyong palahing away na nakikita namin. Actually si Sean at luiwe ang may malaking pagbabago dahil kung makabakod kaya luiwe ay wakas. Sa tuwing niyayakap ni Sean si luiwe ay nakikita ko ung love sa mga Mata nila, ay sanaol nalang.

"Anong iniisip mo?" Tanong ni zennom sa akin.

Sumandal ako sa kanyang dibdib, dahil yakap nya ako mula sa likod. "Nagtataka kung bakit parang may iba sa kanila." Anang ko at tinuro ang mga kaibigan namin na parang walang bukas kung maglandian.

"They're all inlove. What do you think?" Saad nito.

Yeah! Kita naman sa kanila iyon kahit na anong tago nila ay nakikita namin. Tsaka Malay mo sila naman talaga ang para sa isa't is a diba? Malapit na ang dating nila mama at papa gusto ko sanang ipakilala sa kanila si zennon.

"Kelan tayo pupunta sa inyo?" Tanong ko kaya zennon.

Panay ang halik nito sa Akin. Di ata nagsasawa at hobby na nya iyon pag-magkasama kaming dalawa. Binaba ko ang aking tingin sa aming mga daliring magkasalikop, diko man sabihin ay kinikilig talaga ako dzai..

"Siguro tomorrow! Para naman makapasyal rin tayo." Anang nya.

Tomorrow? Wow bilis ah. Iba talaga ang hayok ng lalaking to! Medyo masakit parin ang katawan ko pero di na singlala kahapon. Dzai para akong hihimatayin sa sobrang sakit pag-umiihi ako. Yawa parang ayaw ko na tuloy umihi. Di ko inaakalang sa kanya ko ibibigay ang bagay na iyon. Pag-nalaman siguro nila mama ito ay baka batuhin na ako ng kaldero non. Paalala Pa naman sakin ay pag-kasal na dapat pag-gagawin ang bagay na iyon. Wala naman silang magagawa dahil nagawa na namin, masarap eh. Charr..

Kinabukasan ay maaga kaming lumarga patungong manila. Excited akong makita sila tita at yvane miss ko ung girl bonding namin. Bumili rin kami ng pasalubong sa kanila dahil iyon daw ang pinapabili ng mga ito kaya zennon. Nagtaka ako ng sa airport kami tumigil.

"Bat tayo nandito?" Nagtatakang tanong ni luiwe.

"Kasi nasa Palawan sila tita, kaya dito tayo dumeretso." Sagot ni Sean na nauna ng lumabas.

Awit! Akala ko Pa naman nasa bahay lang yung mga iyon. Nasa malayo pala. Palawan Pa.. Inalalayan akong bumama ni zennon at inayos ang aking suot na dress. Deretso agad sa private plane ang punta namin. Yaman talaga nila, di parin nagbabago ang mga ito. Mas lalo akong na excited dahil first time Kong makapunta ng Palawan. Pag may trip panay sa ibang bansa kami pumupunta nila papa diko Pa nalilibot ang pilipinas.

Umidlip muna ako saglit dahil inaantok na ako. Ilang oras Pa naman ang byahe patungo ron eh..

Zennon POV

Nakatingin ako ngayon kay zien na mahimbing na natutulog sa akong tabi. Diko na alalang napuyat ito dahil maaga naman kaming natulog lahat. Baka siguro ang pag-gising nya ng maaga kanina. Inayos ko ang kanyang pwesto para di sya mahirapan. Ipinatong ko ang malambot na kumot sa kanya.

"Dude! Kelan mo naman sya niligawan?" Tanong ni Sean na nasa kabilang upuan.

Parang tanga na kinukuhanan ng picture ni luiwe. Pano ba naman kasi ay may blush on na pink ang magkabilang pisngi nito. Bilib na talaga  ako sa kaibigan ni zien dahil nagagawa nalang under ang mga kaibigan ko.

"Matagal na rin naman. " sagot ko.

"Ano ba Sean! Ihuhulog kita rito sige pag di ka umayos." Maktol ni luiwe, nakita ko naman ang takot sa mata nito kaya agad na umayos.

Buti nalang di ganyan ka amasona si zien baka wala sa oras ay mamatay ako ng maaga. Napag-pasyahan ko na ring umidlip muna dahil mauumay lang ako sa mga kalokohan ng mga ito.

Zien POV

Naalimputangan ako ng may yumugyog sa aking balikat. Kinusot ko ang aking mata at iminulat. Nakita ko ang mukha ni zennon na bagong gising din katulad ko. Magulo ang buhok awww, ang baby ko parang baby. Inabot ko iyon at saka inayos. Nagulat Pa sya pero parang nagustuhan rin ang ginawa ko.

"Andito na ba tayo?" Tanong ko habang inaayos ang kanyang buhok.

Tumango ito at niyakap ako. "Gusto ko pang matulog." Natawa ako dahil don. Tumingin ako sa labas at nakita ang mga pamilyar na mga mukha.

Mama? Akala ko ba may trip tong mga to. Bat nandito sila?! Mas nagulat Pa ako ng makita ang katabi ni mama ay ang mommy ni zennon. Naku naman ano to pamamanhikan?

"Bat kasama nila mama ang pamilya mo?!" Sambit ko kaya zennon na di parin maalis ang paningin sa labas.

Humiwalay sya sakin at tumingin rin doon. "Tss. Si mom na naman ang may gawa nyan." Rinig Kong sambit nya.

Magkahawak kamay kaming bumaba sa eroplano at masayang sinalubong ang ganda ng panahon. Nakita ko naman na nagtatalon ang aking ina na parang bata ng makita kami. Asus sinabayan Pa ng mommy ni zennon. Jusko! Bumabata ata ng paurong ang mga magulang namin.

"Yun oh."

"May nasungkit na dilag ang kuya."

"Nice, paturo rin ako."

Rinig Kong sigaw ng triplets. Mababaliw at ako sa mga ito. Nakita ko naman si yvane na masayang naka-tingin sa amin. Iba rin ang ganda ng batang ito. Sunugod agad ako ng yakap ni yvane ng makalapit kami sa kanila.

"Ate zien!! Namiss kita." Mahigpit ang yakap na ibinigay nya sakin. Yumakap naman ako pabalik dahil namiss ko rin ang batang ito.

"Miss you too." Anang ko.

Sunod naman na yumakap ay si ma'am ynna na akala mo ay di tumatanda dahil di Pa rin kumukupas ang ganda nito. "Omg, zien buti naman at nakita ka ulit ng anak ko." Kita ko ang excitement sa mata nito.

"Nice to see you again zien." Sabi ni sir argel. Omo ung krass ko dati.

Akmang yayakapin din ako ng triplets ay agad na humarang si zennon at ipinalupot ang braso sa aking bewang. Nakita ko nalang sumimangot ang tatlo dahil sa ginawa ng kanilang kuya.

"Yakap lang naman kuya eh." Naka-ngusong sabi ni zane.

Yawa kamukhang-kamukha no zennon ang mga ito. Parang carbon copy.

"Suntok gusto mo?" Wika ni zennon at Ipinakita ang kamao sa kapatid.

Agad naman na umatras ang mga ito dahil sa banta ng kuya nila. Nakita ko nalang nagbubulungan ang dalawa na si zake at zorie.

"Ate alam mo b-." Di na naituloy ni zake ang sasabihin ng bigla nalang sinalpakan ni zennon ng pagkain ang bunganga nito.

"Punong-puno ng pictures mo ang kwarto ni kuya sa bahay." Usal ni zorie na agad na tumakbo patungong sasakyan nila.

"Zorie!!." Sigaw ni zennon sa kapatid.

Napa-halakhak naman ang mga matatanda dahil doon. Namumulang tumingin ako Kay zennon na di manlang ako matapunan ng tingin ngayon. Panay ang tudyo ko dito habang nasa byahe kami papunta sa kanilang isla.

Summer Day [Completed]Where stories live. Discover now