KABANATA 23

6.7K 188 10
                                    

Kabanata 23

"ANO na naman ang ginagawa mo dito sa Ilocos?" bungad na sabi ni Razor kay Pilgrim noong makita ito sa garden. Kasalukuyang nakaupo at nagkakape ang pangalawa. Tumabi naman ang una at inagaw ang magazine na binabasa nito.

"Binisita ko lang si Ranch. May ipinakausap ako." nakangiting sabi ng kausap.

"At ano naman iyon?" pang-uusisa ni Razor.

"Wala ka na doon!" natatawang sabi naman ni Pilgrim.

"Baliw ka! " singhal niya.

Tinignan ni Razor ang cover ng magazine. Mukha ito ng pinsan na si Ranch kung saan nakasuot ito ng chef uniform pero muscle tee ang style. Nakalabas ang mga braso ng lalaki sa cover at nakataas ang dalawang kamay habang hawak-hawak ang mga kung anong gamit sa pagluluto.

"Bakit parang lumaki ang katawan ni Ranch dito?"

Nagkibit balikat si Pilgrim. "Ewan ko diyan? Parang inaaraw-araw ng pinsan natin na yan ang sexercise." pagbibiro pa nito.

"Feeling ko nga din. sang-ayon ni Razor. Sunod na eksena ay sabay na silang tumawa ng pinsan.

"Siya nga pala, Razor." tumikhim si Pilgirm. "Can I stay here for one to two weeks?"

"Oo naman! Pero sandali—hindi ka ba hahanapin ni Tito Ken? Sino ang magma-manage ng bar mo?"

Humigop muna si Pilgrim ng kape. "Hindi lahat ang sagot ko. Hindi ako hahanapin ni Papa dahil siya pa mismo ang nagpapunta sa akin dito. Hindi ko na din problema ang bar na pag-aari ko dahil lahat naman ng tauhan doon ay mapagkakatiwalaan at alam na ang kanilang mga gagawin."

"Ganoon? Pero bakit ka ba nandito?" inilipat-lipat ni Razor ang mga pahina ng magazine na hawak. Halos lahat ng laman na nandoon ay puro tungkol sa pagkain. Lahat ay mga gawa o luto ni Ranch.

"I need to relax." he paused. "Madami akong iniisip. Feeling ko ang gulo-gulo ng buhay ko ngayon."

"Ngayon lang talaga magulo?" hindi maiwasan ni Razor ang matawa. "Your whole life is a mess, Pilgrim Adrian Lee."

"Fuck you, Jan Razor Song!" nag dirty finger pa si Pilgrim sa harapan niya. "But still, you are right!"

"Ano bang nangyari sa 'yo?" pang-uusisa niya pa.

Seeing his cousin now, he can say na hindi nga ito okay. Medyo seryoso kasi si Pilgrim at hindi ang natural na pilyo. Mukhang mabigat nga ang pinapasan nito ngayon.

"I don't know, man! Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. There's a girl na nagugustuhan ko na 'ata?"

"Nagugustuhan mo na 'ata? Langya naman, Pil. Bakit may 'ata?"

"Hindi ako sigurado. Ewan ko! Naguguluhan ako!" naihilamos ni Pilgrim ang dalawang kamay sa mukha.

Frustrated.

"Feeling ko naguguluhan ka pa ngayon. Perhaps, your indenial."

"In denial?"

Sinipa ni Razor ang inuupuan ng pinsan.

"Ano ba?" reklamo nito.

"Sa nararamdaman mo!" aniya, "Did you do it with her? Ah! No, no, no, bakit ko ba natanong 'yan? Siyempre ginawa mo na 'yon!"

"Yeah, yeah!" pagsang-ayon pa ng pinsan.

"Then what do you feel, Pilgrim? Bukod sa masarap, ah! Dahil alam naman natin na masarap talagang gawin 'yon!" nakakalokong sabi ni Razor.

"It feels different to be honest. Never kong naramdaman iyon sa ibang mga babae o kahit na kay Shaira. I was so happy. Don't get me wrong okay? Hindi dahil sa may nangyayari sa amin. There is something in me na kapag kasama siya ay parang wala akong ibang naiisip kundi 'yong kaming dalawa lang? Tas pakiramdam ko ang bilis-bilis ng oras kapag magkasama kaming dalawa."

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now