KABANATA 4: ORASAN

14 8 0
                                    

{Maria Jonas POV}

Sabado ngayon kaya naman mag papahinga muna ako sa pag-aaral ng class lessons. chill muna tayo.

"Ma? nasaan 'yong mga labahan?!" pa sigaw tanong ko kay mama dahil nasa kwarto siya at ako'y nasa kusina, nag huhugas ng mga pinggan.

"Kinukuha ko na anak! sandali!" sigaw pabalik ni Inay. si papa wala nanaman sa bahay, may importanteng meeting nanaman na kaylangan pasukan. 'yong promise niya na mag ba-badminton kami hindi na natuloy, apaka duga talaga ni papa sa pag gagawa ng schedule.

pag libre siya ako naman 'yong abala dahil sa mga school works tapos pag available naman ako si papa naman yung hindi pwede dahil maraming gawain sa trabaho niya.

hay...

natapos na akong mag hugas at na-isakob kuna ang mga ito para patiktikin.

tutulungan ko naman ngayon mag laba si Mama.

dahil antagal ni mama ay napag pasyahan ko ng puntahan ito sa kwarto nila.

"Ma? 'di kapa ba tapos?" tanong ko habang kumakatok sa kwarto nila, ngunit hindi ko siya nadinug na umimik.

"Ma?" tawag ko muli.

hindi parin nag sasalita si Inay kaya naman pumasok na ako sa loob.

naka talikod ito habang may hawak siyang itim na basket at naka lagay ang mga maruruming damit roon.

tiningnan ko ang oras dahil sa pag kaka-alam ko ay alas-nueve na ng umaga. para sana makapag simula na kami tapos agad matuyo 'yong mga damit tapos aitutupi na mamayang hapon.

natutop ang tingin ko dahil yung orasan sa kwarto nila mama ay naka oras sa 6:39PM. tumigil siguro sa pag gana 'yong orasan kahapon.

"Ma? may batirya kaba ri'an para sa orasan?" tanong ko ngunit ganon parin si Mama. hindi siya nag sasalita. naka talikod lang siya sa akin habang bitbit iyong basket.

ano nanaman bang trip ni mama hay...

linapitan ko siya upang kalkalin 'yong dalawang maliit na drawer sa harapan niya upang mag hanap ng payat na batirya para sa orasan.

"Ma? may batirya ba dito?" tanong ko muli kay mama ngunit naka tayo lang siya sa tabi ko. hindi ko siya tiningnan dahil abala ako sa pag hahanap.

naka hanap ako ng isang bagong pack na batirya at kumuha ng isa.

nang maka kuha ako ay daretsyo akong tumungtong sa kama nila mama at inabot 'yong orasan sa dingding.

nang maabot ko iyon ay maayos naman na gumagana iyon. mukang walang problema sa batirya.

chineck ko 'yong orasan ko sa cellphone at laki ang pag tataka ko dahil naka oras rin ito ng 6:39PM. nabaliw narin ata ang cellphone ko?

na alala ko na may relo si papa na itinatabi don sa itaas ng lamesa malapit sa lampshade nila. bumaba ako sa kama at nakita ko ito sa likuran ng lamp.

kinuha ko ito at tiningnan ang oras. 9:34AM na.

ibinaba ko ito katapos ay bumalik sa pag tungtong sa kama nina Mama at Papa upang ibahin ang orasan na nasa dingding.

"Ma saglit lang ha. ayusin ko lang 'to tapos mag laba na tayo." muli ako nag salita ngunit 'di padin sumagot si mama.

MYSTERY SERIES #1: Story of MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon