Chapter 1

50 13 28
                                    

NAKAKANGILO Na ungol at halinghing ang bumungad kay Estephanie na s'yang rason ng pag tindig ng kanyang balahibo.

Dahandahan siya na naglakad sa pasilyo na maghahatid sa kanya kung saan nanggagaling ang tunog na iyon.

Kahit may ideya na siya ay nag lakas-loob pa rin siya na tumuloy.

Narating niya ang isang pinto na bahagyang nakaawang. Sapat lang para malinaw n'yang marinig ang kababuyan na mga salita na kahit kailan ay hindi niya inisip na maririnig niya mismo sa bibig ng kanyang pinsan.

Sumilip siya sa siwang ng pinto. Nanginginig na kanina pa ang kanyang mga tuhod, at tuluyan na ngang bumigay ang mga ito, dahilan para mapaluhod siya sa mismong kinatatayuan.

Hindi niya akalain na sa pag-uwi niya galing sa dalawang linggo na bakasyon, ay ito ang sasalubong sa kanya.

Tahimik s'yang lumuluha habang pinapakinggan at pinapanood ang kababuyan ng dalawang tao na importante sa kanya.

Si Fern na asawa niya na nakikipagniig sa pinsan n'yang si Sophia.

Hanggang sa kanyang kinalulugmukan ay rinig n'ya ang kung gaano kalakas ang pag bayo ni Fern sa umuungol at nahihibang n'yang Pinsan.

How could they do this to me?

Yan ang tanong niya sa kanyang sarili.

Bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa lumipas na ilang taon nilang pagsasama ni Fern.

Ilang taon na nga ba sila? Magta-tatlong taon na sila sa darating na huwebes.

Gusto n'yang magwala ng ma-realize nya ang lahat.

Kaya pala panay ang udyok ni Sophia na mag bakasyon siya kahit isang buwan lang, dahil kat'wiran neto na masyado na daw syang stress at kailangan na ng pahinga. Siya naman si uto-uto, pumayag siya.

Gusto n'yang isama ang asawa para naman makapag bonding silang dalawa, pero tumanggi ito dahil wala daw maiiwan sa kompanya.

Napakatanga niya sa parteng iyon.

Marami na ang nagsasabi sa kanya sa opisina, kahit ang Executive Assistant n'ya na si Sarah ay ganoon din ang sinabe.

Na ang pinsan n'ya at si Fern ay parang may something sa isa't isa.

Ayaw n'yang maniwala at sinabi nalang na huwag lagyan ng malisya ang pagiging close ng dalawa.

Bigla nalang namanhid ang kanyang puso, at para bang wala na s'yang maramdamang sakit habang nakatulala.

Binabaha ng mga pangyayari na dapat noon niya pa binigyan ng pansin ang kanyang isip.

Naisip niya na mas magandang ipaalam sa dalawa ang kanyang presensya.

Pero bago 'yon ay kinunan muna niya ng video at photos ang nangyayari sa loob.

Tumayo siya at inayos ang kanyang sarili, bago tuluyang pumasok sa kanilang silid ng walang katok-katok.

"F*ck!" Malutong na mura ang sabay na lumabas sa bibig ng dalawa.

Nag kumahog ang dalawa sa pag takip ng kumot sa kanilang katawan.

Wala sa sarili s'yang napangisi.

"Don't bother to cover up people, it's just me," nang-uuyam ang ngiti na sumilay sa kaniyang labi.

Nanlalaki ang mga mata ng dalawa na para bang hindi makapaniwala sa nakikita nila.

Gusto n'yang karatehin ang dalawa,pero pinigilan niya ang kanyang sarili.

Mas maigi pala na nakauwi siya ng maaga kesa sa takdang panahon,dahil natuklasan nya ang pang ta-traydor ng mga ito sa kanya.

Humakbang siya ng dahan-dahan papunta sa kama nilang mag-asawa.

Crossing Over Boundaries|SB19_KEN | Completed Where stories live. Discover now