Trigger warning: sexual assault, rape, abuse
R-18 (?), curse words
Last Chapter (Part Two)
Anghel Yanez
Natigilan ako nang sampalin niya ako bigla. Kakatungtong ko pa lang sa bahay pero isang sampal na kaagad ang sinalubong ko.
"Pia!" pigil kaagad sa kanya ni Tita Ciella, nanay nina Alesso.
I looked at her. All I could see was anger in her eyes. Dinuro niya ako. "How could you be this irresponsible?!" she asked as she pointed at me.
Nakita ko si Papa sa likod niya, tinitingnan din ako na para akong isang kahihiyaan, but what's new, right? They were never proud of me to begin with.
Tiningnan ko siya. "Wow! Irresponsible? Coming from you talaga, Ma?" I sarcastically asked her.
Isang sampal ulit.
"What were you even thinking?!" she asked. "Pinapaaral ka namin ng Papa mo sa isang maganda at mamahaling unibersidad, pero ito lang ba ang natututuhan mo? Kalandian?!"
"Why was it my fault now?" I asked. Nagsimula nang tumulo ang mga luha, hindi ko na kayang pigilan. "I never asked you to provide for my needs, because in the first place that's your responsibility. It was your choice to give birth to me, to give life to me, so why was it my fault now that I'm breathing and you had to provide for me?"
"I didn't choose to be born!"
Bakit kasalanan ng anak?
Bakit kasalanan ko?
Ginusto ko bang ipanganak sa mundo?
Ginusto ko bang mabuo?
"All my life, I never asked anything from you, from the both of you. And everytime you give me something, why does it feel like I always have to be thankful? Na para bang utang na loob ko pa sa inyo na pinapadalahan niyo ako ng pera minsan sa isang buwan?"
"Kailangan kong maging thankful kasi 'wow at least kahit papaano naalala ako ni Mama, naalala ako ni Papa kahit may mga iba na silang pamilya', when in the first place I shouldn't be, because you're my parents."
"And parents love their children, not neglect them."
I wiped my tears away. "Sa tingin niyo ba gusto ko 'to? Sa tingin niyo ba masaya ako sa buhay ko? Na hindi alam kung sino ba talaga ang pamilya ko kasi walang may gusto sa akin? Mukha bang gusto ko 'to?!" I asked the both of them.
"Walang nanay at tatay na iniiwanan ang anak! Kaya 'wag kayong pumunta dito at umakto na para bang may pake kayo sa akin! Na para bang concerned na kayo ngayon sa akin!"
"Oo nga siguro kalandian lang natututuhan ko, pero may pinagmanahan ako. Hindi lang ako ang malandi, Ma, pati ikaw-"
Halos matumba ako sa sampal ng tatay ko pero kaagad akong naalalayan ni Alesso.
"Don't ever lay a hand on her again!" he said.
"Don't ever speak to your mother like that again!" he shot back.
"Then maybe teach your mistress first how to speak and treat her daughter right!"
Hindi sila nakaimik parehas sa sinabi ko.
"Mukha bang gusto ko na mapahiya sa buong mundo? Mukha bang gusto ko na matawag araw-araw na malandi, higad, makati? Mukha bang gusto ko? Mukha bang madali ang lahat para sa akin?!"
"Hindi ko rin alam bakit kayo nandito, kasi sa pagkakatanda ko, hindi ko kayo magulang. Wala kayong anak! Nandito lang ba kayo para isumbat sa akin lahat ng pagkakamali ko? Kasi hindi na kailangan. Alam ko naman."

YOU ARE READING
'Di Madama
General FictionEver since Anya met Rean Ximenez, she couldn't get him out of her mind. To her, he was unforgettable-a guy who gave her so much to remember. A one-night stand turned into a series of unfortunate events. A lie changed both of their lives forever. If...