BINUO KITA PERO SINIRA MO AKO

1.2K 26 2
                                    

BINUO KITA PERO SINIRA MO AKO
.

Normal pa ba iyong three years na kayong nasa relasyon pero walang nagaganap na cheating?

As in sobrang perfect ng relationship niyo, walang away, walang dahilan ng pagaaway, walang tampuhan. Normal lang. Kahit busy kayo pareho, nagkakamustahan pa rin. Nagkikita kahit hindi madalas.

Hindi ba mas nakakatakot iyon?

Sabi nga nila diba, ang karagatan ay kalma, ngunit mapanganib.

What if, akala ko lang perfect? Akala ko lang, tahimik lang ang relasyon namin? What if he has a secret?

"Mercy?"

Napakurap ako. Nakatitig na pala ako kay Aizen ng matagal at malalim ang iniisip.

Niyaya niya nga pala akong kumain sa labas nitong alas nwebe ng umaga. Pareho na kasi kameng walang time dahil parehong busy sa pag aaral.

"Yes?" Biglang sagot ko.

"Lalim ng iniisip mo a." Natatawa nitong sabi. "Tapos titig pa sakin, gwapong gwapo ka ba?" Nakangisi nitong tanong.

Umirap ako sa hangin. "Hambog ha." Saka ako tumingin sakaniya. Pagkasalubong ng tingin namin ay sabay kameng natawa.

"Namiss ko to, yung ganito tayo." Nakangiti nitong sabi. "Namiss rin kita."

Nakangisi ko siyang tiningnan. "Ako hindi kita namiss."

Nakasimangot itong humarap sa akin. "Edi okay, uuwi na lang ako." Seryoso nitong sabi na tumayo pa.

Natatawa ko siyang hinawakan sa kamay. "Joke lang, mahal!"

"Pangit mo magjoke." Sabi nito na umayos ulit ng upo.

"Oa mo na ha." Natatawa ko pa ring sabi.

"Nyenye." Panggagaya kunwari nito sa akin.

Nitong mga araw...

Hindi ko alam kung bakit iniisip ko na nagiba siya.

Hindi ko alam kung bakit nagiiba yung pakiramdam ko kapag titigan ko siya tapos bigla siyang iiwas.

Normal naman kami, ganito naman kami noon pa, pero parang nagiba siya? Para bang ayaw niya akong titigan sa mata. Para bang may tinatago siya sa akin.

Or it just my negative thought towards him because we don't see each other often?

Let's see nga if siya pa ba iyong mahal ko noon. If... Ako pa ba?

For how many years ngayon lang ako nagduda ng ganito. Sa sobrang tagal namin magkasama ngayon ko kinuwesyon ang samahan namin.

"Mahal... I have to tell something." Seryoso kong sabi.

"Yes?" Nakakunot noo nitong tanong. Nagtataka din siguro kung bakit bigla akong nagseryoso.

"Kilala mo naman si Jaxi diba?" Tanong ko. Napatingin pa ako sa mga kamay ko para di ako mautal. "Yung... Best friend ko nung highschool?"

"Ah... Yeah? Why?" Napapakunot noo na talagang tanong niya. Nasa akin ang buong atensyon.

"Ahm... I'm sorry." Nakatungo kong sabi.

"Ha? Bakit ka nag sosorry?" Tanong nito. Seryoso na talaga.

"Birthday celebration ng kapatid niya. May party na naganap sakanila at invited ako. Nalasing ako nong gabing iyon, hindi ko na alam ang nangyari..." Nagdadalawang isip ako if itutuloy ko pa ba or hindi na. Pero ito na e, panindigan na natin. "Nagising nalang ako na, wala ng suot sa kwarto niya at... Katabi ko siya."

Nakatingin lang ako sa baba. Kinakabahan sa magiging reaksyon niya. Nag aantay ng kung ano mang reaksyon ang ibibigay niya sa akin.

I need to tell this to him, to know if he's really a loyal man. If he still love me or he's not mine anymore.

Nag antay ako ng ilang minuto. Kaso wala.

Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Seryoso.

Hanggang sa hindi ko na kinaya.

Gusto ko ng tumawa kase sobrang epic ng mukha niya. Nakatitig sakin tapos sobrang seryoso. Medyo alanganin na din kase ko sa reaksyon niya. Parang may something na talaga na ayaw kong malaman.

"Ahm..." Pigil ang tawa ko. "Actually Aizen... It's just a-"

"Mercy... Siguro panahon na rin para malaman mo iyong totoo." Seryoso nitong sabi. "Three years na kitang niloloko."

It's just a prank...

Gusto kong sabihan iyon.

But I guess... Tama iyong hinala ko.

Na hindi na ako.

Matagal na palang hindi ako.

Sa sobrang perfect ng relationship namin, hindi na ako magtataka.

Malakas akong tumawa. "Ikaw pala pangit magjoke e." Natatawa kong sabi.

"Hindi iyon joke." Seryoso pa rin nitong sagot. "Inaamin ko sobrang gago ko para gawin sayo yon. Nagloko ako, nagsinungaling ako sayo, hindi ako naging faithful at honest sayo. Sorry kase hindi ko sinabi agad, hindi ko inamin sayo agad, natatakot kasi ako sa magiging reaksyon mo. I know you'll understand it if I confess it back then but I'm really scared." Naluluha nitong sabi sa akin. "Minahal kita, sobra. Pero habang tumatagal ang relasyon natin Mercy... Parang pinipilit ko nalang ang sarili ko. You know my past right? Bago ikaw, may naging girlfriend ako na 5 years. And until now... Siya pa din."

Ngayon, ako naman iyong tulala sakaniya.

Hindi na ako magtataka, hindi na ako magugulat. Ramdam ko na din naman na parang may nagbago sakaniya.

"Alam mo ba... It's a prank lang talaga sana iyong kinuwento ko e." Natatawa akong napatingin sa kisame. Ayokong maiyak sa harap niya. Kailangan ko ipakita na matatag ako.

"H-ha?" Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin. "But..."

"Huwag mo na subukang magsinungaling. Ramdam ko na rin naman Aizen. Ramdam kong nagbago ka, ramdam kong hindi na ako... Ahm, It's not me in the first place, rather. Kase hindi mo naman babalikan iyon kung mahal mo ako diba? Nagawa kong sabihin iyon kasi gusto kitang hulihin. Gusto ko magsabi ka ng totoo." Napapiyok pa ako sa huli kong nasabi.

Pinipilit kong huwag umiyak.

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi pa masyadong nagpaprocess sa isip ko pero sobrang sakit na.

"I'm really sorry." Mahina nitong sambit.

"Alam mo ba na sa tatlong taong yon, Wala akong ginawa kundi pasayahin ka, iparamdam na hindi ka nagiisa, na sobrang mahal na mahal kita. Kaya nga nagtagal tayo ng ganito kasi sobra sobra pagmamahal at respeto ko sayo." Hindi ko na napigilang maluha, ngunit nakangiti pa rin ako sakaniya. "Aizen, wasak na wasak ka nung time na iyon, sana una palang sinabi mo na, maiintindihan ko naman." Napatingin ako sa labas at nagpupunas ng luha.

Hindi ko na kinakaya ito. Gusto ko nalang umalis.

"Hindi ko magawa. Natatakot ako, Mercy. Sorry..."

"Maraming salamat sa lahat..." Tumayo na ako at inayos ang gamit.

Bago pa makapag lakad, may mga huling salita akong gustong sabihin sakaniya...

"Binuo kita, pero sinira mo ako."

***

Ms. Momo

ONE-SHOT STORIES (COMPILATION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon