Chapter 3 /

43.6K 933 37
                                    

Chapter 3


Sinabi sakin ni Jean ang tungkol sa White at Dark Vampire at SFB at SFG.

Vampire daw ang tawag dahil sa sobrang puti ng mga ito. Hindi naman daw literal na Vampire dahil hindi naman daw totoo yon.

White Vampire ------ Michael Carl Eisaia

Wow ha! Kakaiba Apilyedo ni White. Nasanay na akong White ang tawag sa kanya eh. Pero bagay sa kanya yung pangalan niya kasi mabait siya hindi katulad ng isa diyan. Tinalo pa ang lion sa sobrang kasungitan. Pero ang galing ha? Parehas kaming MC ni White. Michael Carl tapos Michie Candee. Wow bagay. Aw ano ba itong mga pinagsasabi ko. 

Sabi sa akin ni Jean, ang laki daw ng pinagkaiba ni White Kay Dark

Dark Vampire -------- Geo Vincent Park

 O ang cute pala ng name ni Dark. ANO? Wala akong sinasabi na cute. Nahihibang na ata ako. Kinasusuklaman ko ang lalaki na ito. Yabang yabang. Kumukulo ang dugo ko kapag naaalala ko yung pangyayari na tinakot niya ko. Kapal ng mukha. 

Halata naman na mas mabait si White kaysa kay Dark. Titulo palang ng pagiging Prinsipe, alam na eh.

Si White ay namamansin daw ng kapwa estudyante. Samantalang si Geo, namamansin lang daw kapag iritado. Sabagay....Pinansin niya lang ako kasi naapakan ko siya. Pero hindi ko naman sinasadya. Malay ko bang nasa likod ko siya diba? Pero grabe pala siyang magbanta. Masyado lang siyang maarte. 

Sabi ni Jean na pag nakita ko si Prince Geo, umiwas na daw ako. Marami na daw na Detention Room gawa niya. Kahit kasalanan niya, nakakalusot siya. Ang masaklap pa, nagmumukhang kasalanan pa ng haharang sakanya ang gulong nangyayari. Well bugbugan portion daw. Wala daw sinasanto kahit babae. Casanova pa ang hinayupak. Sabagay, ang gwapo niya naman kasi kaya halos lahat ng babae ay nahuhulog sa kanya. Pero sisiguraduhin ko na hhindi ako mahuhulog sa kanya. Parehas sila ni Prince Michael na mukhang sikat na sikat talaga. Hindi talaga ako sanay na Prince ang tawag sa kanila. Pero kailangang sabihin dahil yun ang paraan ng paggalang sa kanila. 

Wala pa daw nagugustuhan na babae yun. Pero ang daming babae na nahuhumaling sakanya. Sus if ever na makita ko siya, ako pa ang mang-iignore sa kanya. Mas gusto ko si White. Ayoko kay Dark kasi ang pangit ng ugali niya haha. Sayang talaga kagwapuhan niya, baguhin niya sana ugali!

About Sa Super Famous Girls and Boys, Top 2 pala si Jean. Ang galing niya! Ang ganda ganda kasi ni Jean. Mala Ariana Grande ang mukha. Tsaka ang galing niyang manamit. At O so Smart girl! I wonder why kung bakit wala siyang naging kaibigan. Parehas kami ng sitwasyon.

Ganito na ba mga tao ngayon? Kung sino pa ang magaganda, siya pang walang kaibigan. Ngiiiks ang feeling ko hahah! Pero may Friend na ako, si Calleigh Jean. Dapat mapasama ako sa SFG para lagi kong makakasama si Jean.

Ang magkaklase ay ang SFG at SFB at ang dalwang Prinsipe sa highest Section.

Nagtataka ba kayo kung bakit May SFG at SFB agad? Nung highschool kasi, sila ang laging nasa Top. Kaya ayan. Tapos ang Mga Prinsipe naman ay stable daw. Siguro sobrang talino din nila no? Ang swerte naman ng makakatuluyan ng dalwang Prince na yun kung nagkataon. Bakit ko ba iniisip yun? Dapat wala akong pakialam.

Ang hirap atang maging SFG, nakapanghihina ng loob pero kailangan gawin ko ang lahat para maging isa sa kanila. Nandoon kasi si Jean at My Prince Charming White . Crush lang naman.  namang masama dun. Sobrang bait niya kasi sakin e. Alam ko rin na may gusto sa kanya si Jean pero hindi ko talaga maiwasan na hindi humanga sa lalaking yun. Hanggang doon lang naman. Sana hindi ako mainlove. Mahirap na, isa lang akong normal na tao tapos siya ay isang Prinsipe. 

Nagbasa nalang ako ng Diary ni Eya. Mahilig kasi talaga ako sa wattpad stories lalong lalo na yung stories ni Alyloony at Girlinlove. Parang ang sarap tuloy mainlove. 

Para tuloy akong nasa wattpad stories na may gusto sa isang prinsipe. Teka aminado na talaga ako na gusto ko si White? Umiling-iling nalang ako. Basta natutuwa ako na para bang kinikilig kapag ngumingiti siya. Yun na yon. Basta hanggang paghanga lang ako. Mataas siya, hindi ko siya kayang abutin. 

Masaya na ako dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na laging nasa tabi ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko.

To: Mommy

Thanks mommy dahil dito mo ako pinag-aral. Nagkaroon ako ng isang mabuting kaibigan. Love you! Ingat kayo ni Daddy! Miss you already.

Sent

Kakayanin ko to! Tiwala lang :) 

VNIGHT: Vampire in DisguiseWhere stories live. Discover now