Kabanata 39 (Her Proposal)

8 3 0
                                    


Nayeli

Nang makabalik siya sa condo isang desisyon ang pinagpasyahan niya. Walang kaalam-alam si Zayd sa mga mangyayari ng gabing iyon.

Nasa trabaho ito buong araw.
Nagluto siya ng mga paborito nito na crispy chicken teriyaki balls at lemon garlic shrimp pasta. Inayos niya ang mesa. Nilagyan niya rin ito ng mga pailaw sa paligid.

She see to it that everything is perfect. Nagpalit din siya ng maxi dress na bagsak at malambot ang tela. Sinigurado niyang maganda siya ng gabing iyon.

Inilugay niya ang kulot at mahabang buhok. Hindi na pala siya nagpagupit kaya umabot na iyon hanggang beywang. Naglagay din siya ng pabango na muntikan pa siyang maduwal.

Mayamaya pa ay narinig niya ang pagdating ng sasakyan ni Zayd. Hinawakan niya ang hindi pa gaanong malaking tiyan, hindi parin siya makapaniwala na may laman na iyong bata.

'Baby, daddy is here' bulong niya.

Excited niyang sinalubong si Zayd. Pagbukas ng pinto ay agad na niyapos niya ito.

"What's the occasion?" tanong nito.

Umalis siya sa pagkakayakap dito.

"It's our anniversary, 'wag mong sabihin na nakalimutan mo?"

"I'm just joking. Heto nga may dala akong flowers para sayo. Happy anniversary, baby" sabay abot nito ng bulaklak.

"Salamat."

"Did you prepared this for me?" manghang tanong ng nobyo.

"Yup. Ikaw kasi ang laging nagsusorpresa sa akin tuwing anniversary natin kaya naisip ko ikaw naman ang sosorpresahin ko ngayon."

"I love it."

"Syempre, grabe ang effort ko dyan noh. Halika na maupo ka na" kinuha niya rito ang bag nito at itinabi iyon.

"Wow! Nagluto ka rin."

"Yeah, niluto ko mga paborito mo. Ang mabuti pa kumain na muna tayo bago ko sabihin ang sunod na sorpresa."

"There's more?" taas ng kilay nito.

"Yes."

"Ano kaya 'yon?"

"Mamaya na, tikman mo muna ang luto ko."

"Okay."

Pigil ang hininga niya ng tikman nito ang luto niya. First time niya kasi iyong lutuin, thanks to youtube her cooking teacher for the day. Although nagluluto naman talaga siya pero hindi mga ganoong pagkain.

"How was it?"

"Hindi ito ang lasa na natitikman ko sa mga restaurant-"

"Is it bad?"

"Nope, masarap siya. I mean it."

"Talaga? Buti naman nagustuhan mo."

Kumuha siya ng wine at nilagyan ang baso nito.

"Hindi ka ba kakain?"

Can't Marry You Yet (The Edited & Continuation)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora