KABANATA 7: LARAWAN

12 8 0
                                    

{Mica Okafor's POV}

patapos na ang klase pero inutusan ako ng homeroom teacher namin na kolektahin iyong English textbook ng aking mga kaklase pag katapos ay dalhin iyon sa faculty room at ilapag sa desk ni Maam.

"Okay class, ilabas niyo na ang mga notebooks niyo para ma collect na at ichecheck ko kung sino ang hindi tumapos sa lectures kaninang umaga." sambit ni Maam kaya't naman nag si kilos ang lahat upang kalkalin ang kanilang bag at ilabas ang textbook nila.

tumayo na ako at nag simulang mangolekta.

"kita nalang tayo sa Gate mamaya. sabihin mo nalang kay Muse." ani ni Maria na may halong ngiti sa kaniyang mga labi. kinuha ko ang textbook niya katapos kinolekta pa 'yong sa iba.

ng makatapat ko si Muse ay agad kong ibinilin iyong sinabi ni Maria

abot hawak ko ang dulo ng kaniyang notebook. bago ko iyon tuluyang kinuha ay nag salita ako.

"hintayin n'yo nalang raw ako sa harap ng school gate mamaya." katapos ay kinuha ko ang notebook niya atsaka pinatong sa iba pang notebook na bitbit ko.

"sige, hintayin ka namin." tumango nalang ako bilang sagot at na ngolekta muli.

iilan nalang ang natitira na hindi kupa nakuhanan kaya naman minadali kuna.

ng matapos ako'y agad ako lumapit sa homeroom teacher namin.

"Maam, punta na ako Faculty ah." paalam ko.

"Sige." sagot niya na may kasamang pag tango.

nag lakad ako ng marahan patungo sa Faculty room ng mga teacher upang hindi matapon ang mga notebook na bitbit ko, nasa mahigit thirty plus ang mga ito at baka kapag nasira ay sisihin ako ng mga masusungit kong kaklase.

"psst!" napahinto ako sa narinig ko.

sino 'yon?

tumingin ako sa likuran ko ngunit wala namang tao.

nag angat balikat nalang ako at nag patuloy sa pag lalakad.

nasa third floor kase yung faculty ng mga teacher, nakakapagod paman ang pag akyat at baba sa hagdanan.

hahakbang na sana ako sa hagdanan pero may narinig akong tinig ng isang tao na pumipito.

tumingin ako muli aa aking likuran ngunit wala paring tao. sa harapan ko rin naman ay napaka tahimik, wala na ang mga estudyante sa ibang silid dahil nag si-uwian na.

"Psst." mahina iyon pero dinig ko 'yon na nag mumula sa second floor.

humakbang ako paakyat sa hagdanan ng dahan dahan.

nang makadating ako sa pangalawang palapag ay walang maaninag ang aking mga mata ni isang estudyante o guro.

kung walang tao eh sino naman kaya iyon? mga janitor o janitress siguro?

nadinig kong kumaluskos ang isang upuan mula sa kanang daan papunta sa mga silid ng Grade 9.

dahil nababalutan ako ng pag tataka kung sino ang gumagawa ng ingay na iyon ay lumakad ako palapit roon.

MYSTERY SERIES #1: Story of MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon