Chapter 2

104 9 0
                                    

Chapter 2

James opened the door and the dusty air welcomed us. Napaubo kaming apat pagbukas ng pinto dahil sa sobrang alikabok na nakikita ko pang lumilipad sa hangin dahil sa sikat ng araw mula sa bintana.

Probably, Dad hasn't cleaned this house for months since he's the only one who insists to do so. We've got no maids to do that either.

Bata pa lang ako, hindi ko alam bakit lahat ng mayayamang pamilya may kasamang yaya dahil kami noon ay wala. Palagi akong nagrereklamo kapag ako ang naglilinis ng lamesa at ng pinagkainan, kapag pinaglilinis ng bahay, kapag nagluluto kapag wala sila mama at kapag ang mga kapatid ko lang ang kasama ko sa bahay.

Pero ngayong lumilipas na ang panaho'y mas nagiging makabuluhan na ang mga bagay na pinapagawa nila Dad at Mom sa amin. We don't have to spend some money on someone just to do our laundry, dishes, or clean the house; we can do that by ourselves. At the same time, natututo rin kaming lahat sa mga gawaing bahay kaya hindi na rin ako nagrereklamo.

"Boys, maglilinis tayo." ani James na nagpabalik sa akin sa katotohanan saka nagsimula na kaming gumalaw. Nagtungo si James sa isang parte ng bahay kaya agad ko siyang sinundan at natandaan kong daan sa kusina ang tinatahak namin. Kinuha namin ang mga walis na nakasabit sa dingding.

"Ako na magwawalis," presinta ko sa at kaagad na binuksan ang isa pang pintuan sa kusina. Inutusan na rin sila ni James na buksan ang mga bintana para makalabas ang mga alikabok at para makapasok ang sariwang hangin sa loob.

"Kailan ka huling nakapasok dito sa loob ng bahay ni Boss?" I heard James asked from somewhere else.

"I can't really tell when, but matagal na, bata pa ako no'n at buhay pa si lolo." I answered and started sweeping the floor. Winawalisan ko rin ang ilalim ng counter table at ng table sa dining area saka ko dinala palabas ng pintuan ng kusina.

"So you really don't know everything? Wala ka na ibang alam?" In my peripheral vision, I saw something moving, and when I lifted my face, I saw a cat running after another cat. My brows furrowed.

"What the fuck is happening and why is everything starting to remind me of him?" I asked myself. Sinundan ko ng tingin ang mga pusang tumatakbo hanggang sa nawala ito sa aking paningin.

"You're cursing." James uttered from behind.

"I just saw something."

"Okay, but answer my question, kid." he said one more time.

"Ano nga 'yung tanong mo?"

"Tinatanong kita kung wala ka ba talagang alam sa ganito at sa lolo mo." tumango ako at pinagpagan ang walis kong hawak sa pader.

"Wala nga. Ang natatandaan ko lang na sinabi niya, balang araw may isang lalaking nagngangalang James Felip ang lalapit sa akin and then there's you, so what now? You guys are freaking the hell out of me. The information I just knew earlier is so much for my brain to process." Mahabang litanya ko sa kaniya at pumunta sa sala, pero nakita kong malinis na rito. May electric fan na rin ang umaandar at nakatutok ito palabas ng pinto para lumabas pa ang ibang alikabok sa hangin.

Bumalik na ako sa kusina at naabutan si James na tinitignan lang ang mga litrato na nakalagay sa itaas ng isang kabinet. Nakalagay din sa gilid ng bawat picture frame ang lalagyanan ng abo ni lolo at lola

"Naabutan mo Lola ko?"

"Oo. Your Lola was the sweetest woman I've ever met." He turned to me and I saw how his eyes were getting red. "She took good care of me then one day, we received a news about your Lola." for unknown reasons, my heart started pounding so hard inside my chest.

Fontabella 5: Love In DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon