• Last Chapter (Part One) •

895 43 162
                                    

Trigger warning: sexual assault, rape, abuse

Last Chapter (Part One)

Anghel Yanez

Anya Yanez

Courtside Photographer

I smiled looking at my I.D pass. It's really real. Natanggap talaga ako na maging official courtside photographer ng mga sports team ng Saint Francis Academy.

It has been my passion ever since to take pictures, but since my parents didn't allow me to take a course related to photography, I settled with BS Biology. At least they would think that I'm serious with studying.

"Lolo!" I called the moment I got home.

I saw him watering the plants near the window. Kami lang dalawa ng lolo ko ang nakatira dito sa bahay. My parents didn't want me. They both have their own families now - complete and happy, may I add.

Isa lang naman akong pagkakamali. Hindi ako pwede tumira kay Mama kasi magagalit asawa niya. Hindi rin ako pwede tumira kay Papa kasi ayaw niyang malaman ng mga anak niya, ng mga kapatid ko, na may anak siya sa labas.

Kaya ang ending, Lolo ko ang kasama ko. Hindi rin naman ako nagrereklamo kasi mahal na mahal niya naman ako. He was the one who named me Anghel, kasi noong taong ipinanganak ako, 'yun din ang taon na nawala ang lola ko.

Kaya para sa kanya, blessing ako.

"Look!" I said, showing him my I.D with a full smile plastered on my face. "Official na!"

Lumapit siya sa akin at tiningnan ang I.D bago ako niyakap. Hinawakan niya ang magkabila kong braso. "Sabi ko naman sa'yo makukuha mo. Magaling ka e, apo kita."

I pouted at him, trying to stop myself from being teary-eyed. "Hindi ko naman makukuha 'to kung hindi niyo po ako pinilit at binigyan ng motivation."

He smiled at me. "Kung nandito lang ang lola mo, sigurado akong magiging proud din siya sa'yo," he said.

I smiled at what he said. Growing up, I've always wished of having a love like what my grandparents had. A love so pure and true. Totoong pagmamahal na kahit kamatayan hindi kayang pigilan, hindi kayang paghiwalayin.

"I know, Lolo. I know..."

* * *

Tumakbo ako papunta sa kabilang side para makuhaan ang three-point shot ni Jersey #1 or si Greg Lopez. Championship game ngayon ng school kalaban ang Xavierville. Pawisan na nga ako kasi kinakabahan ako, ang intense ng game.

Hindi naman ako mahilig sa basketball, pero simula nung maging courtside photographer ako, medyo nagustuhan ko na rin kahit papaano.

It was already the last quarter of the game at dikit ang laban nilang dalawa. Nag-uusap na ngayon ang mga team sa kung anong strategies ang gagawain nila.

Kinuha ko ang camera ko at pinicturan ang player na nasa dulo ng bench. Bangko, I thought. Hindi pa kasi siya naglalaro simula kanina kaya fresh na fresh pa siya.

Shutter.

Halos mapatalon ako nang tumingin siya sa camera ko. Kaagad kong ibinaba ang camera ko at nginitian siya bago ako tumalikod at naglakad kunwari palayo hanggang sa hindi na siya nakatingin sa akin.

Bumalik lang ako sa pwesto ko nang magsisimula na ulit 'yung game. Nagulat ako nang makita kong wala na siyang warmer dahil lalaro na siya.

Jersey #6.

Ximenez.

There's only around more than a minute left. I wonder bakit bigla siyang ipinasok ni Coach, dikit na dikit 'yung laban. Hindi ba dapat 'yung magagaling na players talaga para sure win na?

'Di MadamaWhere stories live. Discover now