Kabanata 2 (LDR)

16 4 0
                                    


Nayeli

Iba ang oras sa Milan kaya kailangan niyang tumawag doon ng gabi dahil umaga sa Pilipinas. It took a while before it was answered.

"Hi Banj, kumusta ka na?" she asked.

"Maayos naman. Natanggap ko na pala ang perang ipinadala mo love, thank you."

"Welcome. Kumusta ang pag-aaral mo?"

"I'm very busy right now. We are preparing for our pre-presentation in thesis."

"Ganoon ba. Kaya mo 'yan, love."

"Thank you. Ikaw kumusta ka dyan? Sorry if hindi na ako masyadong nagchachat like I said masyado na talaga akong busy this days."

"Ayos lang ano ka ba, marami rin naman akong ginagawa rito. Okay na iyong ganito may time parin tayo kahit saglit lang nakakapag-usap pa rin tayo. Hindi nga lang talaga madalas tulad noong nandyan pa ako."

"Yes. I miss those days, Ayeng. Pero naiintindihan ko naman kung bakit napili mong umalis. You are a bread winner in your family after all. Nahihiya na nga ako minsan kasi pati pangtuition ko nashoshoulder mo pa. Nahihiya na rin ako sa pamilya mo."

"Ano ka ba, hindi ba napag-usapan na natin ito dati? And besides sinuportahan mo rin naman ako noong nag-aaral pa ako. Binabalik ko lang ang naging tulong mo."

"Hindi naman ako humihingi ng kapalit doon."

"I know. Pero gusto ko rin na makatulong sayo kahit papaano dahil sooner after you graduate magpapakasal na tayo hindi ba?"

"Ahm, Ayeng...."

"What? Baka hindi mo na ituloy ang naging plano natin ah, masasaktan ako niyan Banj."

"No, but I plan to work first para makaipon. Hindi naman pwedeng sumabak tayo sa buhay mag-asawa na walang pera. Ikaw may pinag-aaral ka pang kapatid."

"Pwede naman natin gawin iyon kahit kasal na tayo. Hindi ko naman hinihingi ang engrandeng kasal, kahit huwes nga ay okay na ako. Ang importante nandoon ka at pamilya natin."

"But I wanted to give you the best wedding you deserve."

Hindi niya maitago ang kilig nang sabihin iyo n ng nobyo. Noon pa man kahit nag-uumpisa pa lang sila ay lagi na talaga siyang pinapasyal at nireregaluhan ni Banjo. Pero siya ang bakla kung magmahal. Naalala niya na binigyan niya ng explotion box si Banjo noong first anniversary nila. Hindi niya alam kung paano gumawa pero inaral niya sa youtube.

May mga pagkakataon na nagkakatampuhan din sila pero si Banjo ang laging nagsosorry. Banjo is very husband material for him pero iba naman ang opinyon ng magulang niya lalo na ang ina pagdating dito.

"Oh bakit tila tulala ka?"

"Naalala ko lang ang mga pamamasyal natin noon. Hay naku kung malapit lang talaga ang pinas, umuwi na ako."

"Soon magkakasama rin tayo. At kapag nangyari iyon, mamasyal tayo ulit sa mga dati nating pinuntahan. Ililibre mo ako ng icecream—"

"Bakit ako?"

"Dahil ako ililibre naman kita ng kwek-kwek at fishball."

Natawa siya rito. Hay Banj, how I love to go home and hug you. Pero syempre hanggang doon lang iyon dahil imposibleng makakauwi siya sa liit ng ipon niya.

"Sige Ayeng, tumawag ka na lang ulit. Our class is about to start."

"Okay, good luck. I love you."

"OK, bye."

Not even an I love you, too? Marami pa sana siyang sasabihin pero ibinaba na nito ang tawag. But maybe he's just too busy. Banjo is a nursing student. Kapag kailangan nito ng pera agad siyang nagpapadala iyong ang madalas na pag-awayan ng magulang niya.

"Pinadalhan mo na naman ng pera ang boyfriend mo?" iyon lagi ang bungad sa kanya ng ina tuwing tumatawag siya. Memoryado niya na tuloy iyon.

"Nay, kailangan ni Banj nang pera para sa thesis requirements niya" paliwanag niya sa ina.

"

Eh 'di sana nag-aral ka na lang ng nursing kung padadalhan mo ng pera ang ibang tao" narinig niyang komento ng ama.

"Hindi naman ibang tao si Banjo 'tay. He is my boyfriend. We will get married soon when he graduates, he will also be your son-in-law."

"Bahala ka, i-spoil mo 'yang boyfriend mo. Kapag 'yan nakipaghiwalay sayo, huwag mo akong iiyak iyakan ah" dagdag pa ng ina.

"Nay, nakalimutan niyo na rin siguro na may naitulong din sa akin si Banjo noong nag-aaral pa ako ng Tourism."

"Kaya kung makapagpadala ka ng pera ganoon ganoon na lang? May mga kapatid ka pang pinag-aaral Ayeng, baka nakakalimutan mo iyon."

"Hindi ko naman nakakalimutan 'yon nay. I will keep my promise to send Dami and Julius Vin to college."

"Mabuti. Alam mo naman na sa pagtatricycle lang kami umaasa sa pang-araw-araw na gastusin dito. Eh ngayon ah matumal ang biyahe ng iyong ama, hindi ko na nga alam paano ang budget na gagawin ko para may makain kami nitong mga kapatid mo."

"Iyong last week na padala ko naubos na po ba agad?"

"Aba Ayeng, hindi naman ganoon kalaki ang pinapadala mo nahahati pa dyan sa boyfriend mo kaya talagang mauubos agad."

After her mother's long preach the calls ended. She climbed into the bunk bed. Barbie was her roommate and Piper was in the other room.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" untag nito.

"Hindi na naman nagustuhan ng magulang ko na nagpadala ako ng pera kay Banjo."

"All parents are like that. You're still the breadwinner of your family. Bakit kasi hindi maghanap ng trabaho iyang si Banjo, marami naman ang working student ngayon. He's a man, he can't just rely on you for his tuition."

"Alam ko but I want him to focus on his studies, it's for our future as well."

"Is it really for your future? Napakasupportive mo naman na girlfriend? You're even close to be his sugar mommy."

"Sira. Ang akin lang naman basta makatulong ako, sapat na iyon."

"Ang bait mo. Anyway, let's go to sleep and we'll be fine tomorrow."

"Mabuti pa nga."

They say no one survives in LDR or Long Distance Relationship but she will prove that she and Banjo can survive in such a set-up. Two years ang kontrata niya sa Milan pagkatapos niyon, she and her boyfriend will be together again. Tiis-tiis na lang muna pasasaan ba at magkikita rin sila.

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Where stories live. Discover now