Chapter 2 /

50K 1K 36
                                    

Chapter 2


It's already 12pm. I need to go at baka malate pa ako Ang bilis nga naman ng oras. Tapos ang init init pa kaya kailangan pang magpayong. Sobra kasi akong napapaso sa sinag ng araw. ANg hapdi hapdi. 

"Manong Let's Go na!"

Medyo kinakabahan ako pero kailangan kong isawalang tabi yun. 

Hmmm Since nasa likod naman ako at ang cute ng sumbrero, naisip kong magpicture muna. Inilabas ko yung Iphone 5s ko. Normal lang naman ang ganitong gawain para sa mga babae eh kaya wala namang masama. Tinignan ko muna si Manong. Focus lang siya sa pagdadrive kaya makakapagpicture ako.

Perpect! Ang cute ko dito! Oi nga pala, add niyo ako sa Fb ha. Chat chat tayo! Just search "Michie Candee Cortez" at lalabas na ang 'oh so cute goodlooking michie ng buhay niyo! Nakikiuso rin ako sa mga social networking sites like Facebook, ask.fm at wattpad. Nagwawattpad ako para makapagbasa ng mga Vampire stories mapa English o Tagalog.

"Lady Michie we're here na po" O antaray! English speaking ang Driver ko.

Bumaba na ako para makapasok sa Gate. Agad naman akong napatingin dito.

 Parang nanginginig ang buong katawan ko sa nakita ko. Gosh Parang palasyo ang school na ito. Ang laki-laki pa ng Gate. Tapos tago pa ang lugar na ito. Nakakatakot! 

I have to back out. Ayoko sa malademonyong aura na school. My Ghad! Kulay Puti at itim ang pintura ng Malapalasyong building tapos kulay itim ang napakalaking gate. Sino ba namang hindi matatakoot sa ganitong itsura? Parang paaralan ng mga bampira? Bampira? Well hindi ako naniniwala sa mga iyon kahit na ang hilig kong manood ng movies about them. 

Marami ding pumapasok. Pero halos lahat sila may Tatak na VA sa leeg. Anong ibig sabihin nun? VA students ganoon? Ganon ba ang identification nila? 

Baka nagkamali ako ng pinuntahan? Pero lahat naman nakaitim eh. Tapos dun sa kabilang gate , may mga nakaitim na uniform. Mukhang mga highschool students.

Magbaback-out na sana ako ng....

"Hey be careful or else you'll be dead" Napatingin ako sa likod ko. Naapakan ko yung sapatos niya kasi humakbang ako patalikod.

At one thing, Ang Gwapo niya! Pero nakakatakot. Aanhin niya ang gwapong mukha kung ganan naman ang ugali niya? Ang samasama ng tingin niya sa akin na para bang gusto niya na akong patayin. Porke naapakan lang ang sapatos? Paltan ko yan ng mas mahal e. 

"Ah I'm sorry" Tapos yumuko nalang ako bilang pag hingi ng paumanhin. Aminado naman ako na kasalanan ko e. 

Tapos pupunta sana ako dun sa kotse ko nang bigla niya akong hilahin pabalik. Medyo nagulat ako pero naalalayan naman niya ako.agad. Nakahawak siya sa aking bewang. Agad ko namang inalis yung kamay niya. 

"Where are you going?"  Eh ano, wala akong magandang maisagot kasi napapatingin ako sa gwapo niyang mukha. Totoo palang maraming gwapo dito. Ah mali, lahat pala ng napasok dito ay magaganda at gwapo. Hindi ko maitanggi na nakakaakit nga ang itsura niya. Urgh basta masama ang ugali niya! 

"Magba back-out hehe" Napakamot nalang ako sa ulo. Muntik na akong pumuyok dun. Buti nalang at nacontrol ko ang sarili ko. Ayokong mapahiya sa harap ng gwapong nilalang este sa napakasungit na lalaking ito.

"What? There's no turning back when you're already here. You must finish your studies before leaving, or else you will die *smirk*" Tama ba narinig ko? May ganoong treatment ba ang ibang school? Parang dito ko lang narinig yun. Tinatakot niya ba ako o nakikipagbiruan lang siya? Inirapan ko nalang siya pero napansin ko namang ngumiti siya na para bang nanalo. Whatever. Napakasama niya. Siya na ata ang pinakamasamang taong nakilala ko. 

VNIGHT: Vampire in DisguiseWhere stories live. Discover now