Chapter 4

102 12 2
                                    

Chapter 4

Nang nasigurado ko na nakasara ang pintuan, lumabas ako sa bakuran ng bahay ni lolo. Naisipan ko na rin na bumalik sa bahay para man lang makatulog nang biglang sumalubong sa akin sa pinto si mama.

"Oh, saan ka galing?" tanong niya at sinarado ang pinto sa kaniyang likuran. Pupunta siguro siya sa palengke dahil may dala siyang bayong na ginagamit kapag namimili ng ulam tuwing umaga.

"Uhh," napakamot ako ng batok. "Out for a jog, I want to be healthy hehe." pagrarason ko. But fuck, that reason is not even fucking reasonable. This is the first time I went out for a jog.

"Ohh," natawa si mama. "That's good, then. Pupunta sana akong palengke kaso tulog pa ang papa mo at kapatid mo. Ihatid mo nga ako, mabilis lang naman akong mamili."

I nodded. "Sige, ma. Palit lang ako sa loob, pawis na pawis na itong sando ko eh." sabi ko kahit na hindi naman totoo. Minsan, mas maganda pang magsinungaling upang hindi mapahamak ang iyong sarili.

Pumanhik ako sa kwarto at nagsuot ng disenteng shirt bago lumabas ng bahay. Naabutan kong naghihintay si mama sa labas ng gate kaya naman pinaandar ko na ang kotse ni papa.

"Hop in, my lady." tawag ko at itinulak pabukas ang pinto sa passenger side. Ngumiti siya at isinara ang pinto.

"Why my bunso is always the sweetest!" she exclaimed and pinched my cheeks before we headed to the public market.

"Mom, ano nga pala gusto mo ako maging?" tanong ko habang umaandar ang sasakyan. Huminto kami dahil sa traffic. Nilingon ko si mama at nakitang nakatingin siya sa aking gawi.

"Gusto maging? You mean, what do I want you to be?" I nodded but she shrugged her shoulders. "I don't know, maybe a businessman to follow your lolo's steps. He's great in that league" napaisip ako sa sinabi niya. Muli kaming umandar at nakitang papalapit na kami sa palengke.

"Really? What if I take another track that I really like and the opposite of yours, magagalit ka ba sa akin?" pumarada kami sa gilid kung saan walang tao.

Mom sighed. "As a mother who cares about her children, of course I want you to have a brighter future, my son. Gusto ko na maging successful kayo balang araw pero kung taliwas ang gusto niyo sa nais namin ng papa mo, ayos lang sa amin. Malalaki na kayo at kaya niyo na sarili niyo, taga gabay lang kami." bumaba na siya ng sasakyan kaya naisipan kong sumama sa kaniya.

Sad for kuya Luke. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na piliin ang landas na gusto niyang tahakin. He sacrificed his own happiness for our happiness, that's how I get him and I feel like I should have done better so he wouldn't be disappointed.

Naabutan ko si mama na nagpapakilo ng baboy. Tinignan ako ng tindera at itinuro.

"Anak mo na ba 'yan, Mena? Malaki na ah."

"Ay oo nga po hehe. Parang kahapon lang..." tugon ni mama sa kaniya. "'Tsaka pwede rin ba makahingi ng dugo ng baboy? Magdidinuguan sana kami." napakunot ang noo ko sa narinig.

"Is it okay to eat pig's blood, mom? I thought they were not good for our health." bulong ko sa kaniya. Bumaling siya ng tingin sa akin.

"Masarap naman ah."

"Sabi kasi ni sir hindi raw because when they die, lumalabas lahat ng adrenaline sa dugo nila kaya hindi rin safe kainin. I'm no religious person, but that's what science said."

She sighed. "Fine, 'wag na lang pala. Mag bi-bistek na lang kami. Magkano rito sa baboy?" kumuha ng pera sa pitaka si mama at pinahawak sa akin ang baboy niyang nabili.

"325 lang."

"Ito na. Salamat."

Pagkauwi namin sa bahay, maingay na ulit sa sala. Kuya Jared was watching his favourite sport basketball, si papa naman nagbabasa ng dyaryo sa isang tabi then the two mukhang tulog pa. Usually, nandito na kaming lahat sa sala kapag gising na kaso si Aljon at Asher nasa taas pa. Baka naistorbo ko tulog nila kaninang madaling araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fontabella 5: Love In DarkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon