KABANATA 6: NAKARAAN

12 8 0
                                    

{Maria Jonas POV}

ilang araw narin ang naka lipas ng mangyari iyong nakita ko si Ica. natagpuan kami ni Papa sa kwarto no'n, ako raw ay nasa kama tapos si Inay naman ay naka handusay daw sa sahig.

si Papa naman sinabi niya kay Mama na nawalan raw siya ng signal no'n at naputol ang tawagan nila katapos ay dumaretsyo siya para umuwi upang malaman kung ano ba ang nangyari sa akin.

nang magising ako noon ay hindi parin ako maka paniwala sa nangyari. ang sabi sakin ni Mama ay nakita niya rin si Ica at 'yon ang dahilan kung bakit siya nahimatay.

ayun, hindi naniniwala si Papa sa'min. ang sabe niya ay baka nasobrahan raw ako aa pag aaral at hindi nakaka tulog ng maayos kaya raw ako nanghina ng gano'n. tapos si Papa ang sabi niya kay Mama ay baka husto raw ang pag tatrabaho niya sa gawaing bahay at nalipasan lang ng gutom.

ewan kuba kay Itay at ayaw niyang maniwala sa kinwento namin sa kaniya.

"Hoy, gagi! seryoso 'yan oh na nanakot ka lang?!" hindi makapaniwalang sambit ni Mica.

Lunes na at naririto kaming tatlo sa tambayan namin na garden ng eskuwelahan. wala kasi Math teacher namin tapos kasunod lang siya ng recess kaya naman sinabihan kami ng adviser namin na pwede na kaming mag recess at mag pahinga pa ng isang oras.

"kelan paba nag biro si Maria tungkol sa ganiyang bagay, Mica?" pinitik ni Muse sa tenga si Mica.

"Ano ba!" tinabig niya ang kamay ni Muse at mukang iritado. kelan kaya hindj mag aaway itong dalawang 'to?

"nag tatanong lang naman eh! baka April fools kase! malapit na ang Abril eh." umirap si Mica at nag cross arms siya.

"pwede ba, wag muna kayong mag bangayan?" pag babawal ko sa kanilang dalawa. nakakarindi rin kase aa tenga pag lagi nalang gano'n.

"totoo ba Maria?" tanong muli ni Mica.

"oo, hindi lang nga ako ang naka kita sa kaniya..." huminto ako at huminga ng malalim.

"s-sino pa?" nanginginig na boses Muse at halatang halata ang pagiging kabado niya.

"Si Mama." sagot ko. napa uwang ang mga bibig nila na tila ba'y 'di maka paniwala sa aking sinabi.

"no'ng araw na nag pakita siya sa'kin, iyon rin ang araw na nag pakita siya kay Inay." paliwanag ko.

"b-baka naman m-may pinapahiwatig siya?" napa tingin ako kay Mica ng banggitin niya ang mga salitang iyon.

"ano naman?" hindi ko maiwasang mag isip ng kung ano-ano.

"yung katulad sa mga movies, need mo tulungan mga spirits nila para maka daan sa ilaw." sagot ni Mica.

MYSTERY SERIES #1: Story of MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon