KABANATA 8

12.8K 302 10
                                    

#8

ISANG LINGGO na ang lumilipas simula nang magkakilala sina Razor at Miladel. Katulad nang nga nagdaang araw, tuwing gabi ay tinutulungan pa rin ni Miladel na hanapin ang babaeng nagngangalang Jarmaine, habang si Razor ay tuloy pa rin sa ginagawang pagpapaligaya sa dalaga.

Kasalukuyan sila ngayong nasa may kuwarto habang parehong nakadapa at nakatutok sa may laptop.

"Ito ba?" tanong ni Miladel kay Razor, bahagya niya pang pinaling dito ang laptop upang matignan nang mabuti ni Razor ang mukha ng babaeng nasa monitor.

Walang pasok kinabukasan si Miladel dahil day-off niya sa trabaho kung kaya't napagpasyahan nila ni Razor na magpuyat at hanapin ang babae.

"Hindi 'yan." umiiling-iling na sabi naman ni Razor sa kanya. Katulad ng mga ginagawa noong mga nakalipas ay binura na ni Miladel sa list na nasa Microsoft Excel niya ang pangalan ng babae na iyon.

Nag copy siyang muli ng panibagong pangalan at saka inilagay sa search engine ng google. Pagka-enter niya ay lahat ng result na nandoon magmula sa mga social media katulad ng Facebook, Twitter o Instagram ay isa-isang binuksan ni Miladel sa panibagong tab, ultimo mga blog o kung anu-ano pang sa tingin niya na may kaugnayan sa pangalan na iyon ay binuksan din niya.

Sinimulan niyang ipakita ang mga mukha ng babae na lumabas sa ilalim ng pangalan na iyon.

"Hindi pa rin." muli ay umiling-iling si Razor sa larawan na kanyang pinakita.

"Eh, ito?" tanong na naman ni Miladel sa binata.

"No." umakbay si Razor kay Miladel at saka sumiksik sa dalaga.

"Ito?" pagpapakita niyang muli ng panibagong larawan.

"No." sabi na naman nito, bahagya pang ngumuso na halata namang nagpapa-cute lang sa kanya.

"Hay nako! Nakaka-stress!" asar na sabi ni Miladel at saka ibinagsak ang mukha sa malambot na unan na nasa kanyang harapan.

Napahagikgik naman si Razor nang dahil sa inasal niya. "Ang cute mo talaga."

"Sus, binobola mo na naman ako!" walang lingon na sabi ni Miladel kay Razor, nanatili lamang siyang nakasubsob sa malambot na unan.

"Totoo naman." bakas sa tono nito ang pagka seryoso. Iniangat naman ni Miladel ang kanyang mukha at mataman na tumingin sa binata.

"Eh, di wow." sabay dila niya sa binata. Ilang sandali pa'y sabay silang nagkatawanan. "Alam mo mamaya na lang natin ituloy ang paghahanap, nagugutom na ko, eh. Sandali lang at titignan ko kung may pagkain pa sa ibaba."

Bumangon naman si Miladel sa may kama at saka naglakad patungo sa may pinto. Akmang pipihitin na niya ang door knob noong magsalita si Razor.

"Teka! Sandali at sasama ako." saka ito dali-daling bumangon sa may kama. Nagsimulang bumaba ang dalawa patunggo doon sa may sala. Tinignan ni Miladel kung ano ang maari niyang kainin doon.

"Nasaan na kaya ang menudo na niluto ni Tiya Janice kanina?" nagpalinga-linga sandali si Miladel, tinignan kung saan nakalagay ang hinanap.

Nang sipatin niya ang lamesa ay wala naman doon kung kaya't nabakasali siya na nasa mag refrigerator at hindi nga siya nagkamali. Nandoon nga ang ulam sa loob, medyo tumigas at namuo na ang sarsa.

Napangiwi siya. "Hindi ko na 'to makakain."

"Bakit naman?" takang sabi ni Razor na lumapit sa may tabi niya. Tinignan nang binata ang menudo. "Initin mo kaya." dagdag pa nito.

Bahagya namang umiling si Miladel. "Ayoko. Pag ininit ko pa 'yan kulang na sa time."

Natawa si Razor. "Ano'ng kulang sa time?"

Night Changes [Dreame app]Where stories live. Discover now