Chapter 4

28 11 16
                                    


NAGISING Si Estephanie na masakit ang ulo nya. Nang tumingin s'ya sa gilid ng kama kung nasaan may maliit na mesa na may nakapatong na maliit din na orasan, doon n'ya napagtanto na hapon na pala.

Biglang kumalam ang kan'yang sikmura kaya napangiwi s'ya.

Hindi pa s'ya kumakain ng tanghalian.

Naalala n'ya na nag breakdown s'ya sa mismong bisig ng kan'yang dating matalik na kaibigan na si Ken.

Mas lalo s'yang napangiwi.

'Nakakahiya!'

Tinuktukan n'ya ang kanyang sarili bago umalis sa kama at lumabas ng guestroom.

Naabutan n'ya ang dalawa na seryosong nanonood ng TV. Pero parang hindi naman doon nakatoon ang kanilang mga atensyon.

Tumikhim s'ya para kunin ang atensyon ng dalawa. Unang lumingon sa kanya si Ken bago si Dyan.

Iniiwas n'ya ang kan'yang paningin sa lalaki.

Para kasing hinihigop ng tingin neto ang kaluluwa n'ya.

"Mabuti at gising ka na bess, tara sa kusina. I know na gutom ka na," sambit ni Dyan.

Hindi na s'ya nag komento pa at nagpatianod na lang sa kaibigan patungo sa kusina.

Natakam s'ya ng makita kung ano ang laman ng mga tupperware na nasa lamesa.

Bulalo at sinigang na karne ng baboy.

"Iinitin ko muna ha..."
"No, it's okay... gutom na kasi talaga ako bess eh," nahihiya man sa matalik na kaibigan ay hindi n'ya na napigil ang sarili.

Dumagdag pa ang pag kalam ng kan'yang tyan.

Natawa naman si Dyan sa kaibigan.

"Okay, ikaw ang masusunod. Mainit-init pa naman din itong kanin sa rice cooker," turan ni Dyan.

Bago pa s'ya makakilos para asikasuhin ang sarili ay naunahan na s'ya ng kaibigan.

"Umupo ka na bess, ako na dito," nakangiti na saad ni Dyan.

Sumunod naman s'ya sa sinabe neto.

Ganado na kumain si Estephie. Hindi n'ya alintana ang presensya ni Dyan na nasa harapan n'ya lang at pinapanood s'yang kumain.

Isang malakas na dighay ang kumuwala sa bibig ni Estephanie ng matapos s'yang kumain.

"Opppss..." tinakpan n'ya pa ang kan'yang bibig.

Natatawa na lang si Dyan sa kanya.

"Mukhang busog na busog na ang buntis ahh.." nangingiti na saad ni Dyan.

Sasagot na sana s'ya ng maunahan s'ya ni Ken.

"Buntis ka?" parang hindi makapaniwala na tanong ng lalaki sa kanya.

Tumango lamang s'ya bilang sagot.

Parang naumid ang kan'yang dila dahil sa nakikita na reaksyon ni Ken.

"Oh,I shouldn't be surprised!Haha...

Aahhmm, what is your plan now Estephie? don't get me wrong, I just want to know,"

Nakatingin lang s'ya sa lalaki habang papasok na ito ng tuluyan sa dining area.

Sinusukat kung bakit neto tinanong kung ano ang magiging plano nya.

'Is he still care?'

"Okay lang kung ayaw mo munang pag usapan..."

"Ah, hindi... okay lang, ano ahmmm..."

Pilit n'yang pinatatag ang sarili kahit ramdam n'ya ang awkward atmosphere.

"I'll file an annulment," dugtong n'ya.

Hindi n'ya alam kung namikmata lang ba s'ya nang ngumisi ng bahagya si Ken ng marinig ang sinabe n'ya.
Kumurap kasi s'ya, at ng dumilat s'ya ay seryoso ang itsura ng lalaki kaya hindi s'ya sigurado.

"That's good to hear. Sana lang may lakas ka na kumalas sa relasyon ninyong dalawa, lalo na ngayon na magkaka-anak na kayo."

Parang pumait yata ang pagkakasambit ng salitang 'magkaka-anak' na binanggit ni Ken .

"Anyway, hindi ka naman namin pababayaan sa desisyon mo na 'yan. Maaasahan mo kami ni Dyan na susuporta sa mga hakbang mo sa buhay," seryoso na dugtong neto.

"Salamat."

"Haayyy, tara na nga bess... baka mahawaan ka ng pagiging seryoso ng isa jan, kawawa naman ang magiging ina-anak ko kung sakali," patutsada ni Dyan sa kinakapatid.

Hinila na naman s'ya ni Dyan papunta sa sala.

At tulad kanina ay nagpatianod lang s'ya.

Hindi nila namalayan na nakasunod lang pala si Ken sa kanila.

~~~~~

Naalimpungatan si Estephanie ng makaramdam s'ya ng isang magaan na haplos sa kanyang buhok.

Pero dahil hinihila pa s'ya ng antok ay hindi  na s'ya nag abala na idilat ang mga mata.

"I will always be here for you My Love. Mula noon, ngayon at sa darating pang bukas ng ating buhay...  kahit ang tingin mo sa akin ay isang kaibigan lang."

Yan ang kan'yang narinig bago s'ya nagpatangay sa antok.

****

KINABUKASAN Ay nagising si Estephanie na parang hinahalukay ang kan'yang sikmura.

Walang banyo sa loob ng guestroom,kaya kahit hirap s'yang pigilan ang suka n'ya ay tiniis n'ya ito hanggang sa umabot s'ya sa banyo sa labas ng kwarto na tinutuluyan.

Naiiyak s'ya sa sama ng kan'yang pakiramdam, pero wala s'yang choice kundi ang magtiis sa Daily Morning Sickness n'ya.

Naramdaman n'ya ang isang banayad na haplos sa kan'yang likod.

"Sige lang, ilabas mo lang..." saad ng mababa na boses ng lalaki.

Nanghihina s'ya na napa-upo sa tiles ng banyo. Nanlalamig s'ya at nanginginig ang kanyang mga binti, nakatungo lang s'ya habang kino kondisyon ang kan'yang sarili.

Basang bimpo ang nagpa-angat ng kan'yang tingin.

Nag-aalala na mukha ni Ken ang bumungad sa kanya.

Nang hindi n'ya tinanggap agad ang bimpo ay umupo ito sa sariling paanan, sa mismong harapan n'ya.

Si Ken na mismo ang nag punas sa magkahalong luha, sipon at laway sa kan'yang mukha.

Nakatitig lang s'ya sa mukha neto habang ginagawa iyon ng lalaki sa kanya.

Nang matapos ay hindi n'ya inasahan ang gagawin ng lalaki.

Ipinangko s'ya ng lalaki papunta sa guestroom ng walang imik.

"Thank you,"

"No problem. Now rest a little, para mabawi mo ang iyong lakas. I'll be outside if you need me—I mean, help," napapakamot pa ito sa batok bago s'ya tinalikuran.

'Did he blushed?'

Crossing Over Boundaries|SB19_KEN | Completed Where stories live. Discover now