Kabanata I

28.4K 1.5K 568
                                    

ALL RIGHTS RESERVED? Ano ko libro? 


At bakit niya ako hinalikan? Kahit masarap iyong halik niya, bastos at wala pa rin siyang modo!


Wala siyang karapatang manghalik na lang basta! Sana kung nasaan man siya ngayon ay matalisod siya at mangudngod sa bato ang nguso niya.


Inis na pinunasan ko ang mga labi ko habang nanakbo ako. Sandali lang, bakit ganito? Bakit kahit anong takbo ko paalis ay hindi ako makalayo sa talon? Dito at dito pa rin ang bagsak ko?!


Sa kakatakbo ko na walang maayos na direksyon ay hindi ko nakita na may lalaking nakatayo sa harapan ko. "Hey, Miss! 'You okay?"


Napatingala ako sa lalaking muntik ko nang mabangga. Napapreno ang mga palad ko sa braso niya. Matangkad siya at kulay itim na itim ang mga mata kaya hindi siya iyong lalaki kanina.


Sandali, bakit tila nanghihinayang ako?


Nakagat ko ang aking ibabang labi. "I'm sorry..."


Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya sa magkabilang pisngi. The man was handsome too. Pero iyong kulay green ang mata ay mas...


"Bakit ka nagso-sorry?" tanong niya. Mukha siyang mabait. Polo na puti at jeans ang suot niya. Kataka-taka lang kasi bakit nakapolo siya sa gubat?


"Ha? A-ano kasi..." Napagtanto ko na nakahawak pala ako sa kanya kaya napaatras ako.


Kanina pa ako nananakbo rito sa gubat ay hindi pa rin ako makabalik sa mansiyon. Hindi ko alam kung bakit ngunit bumabalik lang ako sa talon kahit anong gawin kong pagtakbo palayo. Tila akong na-engkanto na na-trapped sa parehong lugar.


May engkanto naman talaga kanina at green ang mga mata niya...


Kulay mahiwagang luntian...


"What?" Napatitig sa akin ang mga mata ng lalaki.


Napakurap ako.


"You're saying something." Kumiling ang ulo niya. "Engkanto?"


Ha? Naisatinig ko ba iyon?


Napangiti na naman siya. "There's no such thing, Miss."


"H-hindi kasi ako makaalis dito sa talon." Nilingon ko pa ang talon na nasa likuran ko sabay punas ng pawisan kong noo.


Nang muli ko siyang lingunin ay nagulat ako nang makitang titig na titig siya sa leeg ko. Napapalunok pa siya. Napahawak tuloy ako roon.


Ipinilig niya ang ulo saka siya muling ngumiti. "Pawisan ka. Bakit ka kasi naririto?"


"Namamasyal lang ako..." May paghingal pa sa sagot ko. "Hindi ko namalayang nawawala na ako..."


Naglakad siya at sumunod naman ako. Natatakot akong maiwan dahil baka hindi na talaga ako makaalis dito sa talon. Ayokong abutan dito ng dilim.

An Affair to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon