Chapter 4 /

44.4K 885 27
                                    

Chapter 4

Mas malala pa pala ang mga estudyante dito kumpara sa Lauren Academy. May taglay na katarayan at kasungitan ang mga tao dito. Mas pinili ko nalang tuloy manahimik. Mas kinabahan tuloy ako. Nandito naman si Jean para sa akin. Kakayanin ko ito. 

Pipilitin kong magsurvive hanggang sa abot ng makakaya ko. Funny. 

Nasa kabilang room ako. College ako kaya paiba iba ang room. Samantalang ang mga Princes at SFB at SFG ay nasa Highest Section. Professor nalang ang pumupunta sa kanila. Panay business Management lang ang course na pweding mapasama sa top. Pero hindi naman unfair yun kasi sadyang nasa business management ang mga magagaling. Yun yung nagpag-alaman ko. Panay mayayaman pati ang napasok dito, yung tipong mga tagapag mana ng company kaya yun mostly ang course na kinukuha nila. Business Management rin naman yung course ko pero hindi katulad ng sa kanila. Namamangha nga ako pag nalalaman ko na yung mga nakakasalubong ko ay kabilang sa SFG at SFB. Sikat kasi sila. Ibigsabihin kapag naging member ako noon ay sisikat rin ako?

Namuhay ako ng normal. Nasanay ako ng walang atensyon. Nang nakilala ko si Jean at White, nagkaroon ako ng lakas na loob na mapabilang sa SFG. 


Nabalitaan ko na dadagdagan daw ng tiglima ang SFG at SFB. Eto na ata ang hinihintay ko. Sinuswerte na ata ako. This is it! Kailangan kong masigurado na kasama ako sa limang yun. Pagakatapos ng first sem daw malalaman. Pagkakataon ko na to para makasama sa kanila. Papatunayan ko na nararapat ako sa Section na yun. Maganda naman ako hindi ba? Tsaka matalino naman ako kaya may possibility na makasama ako. 


Ang swerte ko naman dahil nagbigay sila ng slots. Bakit kaya ganoon? Sobrang pasasalamat ko talaga. Gusto ko kasing makasama ang unang magiging kaibigan ko sa academy na to. Ayokong mapahiwalay sa kanya. Ngayon na nga lang ako magkakaroon ng kaibigan e. Susulitin ko na. At isa pa, two years ka lang mag-aaral kung nasa highest section ka. O diba? 


Todo kinig naman ako sa mga prof. para mataas ang grades ko. Unang klase palang pero ang active ko na sa recitation. Inspired eh, wala kayong magagawa haha. Ang dami tuloy napapatingin sa akin. Well okay lang naman kasi mga baguhan din naman ang ibang mga kaklase ko. 


"Class, you have your own rooms here. Whether you like it or not, you'll live here inside the academy. You can only go outside on Saturday and Sunday. Your things are here. Your parents brought it here. That's all. Class dismissed." -Prof

Napanganga na naman ako. Grabe naman itong school na to. Mahal na mahal ang mga estudyante kaya dito na pinatira. Kaya pala binigyan kami ng susi na may number. Para doon pala yun? Nakakainis naman. Bakit parang biglaan nalang lahat ng nangyari sa akin ngayong araw na to? Una yung pagpasok sa Academy na to, pangalwa ang pagtira naman dito. Hindi kaya ako mababaliw nito? Ang creepy pa ng ilang tao dito. Nabasa ko rin yung rules. Natatakot ako na baka may manakit sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako. May choice pa ba ako? Welcome to my new world. Hindi ko alam kung malas ba talaga ako o sadyang ito ang nakatadhana sa akin? 

Naisip ko naman sila mommy. Okay lang siguro sa kanila na dito ako tumira since lagi naman silang nasa ibang bansa. Alam kong alam na nila na required na dito tumira dahil sila pa mismo naghatid ng gamit ko. Hindi man lang sila nagpakita sa akin. 

Ipapamana kaya nila sa akin yung kompanyang pag mamay-ari nila? Isang hamak na ampon lang ako. Mahal nila ako pero hindi iyon sapat para ipamana ang pinaghirapan nila. Hindi bale, kaya nga nag business management ako ay para kumita ako sa tulong ng sarili ko. I want to be independent. Ito na siguro ang simula ng araw na iyon. 


Wala na akong klase ngayon. Bukas na uli. Hahanapin ko nalang ang room ko. Sana malapit lang sa akin si Jean para pwedi akong pumunta doon anytime.

Naglakad lakad ako para tandaan ang mga lugar sa campus. Masyado kasing malaki. Bukod pa yung kalakihan ng mga rooms for students. Aba sobrang yaman siguro ng may-ari nito. Tig iisang bahay kada estudyante eh. Sapat na para sa isang pamilya. Tapos may nakita pa ako sa bandang kabila na malalaking bahay. Para siguro yun sa mga Princes. 

Malamang may special treatments ang mga iyon. Imposibleng wala. Princes nga e.


"Michie" Napalingon naman ako sa tumawag ng pangalan ko. Nakita ko naman si White na nasa likuran ko na pala. Holy cow hindi ko man lang napansin yon? Masyado ata talagang marami akong iniisip. 

Napatitig ako sa mga mata niya. Ngumiti siya kaya parang naramdaman ko na nag-init ang pisngi ko. O gosh. A beautiful creature smiling in front of me. Bakit parang parehas kami ng mata? Maganda ako, gwapo siya. Haha. Okay dream on Michie. 


"Bakit?" Nginitian ko naman siya ng pagkatamis tamis. Pero syempre biro lang. Ayokong mahalata niya na gusto ko siya. Ah okay sige gusto lang naman e. Walang masama doon. Gwapo kasi at mabait siya. Simpleng paghanga lang. Tsaka langit siya, lupa ako. 

Humakbang naman siya papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak naman agad ako sa dibdib ko. 

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas iyon para mapalapit sa mga mata niya. Tinitigan niya ako. Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Parang bang may something akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. Teka anong nangyayari? 

Bigla siyang umalis...


Problema nun? Iniwan niya nalang ako basta basta. Hindi ko alam ginawa niya. Ang awkward naman nun. Nawala tuloy yung kilig sa katawan ko. Parang feeling ko may nawawala sa akin? Hay ewan. Mahanap na nga lang yung room ko. 

Kanina pa ako palakad-lakad pero hindi ko pa rin mahanap. Maloloka na talaga ako. Nakakapagod. Buti nalang may mga benches sa tabi tabi. Umupo muna ako. 

"Bakit kaya kakaiba ang paaralan na ito? Hmm" Tanong ko naman sa sarili ko. 

Parang ganito yung mga nababasa ko at napapanood tungkol sa mga bampira. Yung may mga eskwelahan na panay bampira ang pumapasok. Matatangkad at mamaputi. Hindi kaya school ng bampira yun?

Teka impossible naman yun dahil hindi ako bampira. Ang saya sigurong maging bampira? Kaso hindi ko masikmura na iinom ako ng dugo. Like ew. Hindi na. 

"Ano yun?" Parang may mga anino kasi akong nakikita na mabilis gumalaw. Guniguni ko lang siguro. Kailangan ko na atang magpacheck-up ng mata. Nanlalabo na ata. 

Pinagdikit ko naman ang dalwa kong hintuturo. Magkakagusto kaya sa isang katulad ko ang isag Prinsipe? Malabo siguro no? Kaibigan nga nahirapan akong magkaroon, kasintahan pa kaya? Baka nga tumanda akong dalaga. Sayang naman ang kagandahan ko. 

It's okay to be single rather than having a relation shit. 

Favorite kong sabihin yan sa utak ko. E sa totoo naman e. Sino ba naman ang guggustuhin na mapasok sa isang relasyon kung lokohan lang naman ang mangyayari. Baka masaktan lang ako. Hihintayin ko nalang na may lalaking tunay na magmamahal sa akin kung sino at ano pa man ako. 

Chineck ko naman ang phone ko. Okay no messages. Hindi na bago ito. Nakakatawa nga e. 

Mayamaya ay may lalaki na dumaan sa harapan ko. Nakalagay ang dalwang kamay niya sa magkabilang bulsa. Ang cool niya. Nakatungo lang siya. Kitang kita ko ang tangos ng ilong niya. May panlaban siya sa kagwapuhan ni White. Parang familiar siya sa akin pero hindi ko matandaan. Mukha siyang masungit. 

Hindi naman siya mahilig mag-itim no? Itim na longsleeve, pants at sapatos. I find it hot. Magkaiba sila ni White. Si white cool tignan, siya ang hot. Iniwas ko naman agad ang tingin niya sa akin dahil baka sabihin niya gusto ko siya. Honestly, nagagwapuhan talaga ako sa kanya. Nakita ko na ata talaga siya kanina? Ay ewan.

 ___________________________

Check niyo yung itsura nung lalaking nakita niya --->

VNIGHT: Vampire in DisguiseDove le storie prendono vita. Scoprilo ora