KABANATA 33

3.5K 63 6
                                    

Kabanata 33


"Hey!" nakangiting mukha ni Razor ang kaagad na bumungad kay Miladel noong buksan niya ang pintuan ng kanilang bahay.

"Good afternoon," nakangiting sabi naman ni Miladel. Bahagya niyang sinipat ang binata na simpleng-simple lang sa suot nitong plain red shirt at white cargo shorts.

"Sorry, medyo natagalan sa pagsundo. Tagal kasing mamile ng nanay ko sa talipapa." natatawang sabi pa ng lalaki. "Namiss kita!" he said before kissed her lips quickly. As usual, that sweet gesture makes her more madly in love.

"Charotero!" natatawa at kinikilig na sabi ni Miladel.

"Hindi mo ko na-missed?"

"Siyempre, na-missed! Special ka sa akin, eh!"

"Special lang? Hindi love?" tila nananantiyang sabi ni Razor sa kanya.

Syempre love! Pero di ko aaminin no! "Ewan ko sa 'yo!"

Nang makarating sa may sala ay naupo muna silang dalawa. Miladel told Razor that her mother did not finish to prepare kaya naman naghintay pa silang dalawa ng ilang minuto.

"Siya nga pala, I need to tell you something." ani Razor. Inabot pa nito ang kanyang isang kamay at marahang nilaro-laro ang daliri niya.

"Ano naman iyon?" puno ng kuryosidad na sabi ni Miladel sa binata. Ang libreng kamay nito ay mabilis na umabot sa kanyang mukha at iniharap sa lalaki.

"Pinapapunta ko ni papa sa bansang Japan. I need to do some things." marahan na hinaplos-haplos ng binata ang kanyang mukha. "Ngayon pa lang ay nalulungkot na ko. Mamimiss kasi kita agad."

Kitang-kita nga ni Miladel ang lungkot sa mukha ni Razor at ganoon din naman siya. "Gaano ka katagal doon?"

"To be honest, I don't know. Two or three weeks siguro? Depende kung matatapos agad ang mga gagawin ko." mas lalo siyang nalungkot sa narinig. Sobrang tagal nga na mawawala ni Razor. Halos kalahating buwan din iyon.

Ganoon pa man ay wala namang magagawa si Miladel. 'Ayaw niya na magsabing sumama dahil bukod sa wala pa siyang passport at VISA ay hindi din naman niya maiiwan ang kanyang ina. Hindi din niya gusto ang ideya na para siyang buntot ni Razor na sasama pa doon sa abroad. Baka makasagabal lang siya sa gagawin ng binata.

"Malungkot ka?" tanong ni Razor. Bahagya pa nitong pinisil ang isang kamay niya na hawak-hawak.

Tumango naman si Miladel bilang pagsang-ayon. "Oo."

Mapait na ngumit si Razor. "Hayaan mo. May skype naman, di ba? Makakapag-usap tayo nang madalas. Tapos pag-uwi ko naman ay papasalubungan kita ng madaming tsokolate. Saka ano pang gusto mo?"

Marahas ang naging pag-iling ni Miladel. "Wala, Razor. Wala akong gusto na kahit na anong pagkain o bagay. All you need to do is be safe. Mag-iingat ka doon hanggang sa makabalik ka sa akin."

"Okay. I will. Para sa iyo." kinabig siya ng binata at niyakap nang mahigpit. Yumakap din naman si Miladel pabalik dito. May ilang segundo din silang ganoon na dalawa bago lumabas mula sa kuwarto ang ina.

"Hello po, Tita Marissa!" nakangiting bati ni Razor sa matanda.

"Nandiyan ka na pala, hijo. Pasensya ka na at natagalan ako." muling tugon ng ina ni Miladel.

"Okay lang po. Tara na po!" magkahawak ang kamay silang lumabas na dalawa ni Razor habang ang ina naman niya ay nakasunod sa kanilang dalawa.

***

BANDANG hapon na noong mag-umpisang magdatingan ang mga bisita sa bahay ng mga Song. Nag stay ang mga ito sa veranda habang nakukuwentuhan at kumakain ng meryenda.

Dahil hindi maka-relate si Miladel sa mga pinag-uusapan ng mga nakatatanda, sapagkat wala siyang ka-edad doon at wala rin naman si Razor dahil hinatid papunta sa terminal ang pinsan na si Pilgrim ay nagpaalam siyang papasok muna sa loob.

Pagdating sa may sala ay naupo si Miladel sa sofa at saka binuksan ang telebisyon upang manuod. Noong mainip ay naisipan niya na magtunggo na lamang sa kusina at maghanap ng maaring gawin.

Nang makita niya ang isang kasambahay na kasalukuyang iniinit na at inaayos ang mga pagkain na niluto nila kanina ay sinabi ni Miladel na tutulungan niya ito.

"Naku, huwag na po ma'am, ako na lang po at magpahinga na kayo," wika ng kasambahay.

"Hindi, wala naman kasi akong magawa, naiinip ako. Tutulungan na kita," pamimilit naman ni Miladel dito. Sa huli ay pumayag na rin ang kausap at sinabing iiwanan muna siya nito sandali upang maiayos ang mga utensils sa sala.

Natapos ng initin ni Miladel ang mga ulam. Naayos na rin niya ang white sauce na gagamitin para sa pasta na specialty nila ng ina, noong isalang ang garlic potato soup na siya mismo ang gumawa.

Kasalukuyan niya na itong hinahalo noong maramdaman ang isang kung ano na nasa kanyang likuran. Noong un nga ay akala niya multo ito. Agad na pumulupot ang mga braso nito sa kanyang beywang habang ang mukha naman nito ay marahang ipinatong sa kanyang kanang balikat.

"Wow naman!" anito sa baritonong tinig

"R-Razor," gulat at naiilang na sabi ni Miladel.

"Yeah. Nahatid ko na 'yong kupal kong pinsan," nakangiting sabi nito. Ramdam na ramdam ni Miladel mula sa kanyang likuran ang bahagyang pag-vibrate ng dibdib ni Razor noong magsalita. Sunod na ginawa ni Razor ay hinalikan siya ng mabilis sa kanyang labi.

"Razor, kumalas ka na. Loko, baka mamaya may makakita sa atin," sagot naman ni Miladel, naiilang.

"Ang cute kaya. Para tayong mag-asawa sa ganitong posisyon." mas lalo pang hinigpitan ni Razor ang yakap sa kanya.

"Naku, mag-asawa ka diyan," sagot niya.

"Sus! Nagawa na nga natin 'yong ginagawa ng mag-asawa, eh," sabay ngisi ni Razor.

"Baliw!" itinigil niya ang ginagawang paghalo sa soup at saka kinalas ang pagkakapulupot ng braso ng binata sa kanya beywang.

"Diyan ka na nga! Ikaw na lang ang magtapos niyan," sabay alis ni Miladel habang si Razor naman ay naiwan doon habang malakas na tumatawa.

Night Changes [Dreame app]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon